My guess is maraming nag ccrypto trading at hindi nag sstock trading dahil:
1. Either walang TIN number, or ayaw lang mag effort ang mga tao na magsubmit ng documents and requirements sa stock brokers. Whereas sa Binance hindi mo na kailangan ng KYC(for now).
2. Probably dahil ang mga funds ng tao dito ay galing sa mga bounties at signature campaigns, hence dinederetso nalang nila sa exchange ung funds, kesa ibenta sa pesos.
Tama naman na maraming necessary documents ang pagiinvest sa stocks pero as far as I know kapag ikaw mismo ang nagtrade ng stocks especially sa mga platforms gaya ng BDO, BPI, Philstocks, is mas convenient like the common KYC na ginagawa naman ng karamihan sa atin. And I won't disagree na totoong galing crypto mismo ang profits ng karamihan rito sa forum pero kasi di din mawawala yung fact na mas solid ang pagtetrade sa stocks na good for both long term and daily trading.
Na check ko yung BDO Nomura parang maraming complain sa official group nila laging down daw ito, gusto ko ring matutong mag trade pero sa totoo lang need mo talaga pag aralan muna ito kasi long term ito di katulad sa Crypto pag kakuha ng rewards sa bounty dump agad o kaya pag hit sa market at may profit sell muna
Madami lang naging complaints si Nomura kasi ang lowest and minimum internet speed para mag live trading rito is 1mbps in which most of the users argued bakit di sila makalog in or nagloloko. I've also asked some people na madalas sa platform and they've said na mas better lang talaga ang BDO nomura for holding and long term investment kasi ikaw mismo ang may hawak ng stocks while most kept arguing the faulty system of the platform kasi daily trading ang hanap nila.
~
Ang tanong ko, magkano ba talaga yong minimum amount para makapagsimula ka sa stocks trading, yong tipong may leverage ka na makapaglaro sa ganitong kalakaran.
~
AFAIK minimum of P5,000 ang pinaka magandang start ng Stock Trading eh sa kahit anong platform kasi mabagal din ang paglaki nito, in example kung magdadaily trading ka, ang JFC is 100 ngayon nang binili mo before magclose ang market then tomorrow pagkabukas ng market nagsimula sa 110 but then yung holdings mo is 3 shares lang meaning 100x3= 300 and 110x3=330 meaning 30 pesos lang ang kikitain mo. Hence, if you really want to earn big, invest bigger.
... may tanong lang ako recommended ba ang maghodl ng matagal dito or kapag kumita ka benta agad?
Depende sa kung anong klaseng investor and trader ka, are you long term (holding) or short term (day trading)? Mostly kasi sa mga stock traders mga inaaral talaga kung paano gumalaw ang market and how to read yung movement nito which is mostly analyzing ang market and research sa businesses ang ginagawa nila, therefore malaki ang kita mo IF you know when to buy and sell your stocks.