Author

Topic: Nakakalungkot Pero totoo ang daming hindi nag-iisip ng mabuti na Pinoy (Read 124 times)

hero member
Activity: 2492
Merit: 542
Sad but true, huli na kung marealize man nila na itigil na ang bisyo na yan kakahabol sa nawalang pera sa kanila imbes na makabawi pati ipon lagas, kawawa naman mga hindi nag iisip akala den kasi nila sugal ang susi sa pag asenso sa buhay ang hndi nila alam walang yumayaman sa sugal buti kung ikaw may ari baka may pag-asa pa yumaman kasi business yan pero kung ikaw yung sugarol naku patay tayo diyan.
sr. member
Activity: 588
Merit: 351
Sa nakikita ko sa panahon ngayon, kahit halata namang hindi totoo ang pinopromote ng ibang sikat na influencers ay pilit paring sinusubukan ng iba nating mga kabayan dahil na nga sa sila ay sikat at yung iba nating mga kabayan ay nagbabakasakali na sila ay mabigyan ng opportunity. Napansin ko rin na unit-unti ng nawawala ang pagiging sigurista ng mga pinoy, dahil dati mga pinoy ay " to see is to believe" pero ngayon kahit walang masyadong mabigat na proweba ay pinaniniwalaan na agad nila.

Sa parte naman ng mga influencers kahit alam naman nilang maaari silang makasira ng buhay ng kanilang mga tagasunod ay di na nila masyadong dinidibdib as long as kumikita sila sa views man, followers o sa mga affiliate na programa. Parang tinitake-advantage nila ang pangangailangan ng kanilang mga followers imbes na magbigay sila ng paalala kahit man lang "play at your own risk" o kaya "gamble the amount you can afford to lose" ay hindi na nila sinasabi sa halip hina hype pa nga nila ito.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Paano ba naten maiiwasan ito? If you think this is not ok then better to report that video and hopefully may control paren si FB dito. You can also raise this concern to authority, at sana lang ay bigyan nila ito ng pansin.
Dapat talaga magkaroon ng batas para maging responsable din itong mga influencer na yan. Dahil kapag may batas, magsisipag ingat na yang mga yan at hindi lang accept ng accept ng mga offers galing sa mga casino. Sobrang lipana na yang mga casino, di ba nung panahon ni Duterte pinagbawal niya na din yan kasi nga ang daming buhay na nasisira. Kahit na nung una ay pinayagan niya kasi noong panahon ng pandemic, sobrang daming pera ang kailangan at malaking tax ang nakukuha diyan pero bumwelo din siya at pinagbawal na, lalo na yung online sabong.
Kaya hindi naunlad ang bansa natin kasi sa kaliit liit na pamilya, may nagsusugal na dapat financial literacy ang ituro at hindi ang pagsusugal, sana tularan natin yung mayayamang bansa na kung mayroon mang sugal, para lang sa mga dayuhan/foreigner.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
Nakakatawa ang nasa picture pero eto ang katotohanan, marami sa atin ang naaakit ng mga influencers since most of them will just share their winnings at hinde yung mga natalo nila. Kaya if ever na madali kang maaya sa mga ganito, just make sure na aralin ito.

Paano ba naten maiiwasan ito? If you think this is not ok then better to report that video and hopefully may control paren si FB dito. You can also raise this concern to authority, at sana lang ay bigyan nila ito ng pansin.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
This is very disappointing and alarming, grabe yung mga blogger na nanghihikayat magsugal at sana naman magkaroon ng say dito ang government to protect everyone since maraming minor ang nanunuod ng mga vlog and most of them have this kind of promotions at the end of their video.

Those bloggers should be more responsible, sana maisip nila yung mga prinopromote nila ay hinde tama.
hero member
Activity: 2058
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Walang maloloko kung walang magpapaloko. Simple lang naman ang ibig sabihin niyan pero meron talaga tayong pag uugali na gustong kumita kahit walang gagawin. Nakaka engganyo nga naman siya pero yung iba talagang walang gaanong pagkukusa na malaman kung paano magsaliksik o wala talagang plano na magsaliksik. Baka nga din mga perang ginagamit ng influencers ay pera yan ng casino mismo.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Nakakalungkot nga pero wala rin naman magawa yang mga influencers na yan kasi malaki ata offer sa kanila para lang mai-advertise yang certain casinos na yan. Kasi kapag titignan ng mga fans na bakit parang sobrang dali manalo para sa kanila, hindi naman kasi ganun talaga ang pagsusugal eh. Sa kanila ibang iba ang way ng pagsusugal na tila walang risk na tatanggapin kapag maglalaro eh. Baka sa susunod niyan meron tayong makikita na mga fans na magsasampa ng mga kaso sa mga influencers na yan na related sa responsible advertising.
sr. member
Activity: 952
Merit: 303
VPN Friendly & Exclusive Bonuses!
    -   Alam naman ng karamihan na mga community dito na pinagkakakitaan lang naman talaga ng mga influencers ang kanilang mga followers.
At totoo din na puro kasinungalingan lang din yung mga sinasabi ng mga influencers na legit daw sila, meron daw silang natuklasan na pattern para hindi ka matalo, ipapakita nila yun sa mga followers nila para maging makatotohanan yung sinasabi nila at para mahype ng todo din yung mga tagasunod nila.

Pero siyempre lahat ng yun ay kasinungalingan lang, dahil kung totoo man yung pattern na ipinakita nila talaga na yun dapat hindi na nageendorse o nagpopromote ang mga influencers na yan tututok nalang sila dun sa pagsusugal at pattern na sinasabi nilang laging panalo, dahil for sure mas malaki pa kikitain nila sa pagsusugal na sinasabi nila diba? kesa sa binabayad sa kanila ng casino apps na kinkampanya nila.

Saka isipin mo nalang kung totoo yung pattern edi lahat ng followers nila na more than a thousands na susunod dun ay ano naman kaya mangyayari sa casino apps, edi bigla magsasara yun dahil bangkarote na sila. Nakakalungkot lang talaga dahil kung noon nireraid ang mga pasugalan aba ngayon ibang-iba na dahil lantaran pang pinopromote sa social media ang casino via online. Nagiging talamak na ito saan man sulok ng social media platform na kahit bata o menor de edad ay nakikita ito at iisipin nila na okay lang pala ang magsugal.
hero member
Activity: 1932
Merit: 546


Gaya ng inyong nakikita sa larawan, karamihan na mga tagasunod ng mga influencers ay komo iniidolo sila, sinasamantala
naman ng mga content creator na ito na pakinabangan at lokohin sila na palalabasin na kapag nagsugal ka sa iniendorso nila sa social media apps ay kikita karin kagaya ng pinapakita nila sa kanilang video ads.

Dapat dito palang malaman na nila na lantaran ang panloloko ng iniidolo nila sa kanila bilang mga tagahanga at followers. Lalo na ngayong napakadaming online casino na pinopromote ng mga iba't-ibang influencers kapalit ng pera.

Hindi naman masama ang humanga at maging tagasunod ng isang influencer, pero pag may mali na itong iniendorso at merong masamang impak sa sinuman ay hindi dapat tinatangkilik at sana matuto din tayong kumilatis kung reyalistik ba ang sinasabi sa iniindorsong casino apps. Para hindi na magsisi sa huli. Madami namang opportunity para tayo kumita hindi sa larong pagsusugal.

Disclaimer: hindi ko nilalahat na yung mga followers ng mga influencers ay mga kawawa at mga uto-uto sadyang karamihan lang talaga sa kanila ay mga walang alam at mga gullible.
Jump to: