Medyo click bait yung topic title.. pero totoo naisip ko lang to habang nasa jeep at nag mumuni-muni. Sorry kung medyo obsolete yung issue. Hindi ako maalam sa economy kaya kung may mga ekonomista dito, baka magandang pag usapan ito para madami din ang matuto.
Ang bansang Venuezuela at Zimbabwe ay isa sa mga bansang may pinakamataas na inflation rate. Ito ay dahil sa pag po-produce nila ng maraming volume ng kanilang pera para magsilbing pambayad marahil sa kanilang utang sa ibang bansa or
national debt. Matagal na tong issue na to since 2018 pa at talagang nakakapaminsala kung bibili ka ng grocery at ang dala mong pera ay bulto-bulto.
ayon sa
link na to, 830,000% ang inflation rate sa venezuela. imagine, try mo bumili ng tissue na dala ang ganito karaming pera:
Ika nga, kung hindi kagandahan ang financial status mo at babyahe ka mula sa Pilinas papuntang Venezuela at Zimbabwe sa mga panahon na yan, instant mahirap-na-millionare ka agad. Cool diba.
Image LinkTapos ito yung sample ng pera nila ONE HUNDRED TRILLION DOLLARS.
Image LinkOkay, enough na sa obsolete topic, if gusto mo pagtuunan ng pansin kung pano mamuhay ng may mataas na inflation rate, I'm sure marami ng topic na nagawa dito kaya't maaari mo nalang itong i research.
Ang aking naisip ay paano kung kinonvert ng mga bansa na ito ang kanilang national currency into digital gaya ng crypto, tapos, saka sila nag produce ng maraming volume ng pera nila para ipambayad ng utang o national debt nila? Marahil tataas ang presyo ng mga bilihin, at dadami ang volume ng pera, pero since nasa digital naman, madali paring makapag transact.
Maaari bang masolusyunan ang kanilang utang kung ganoon ang kanilang ginawa? Or kung itatry ito sa bansa natin kung saan ang National currency ay magiging cryptocurrency based, pati ang pagdagdag ng volume, maaari na tayong mag bayad ng utang sa ibang bansa, at the same time, hindi natin pproblemahin ang pag bibitbit ng napakaraming halaga ng pera.
~sige isipin mo