Author

Topic: Mga natutunan ko sa pagtitrade at kung bakit mahalaga ang Risk Management (Read 113 times)

sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Sa totoo lang akala nung iba ganun lang kasimple ang pagsasagawa ng trading dito sa bitcoin o cryptocurrency, pero ang totoo hindi ito madaling unawain agad, it takes time bago pa natin ito maunawaan ng husto. Oo madali lang ang bumili ng coins anuman sa tingin natin ang potensyal na inaakala nating makapagbibigay ng profit sa atin, pero dapat meron din tayong isinasaalang-alang na mga gagawin.

      At para makamit natin ang ating inaasam na kita sa trading, bukod sa trading risk management dapat isapuso natin ang pagtetrade dito sa cryptocurrency, dahil kung ang priority natin ay puro kumita lang, lalabas we are not controling the money, sa halip we are pursuing it.
Kapag ganito kasi ang naging mindset natin bilang isang trader, mangyayari lang paulit-ulit na lagi tayong matatalo dito bilang isang mangangalakal na kung saan hindi dapat ganito. Kaya tama itong sinabi mo op, Godbless you Smiley
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356

Personally, hindi ako gumagamit Relative Strength at SPY sa crypto. May mga palatandaan lang kasi ako base sa experienced at back testing sa crypto na kapag tumataas si BTC, nahahatak rin ang mga Altcoin pataas. Price action trader ako pero gumagamit din ako ng mga indicator gaya ng volume. Since sa stock nga ginagamit ang Relative strength/weakness, hindi ko masasabing working din sya sa crypto, better to know it by myself through backtesting. Hindi rin kasi yan itinuro ng mga mentors ko dati.

Sa pagtitrade ko, kung ano lang yung trend sa higher time frame yun ang bias ko. Kaya siguro sa paghahanap ko ng coin sa pagtitrade, gagamitin ko yung Relative Strength at ang comparison ay Bitcoin, pero ibabacktest ko muna.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Sabi nga ng mga beteranong mga traders, maybe what's effective trading strategy for me doesn't mean it's also effective kung iaapply mo ito. Kaya tama nga naman na dapat alam mo ang risks at kaya mong tanggapin ang mga consequences nito dahil ikaw mismo ang magtuturo sa sarili mo which trading strategy and pinaka effective para sayo.


Kaya nga in trading kahit na sabihin mong knowledgeable kana on how crypto/bitcoin works pero kung 'di mo naman alam pano execute to talo ka talaga. Kaya importante talaga experiences dito kasi by that maeenhance mo yung decision skills mo sa pag t-trade. Kaya goods lang mag risk pero yung risk na alam mo talaga kasi sa volatile situation nito win or lose lang talaga. Tsaka always put money na you afford to lose kasi nga risky eh, mas goods na ipasok dito yung mga extra money mo na nakatambak lang bukod sa savings mo. At least gumagana yung pera mo depende sa market ng bitcoin.





Bukod pa diyan mas mainam talaga na no spoon feeding although pwede ka naman kumuha ng mga tips and tricks sa ibang mga traders or karagdagang knowledge, dahil when push comes to shove ikaw na mismo ang responsable sa sarili mong pera, which is the very main purpose ng crypto currency bilang decentralized. Tinuturuan tayong maging financially independent kahit sa kaunting pamamaraan lang.

Hindi talaga applicable spoon feeding dito, kung wala kang kilos or wise decision making olats ka talaga. Goods din na kumuha ng techniques tsaka tips pero 'di lahat ng oras applicable yon sa mga sitwasyon. Hindi naman pwedeng assets mo nakataya tas sa opinion ng other traders ka magbabase nang action mo in trading. Pera mo, desisyon mo dapat. Enhance mo lang knowledge mo from basic to experiences mo kasi dun ako nagsimula nung natuto na ko sa mga experince ko tuloy tuloy na yan.

legendary
Activity: 1904
Merit: 1563
Itching to share this subreddit though: https://www.reddit.com/r/RealDayTrading

Explore mo yang subreddit na yan lalo na yung "wiki" nila. Puro articles/post yon about strategies, tools, insights, money management or anything basta related sa trading. Although puro stocks trader yung mga nandiyan, yung strategy na ginagamit nila na "Relative Strength/Weakness vs SPY (in our case BTC)" is still applicable sa crypto market[1].

No bullshit yang subreddit na yan kaysa don sa WSB. LOL.

[1] https://www.reddit.com/r/RealDayTrading/comments/rcnfdp/any_advice_for_those_looking_at_day_trading_crypto/
sr. member
Activity: 588
Merit: 351
Sabi nga ng mga beteranong mga traders, maybe what's effective trading strategy for me doesn't mean it's also effective kung iaapply mo ito. Kaya tama nga naman na dapat alam mo ang risks at kaya mong tanggapin ang mga consequences nito dahil ikaw mismo ang magtuturo sa sarili mo which trading strategy and pinaka effective para sayo.

Bukod pa diyan mas mainam talaga na no spoon feeding although pwede ka naman kumuha ng mga tips and tricks sa ibang mga traders or karagdagang knowledge, dahil when push comes to shove ikaw na mismo ang responsable sa sarili mong pera, which is the very main purpose ng crypto currency bilang decentralized. Tinuturuan tayong maging financially independent kahit sa kaunting pamamaraan lang.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
Nung nagsimula akong pumasok sa mundo ng trading, ang nasa isip ko ay ito ang pinakamadaling paraan para kumita. Nagresearch ako by myself kung paano magtrade at nasurpresa talaga ako kasi ang daming videos about dito sa yt. Madami akong pinanuod at dahil nagagamay ko na ang mga strat na nakikita ko ay agad ko na itong inaapply saking sarili, nagtrade ako. At sa unang entry ay tumama kaagad sa Take Profit area, at ganun din sa pangalawa. Pero habang tumatagal sa pagtitrade — dahil may mga talo ako — napapansin kong hindi parin lumalaki yung puhunan. Hanggang sa umabot sa punto na tuloy-tuloy yung pagkatalo at naubos ang puhunan. Hindi ako sumuko sa trading kasi kung susuko ka ay talo ka, kaya pumasok sa mentorship program. At yung mga tinuro ay wala sa mga nakita ko yt kaya namangha talaga ako. Inapply ko din ito sa pagtitrade, at working talaga sya kasi tumatama din kasi tp area ko. Pero sa katagalan ay naubos pa rin yung puhunan.

Napatanong ako sa sarili ko kung ano ba talaga ang pagkukulang ko kung bakit nauubos yung puhunan.

Ang totoong dahilan pala ng pagkatalo ko ay trading mindset ko at wala ring risk management.
Sa mga panahon kasi na tumatama yung TA ko sa pagtitrade, ay hindi maiwasan na dagdagan yung margin sa pagtititrade kasi masaya ka eh. Pero nung time na dinagdagan ko yung margin, dun pa yung time ng pagkatalo ko. Kaya yung mga kinikita ko sa mga previous trades ko ay inubos lang ng isang trade. Isa din talaga sa dahilan ng pagkaubos ng puhunan ay dahil walang risk management, kasi kapag malapit ng umabot sa stop loss yung price ay tinatanggal ko ito kaya ang nangyari ay niliquidate yung margin ko kaya naging mabilis ang pagkaubos ng puhunan ko.

Mga natutunan ko sa pagtitrade:
  • 1.Tiwala sa TA
  • 2. Sundin ang yung trading plan
  • 3. Mindset sa trading
  • 4. No to revenge trading - dahil din ito sa emosyon
  • 5. Risk Management - pinakaimportante talaga ito.

Note: Huwag kayong magpapaniwala na kapag pinakitaan kayo ng winning trades nila ay profitable na sila kasi karamihan mas marami talaga ang losing trades nila. Not until they provide you their PnL and WinRate.
Jump to: