Alam natin na nagkaroon ng mobile registrations and we thought na ito na ang isa sa mga way para masawata ang scamming, at mga way para makapangloko ang mga masasamang loob na ito, subalit napansin nyo ba marami paring message ang natatanggap ko at ng iba nating mga mobile subscribers, to think na ginagamit ko ay plan at kaunaunahang number at walang ibang may pinanggalingan or recycle number , so bakit nga ba nangyayare parin ito?
Ito ay dahil sa mga sumusunod.- Pinakaunang dahilan data breach naleak or nahack ang data either sa mga telco
- posting ng number sa mga di kilalang sites
- rpagregistered ng number sa mga di kilalang apps
Para saakin parang mas lalo pang dumami ang nagssend sa akin ng mga fake or scam messages unlike before, sa tingin ninyo mababawasan kaya ito or mahina ang mga telco natin at focus lang sila sa profit?
Palala naman sa ating mga gumagamit ng mobile phones at nakakatanggap ng message na scam or fake links via text, maging maingat at huwag basta magclick lalo na kung hindi naman talaga natin kilala, maari kasi na aksidente or minsan naman ay talagang curious ang iba, kaya madami ang mga bank accounts emails din na nahahack dahil isa sa mga ginagamit natin na authentication ay via sms, maging maingat para hindi sumakit ang ating mga ulo.
Anung masasabi mo sa topic na ito? dapat bang lalong higpitan ang pagregister?