Kailan pa na list sa Abra ang mga coins na yan? Nahuli sya sa binance no? Yung Filecoin (FIL) pagkakatanda ko nagbulish sya nung nakaraan. Maganda ba gamitin ang Abra for more active trading daily? Magkano ba fees ng abra for exchanging coins? Di pa kasi ako gumagamit ng Abra eh haha. Curious lang ako, tsaka yung sa coins.ph din kasi ang taas masyado ng fee.
Bago pa lang sila nadagdag, baka around this week. Napansin ko lang yong mga bagong crypto sa app ko. Wala pa ngang formal announcement.
Kung advance traders ka, sa tingin ko di mo magustuhan ang Abra kasi simple lang yong trading functionality, buy and sell lang. And they have no plans to add a more advance trading functionality sabi ng CEO nila when asked.
In terms of fees, di ko masabi kung mataas or mabababa sila compared to others, pero expect mo na mataas ang spread sa buy and sell ng ERC20 coins which is normal kasi sobrang taas naman talagang ang gas fees ng ETH.
Kung simple buy and sell lang, pwede na sa Abra. Kikita ka rin lalo na kung nakabili ng cryptos during bearish period. Pwede mo kasi iconvert agad yong crypto sa PHP or any fiat currencies (i think) that they support.
Ang downside ng Abra ay they don't have banking support pagdating sa deposit right now. Pwde sa Tambunting or 7'11. Personally, crypto to crypto transfer ang ginawa ko. Bili ng XRP sa Coins.ph and then send to Abra.
Pagdating sa withdrawal, pag sa bank, it will take 2-3 days but no fee bago dumating sa account mo. Gusto mo ng instant, iwithdraw mo sa Tambunting (with fee) which I haven't done yet