Author

Topic: Mga pinoy na narescue sa Myanmar (Read 129 times)

full member
Activity: 1708
Merit: 126
March 02, 2023, 05:11:12 PM
#12
Nasa balita nga ito kagabi na halos 50 pinoy oa nga daw ang nanghihingi ng tulong para marescure sa Myanmar. Sila raw ay tinotorture kapag hindi nareach ang kota which is also traumatic maging sa mga naiwang pamilya nila dito sa Pinas lalo na kung napangakuan naman talaga sila ng maayos na trabaho. Palala na ng palala ang human traficking sa bansa pero hindi natin masisisi ang mga kababayan natin na nahuhulog dito dahil karamihan sa kanila ay nagaasam lang din naman ng maginhawang buhay.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
February 22, 2023, 04:28:50 PM
#11
Panigurado marame na silang nabiktima at yung iba ay naroon paren, ang sakit lang isipin na pinagsasamantalahan nila ang mga Pinoy kase alam nila madali ito maattract sa magagandang offer lalo na at mga OFW pala yung mga nabibiktima nila. Sana may aksyon ang gobyerno dito, hinde biro ang mapunta sa sitwasyon na ito lalo na kung naghahangad ka lang naman kumita ng malaki. May nababasa ako pati sa ibang Asian countries ay nagiging biktima ren ang mga pinoy ng scam job na ganito.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
February 21, 2023, 07:33:45 AM
#10
Sa totoo lang akala ko wala na tong mga to kasi matagal ng panahon ang huling dinig ko sa mga ganitong kalakalan. Dati sa mga VIetnam sila dinadala at nakakaawa yung mga babae kasi pinangakuhan sila ng disenteng trabaho pero pagdating doon, iba pala ang kanila tatrabahuhin at ginagawa pa silang alipin na kung saan ay wala silang kalayaan para sa kanilang mga sarili. Ginagawa silang sex slaves at totoong sinasaktan at minamaltrato.

Kaya siguro maraming gusto nalang makipagsapalaran da Middle East kaysa sa mga bansang yan kasi talamak talaga ang mga ganyang gawaing jan at delikado talaga ang buhay nila pagnagkataon. Mabuti nalang nahuli ang recuiter na yan at maging maliwanang sa mga kababaihan na magtatangkang pumunta doon ng malaman nila kung ano yung mga pwedeng mangyari sa kanila.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
February 21, 2023, 06:08:43 AM
#9
Ang mga crypto scam ay napakadalas nitong mga nakaraang araw (lalo na sa mga pinakaginagamit na barya mula sa Pilipinas tulad ng eth, bnb at axs)
Hinde lang ito basta scam, ito ay human trafficking at malawakang pangloloko, our government should do something about this or else maraming pinoy pa ang mabibiktima.

I also heard from the news na ang mga Pinoy na ito ay narecruit sa Dubai, so technically you can see a lot of fake offers around the world and if basta basta ka kakagat sa too good to be true offer, baka eto ren ang bagsakan mo.

Siguro target nila mga OFW since mas madali magpalipad ng Pinoy if nasa ibang bansa na. Magiingat po tayo at iwasan naten ang masilaw agad sa pera.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
February 20, 2023, 08:27:55 PM
#8
Isang maugong na balita ngaun kung saan may mga pilipino na pumupunta o dinadala sa myanmar para gamitin sa crypto scam, kung saan ay pinipilit sila , at kapag hindi naabot ang kota ay sasaktan, isa nanaman itong malaking dagok sa crypto currency lalo na at takot ang mga tao dito sa pinas na maginvest, at kung ito ay madalas mabalita, maaring maging isa ito sa pinaka malaking hadlang sa pagkilala ng mga tao bilang isang legit na payment na pwedeng magamit, pero bagamat marami ang kinikilala na ito, na legit, hindi parin maewawagsi sa ilan na magalala lalo na at nkakaalarma na ginagamit nadin ang mga pinoy at malamang ibang lahi para din sa parehong, stratihiya.
Bagamat marami nang form ng pangsscam sa crypto ang isa sa mga talamak dati ay ang ransomware, kung saan naman tinatakot nila ang user na magbyad kapalit ng hindi pagsasapubliko ng kanilang mga information na nakuha, at kahit pa mga government agencies sa ibang bansa ay nabibiktima nila.
Ito ang link ng balita patungkol sa cryptoscam trafficking:
https://globalnation.inquirer.net/210941/there-may-be-50-100-filipino-victims-of-crypto-trafficking-in-cambodia-myanmar-laos
https://www.philstar.com/headlines/2022/11/29/2227309/hontiveros-immigration-officials-linked-trafficking-pinoys-myanmar-crypto-scam

Hindi ko nakikitang malaking dagok ito sa cryptocurrency dahil kitang kita naman na may mga taong nasa likod ng scam na ito.  Bukod dito, hindi ko nakikitang malaking hadlang ang pangyayaring ito, bagkus ay makakatulong pa ito para lalong makilala ang mga lehitimong cryptocurrency tulad ng Bitcoin.  Naisip ko na isang leksyon ito sa mga nanonood at nakakinig ng balita na maging vigilant sa mga bagay bagay lalo na pagdating sa cryptocurrency ventures.
newbie
Activity: 1
Merit: 0
February 20, 2023, 06:25:58 AM
#7
Ang mga crypto scam ay napakadalas nitong mga nakaraang araw (lalo na sa mga pinakaginagamit na barya mula sa Pilipinas tulad ng eth, bnb at axs)
full member
Activity: 728
Merit: 151
Defend Bitcoin and its PoW: bitcoincleanup.com
February 15, 2023, 07:33:29 PM
#6
Dahil sa capability ng cryptocurrency ehh hindi malayong magamit talaga ito sa gantong mga bagay. Sa tingin ko matagal na itong gawain pero syempre underground lang ito kaya hindi nasisiwalat sa public pero yung mga illegal workers at mga criminal is matalino na din. Sa case nato is halo halo yung mga illegal na ginagawa like human trafficking, scamming, at iba pa. Sadyang naihalo ang cryptocurrency dahil sa katangian nito na maging borderless currency, anonymity at iba pang katangian para magamit sa mga illegal na bagay. Even mahigpit ang batas ng isang bansa sa cryptocurrency eh pwede padin ito magamit dahil sa nature nito.
Isa din kasi yan sa dahilan na pwede itong magamit sa illegal, isa din sa dahilan kya gusto iregulate, pero mas mabuting makahanap ng ibang way for that na hindi magamit, ang crypto kasi madami talagang ibang magandang maidudulot ang cryptocurrency sadly, madami ginagamit ito sa kalokohan, kaya npapasama , na dapat madami mapapagaan ang trabaho like digital payments, at ang bilis ng transfer, kita nman natin sa banko, 3days pa bago maclear, kung sa ibang bansa , pa galing pera, if emergency like nasa ospital need para operasyun patay na iyong ooperahan bago dumating ung pera sa tagal.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
February 15, 2023, 06:30:40 PM
#5
Dahil sa capability ng cryptocurrency ehh hindi malayong magamit talaga ito sa gantong mga bagay. Sa tingin ko matagal na itong gawain pero syempre underground lang ito kaya hindi nasisiwalat sa public pero yung mga illegal workers at mga criminal is matalino na din. Sa case nato is halo halo yung mga illegal na ginagawa like human trafficking, scamming, at iba pa. Sadyang naihalo ang cryptocurrency dahil sa katangian nito na maging borderless currency, anonymity at iba pang katangian para magamit sa mga illegal na bagay. Even mahigpit ang batas ng isang bansa sa cryptocurrency eh pwede padin ito magamit dahil sa nature nito.
full member
Activity: 1303
Merit: 128
February 15, 2023, 05:58:35 PM
#4
Hinde lang sa Myanmar pati naren sa Cambodia talamak ang ganitong modus at pangloloko sa mga Pinoy kaya dapat bago tayo magapply abroad imakesure naten na legit yung agency na pagaapplyan naten kase sila ang may pananagutan if ever na ganito ang mangyare sa iyo.

Marame kasing mga Pinoy ang nagnanais na kumita ng malaki and akala nila abroad talaga ang solution, hinde naten sila masisisi pero sana may aksyon ang gobyerno patungkol dito.
legendary
Activity: 1904
Merit: 1563
February 15, 2023, 02:56:46 AM
#3
Not surprised! Kasi diba kahit dati pa man may political instability saka economic struggles sa bansa nila nag cause ng disruptions sa traditional banking services[1] nila? Kaya nag opt-in sila paggamit ng crypto kasi less restrictive in nature.

Saka wala rin naman silang clear regulatory framework pagdating sa crypto, so what do you guys expect? Obey rules despite of their economic turmoils? Of course NOT!!

According to Freeman Law, Myanmar still has no concrete policy or regulation which particularly addresses cryptocurrency. However, cryptocurrencies were mentioned in some related laws: mostly about banning them. In 2020, Central Bank of Myanmar (CBM) declared a ban of cryptocurrencies referring to Bitcoin (BTC) , Litecoin (LTC), Ethereum (ETH) and Perfect Money (PM) and all traders will be punishable by the monetary laws .

[1] https://www.worldbank.org/en/news/press-release/2022/07/21/myanmar-economy-remains-fragile-with-reform-reversals-further-weakening-the-outlook

hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
February 14, 2023, 08:14:44 AM
#2
Hindi na bago yung ganitong balita na makakarinig tayo na related sa scam ang crypto. Mabuti nalang at narescue yung mga kababayan natin, lalo na sa panahon ngayon hindi maganda na pumunta sa bansang yan kasi nga nagkaroon ng Coupd'etat dyan at iba na ang namumuno dyan.
Hindi ko rin naman masisisi yung mga kababayan natin na mapunta dyan kasi sa mga job description na pinakita sa kanila ay ang akala nila ay legit na trabaho ang pinuntahan nila.
full member
Activity: 728
Merit: 151
Defend Bitcoin and its PoW: bitcoincleanup.com
February 14, 2023, 06:20:41 AM
#1

Jump to: