Huwag mo isipin na drop out ka or what, hindi ko minamaliit yong mga hindi nakatapos pero hanggat kaya magtapos ka iba pa din yong may tinapos, bukod sa malaki chance sa work fulfillment pa din pero kung magaling ka sa pagiging autocad at tingin mo dun ka magaling mas okay na din.
Parang malabo na yun sir, ang priority ko ngayon talaga eh makahanap ng pagkakakitaan. Salamat naman at di kayo kasama dun sa mga medyo judgemental na tao.
Medyo mukha nga po. Baka mahirap maghanap ng referrals. I-ginarahe ko na muna tong idea ng pagkuha ng mga seminars. Siguro i-nenegosyo ko na lang siguro muna yung unting ipon ko.
Thank you po sir tambok sa motivation. And thanks din sa lahat ng nag-post ng mga insights nila. Nakatulong po yun. Siguro po ila-lock ko na tong thread, nakapagdesisyon na po ako na huwag muna kumuha ng short course at imbis eh i-pasok na lang muna sa maliit na business yung ipon ko. Siguro later kapag nakaipon uli at may mga mga kilala na akong prospect, saka ko na kukunin.
Salamat po sa inyo.