Ang maganda lang sa ngayon kasi parang biglang dumami yung mga crypto companies at events organizers kaya parami na ng parami yung mga ganitong events sa bansa natin. May mga fina-follow lang akong certain groups kasi mahilig sila mag update sa mga followers nila ng mga ganitong bagay. Salamat sa pag share kabayan, may pupunta ba dito sa BGC? Limang araw din pala yang event na yan at tuloy tuloy pa, sayang lang kasi medyo malayo ako diyan tapos sobrang hassle pa ng traffic diyan, may private car ka man o mag commute lang walang takas sa napakastressful na traffic.
obvious naman na mate , na ang popularization ng crypto sa pinas now ay ganon nakalawak, so maybe we are seeing more of these in the coming months specially before and after halving next year.
Feeling hindi pa rin naman ganon kalawak pero compare sa mga nakalipas na taon, sobrang layo na at mas madami na hindi tulad dati na kapag may sinabihan ka ay unang iisipin ay scam ang crypto. Pero sa ngayon, open na ang marami nating kababayan kaya maganda ganda na din ang nararating at nangyayari kapag patungkol sa crypto ang usapan at itong mga conferences na ito ay nakakatulong din naman sa adoption na nangyayari.
In the first place nagtataka na ako kung sobrang mahal ng ticket, nung nakita ko sa BGC SM aura hindi na ako magtataka, dahil mahal talaga dyan, puro mga middles class lang ang pwedeng dumalo dyan, hindi siya praktical para sa akin.
At hindi rin talaga nakakapagtaka yan dahil yung mga speakers dyan na magparticipate ay mga bayad din kasi, lalo na yung venue hindi naman libre yan, sa halip mahal ang renta location na yan na paggaganapan ng events. Siguro dyan kumikita ang producer at organizer nyan. In short, pang may pera lang yan hindi yan pwede sa mga ordinaryong tao na walang pambili ng ticket na ganyan ang presyo. At kahit may pera ako hindi parin ako bibili ng tiket na ganyan ang presyo.
May kita mga organizers diyan dahil isa rin namang business yang ganyang mga events na yan tapos bukod sa venue, babayaran din nila mga speakers lalo na mga key speakers may honorarium yan sila na tinatawag.