Karamihan sa atin ay naiinspire na magtrade dahil mayroong tayong access sa mga Token o Coins na maaring itrade sa isang palitan gaya ng Binance, Kucoin, Huobi, Coins.pro at marami pang iba. May mga tao na nagiging successful sa pagtitrade ngunit mas marami ang natatalo dahil sa kakulangan sa karanasan at hindi alam kung ano ang maaring maging sanhi ng kanilang pagkalugi. Tatalakayin natin ngayon ang ilang dahilan kung bakit natatalo o nalulugi ang tao sa kanilang pagtitrade.
Narito ang ilan sa mga pagkakamali ng isang trader.
Hindi pagkakaroon ng plano bago pumasok sa pakikipagtradeNapakalaking pagkakamali ang hindi pagkakaroon ng plano bago pumasok sa trading. Narito kasi nakasalalay ang mga diskarte at mga dapat gawin habang nagtitrade at ang mga posibleng pamimilian kung may mga hindi inaasahang pangyayari.
Hindi alam kung kailan kukunin ang kanyang tubo o kita.Karamihan sa trader ay walang basihan kung kailan nya ilalabas ang kanyang tubo sa trading. Dapat ay mayroon tayong target profit na kung saan kapag nakuha ito ay ilalabas natin ang ating puhunan at tubo at maghintay ulit ng pagkakataon upang pumasok sa trading.
Hindi pagkakaroon ng exit plan kapag nalulugi.Narito pa ang isang malaking pagkakamali ng mga trader. Kapag nakikita nilang bumabagsak na ang kanilang tinitrade ay hindi nila alam kung paano lalabas ng may minimal na pagkatalo. Wala silang ginagawang hakbang hanggang sa lubusang bumagsak ang value ng kanilang hawak at magpapanic sell sila na nagiging sanhi ng lubhang pagkatalo ng kanilang puhunan.
Hindi alam kung magkano sa kanyang kapital ang ilalaan sa pagtitradeNapakaimportanteng alam nating kung ilang porsyento ng ating pondo ang ilalaan sa pagtitrade. Karamihan sa mga baguhang trader ay tinataya lahat ng kanilang kabuhayan na kadalasang nagiging sanhi ng kanilang problemang pinansiyal. Bukod dito, marami rin sa mga trader ang hindi alam na mas mainam na ikalat ang puhunan sa pagtitrade kaysa sa paglagay ng buong kapital sa isang buy wall o sell wall lang.
Hindi paglalagay ng "stop" (stop-loss) sa tradingAng hindi paglalagay ng "stop" sa trading ay maaring makaapekto ng malaki sa inyong account at sa inyong emosyon.
Hindi pagkakaroon ng tamang Risk ManagementNapakalaking bagay ang pagkakaroon ng proper risk management sa pagtitrade. Dito nakasalalay kung paano natin paliliitin ang posibilidad ng mga pagkalugi o pagkatalo. Maraming trader ang nagugulat na lamang na nalugi na sila sa isang pangyayari dahil sa kakulangan niya sa kaalaman kung paano imamanage ang mga posibleng maging sanhi ng kanyang pagkatalo sa trading.
Pagtitrade ng wala sa kundisyonAng pagtitrade ay isang napakahirap na bagay kaya't nararapat na laging nasa kundisyon kung tayo ay nagtitrade. Apektado ng pagiging wala sa kundisyon ang ating desisyon at alam naman natin na isang maling desisyon sa trading ay maaring mangahulugan ng pagkatalo ng ating buong kapital.
Pagiging ganid (greedy)
Heto ang kadalasanag nagiging main reason kung bakit hindi agad kinukuha ang kanilang trading profit. Iniisip ng trader na tataas pa ang preyo ng kanilang tinitrade kaya sa halip na kunin na ang kanilang tubo o kita sa pagtitrade ay maghihintay pa ito hanggang bumagsak ang presyo at hindi na niya maibenta ang kanyang hawak na token o coins o kung maibenta man ay nasa mas mababang presyo na.
Halimbawa:
If you guys remember Banca. Nuon ako ay nag invest ng 20k php dito. Naging mainit ung token umabot ung 20k ko ng 250k kaso dahil sa wala akong plano, greedy at wala skong stop loss hinayaan ko lang sya gang bumaba ng bumaba ayun dumating sa punto na eto ngsyon ung 20k na nsging 250k ngayon 1.7k php nalang. Token paren sya hindi ko paren pinapapalit.
Sa nakita nating mga posibleng pagkakamali ng isang trader, mahihinuha natin na sa pagpasok sa isang pagtitrade ay napakahalaga ng mga sumusonod
- Plano bago pumasok sa pagtitrade
- Kailan natin kukunin ang ating kita
- Kailan lalabas sa isang trade kapag natatalo na
- Magkaroon ng "stop-loss" sa pagtitrade
- Matuto ng tamang risk management
- Isa-alang alang ang kundisyon ng katawan
Kung ikukunsidira natin ang mga bagay na ito bago tyo pumasok sa larangan ng trading, posibleng maiwasan natin ang mga pagkakamali na maaring ikalugi ng ating kapital o puhunan sa pagtitrade.
reference:
Trading Psychology (Wealthyeducation.org)
Sa mga kasamahan nating bihasa sa trading maari kayong magdagdag ng inyong nalalaman tungkol sa mga bagay na dapat iwasan sa pagtitrading at ibahagi sa mga kasamahan nating nagsisimula pa lamang matutong magtrade.