So far, I think kung sa usapang adoption I guess mas madaling pagtuonan ng gobyerno ang edukasyon para rito, sana mayroong bagong kaalaman na matalakay ngayong nasa kanila ang kapangyarihan. The best is, huwag tayong mag expect kasi his term will just be a blink of an eye, hoping lang na may magawa Siya para rito kasi, we as crypto enthusiasts talagang ang gusto lang natin kalinawan (e.g. tax, regulation, etc.)
Sa totoo lang, when it comes to adoption, may mga ilan ilang stores na tumatanggap ng bitcoin at may mga bitcoin ATM machine na dati pa sa pinas. Kaso nga lang, mismong mga kababayan natin ay mismong ayaw matuto ng crypto. It's a good thing na rin na sumikat ang mga NFT games like axie dahil mas naging open minded ang mga kababayan natin sa crypto. Kaso nga lang when you ask them tungkol sa mga crypto, other than binance, metamask at mga NFT games, konting info lang mabibigay nila.
Pero tama ka, wag tayong mag-expect ng malaki about sa cryptocurrency dahil may ibang bagay na mas maging priority nila especially at times like this.
Gusto lang ng ibang matuto kapag pagkakakitaan ito or hype an hype sa community, which is not wrong pero ang kadalasang ending, napupunta sa pagtawag na scam ito at kung ano-ano pa. Ang iba hindi nila gusto mag dive deeper, if gusto lang nila kumita hanggang doon lang, pero hindi natin sila masisisi, choice nila yan, mas mabuti ng may mga tao parin na gusto ng edukasyon kasi sila mismo ang magbibigay ng kaalaman sa iba na wala o konti lang ang nalalaman.
Now that pandemic is almost over (sana nga), I guess magiging priority ng administrasyon ay either sa drug war na naman (considering na si PRRD parin ang drug czar advisor ni BBM), tourism, edukasyon sa pamumuno ni Inday Sara or maybe infrastructures sa Build, Build, Build Program ng former president at marami pang iba. I guess magkakaroon lang ng sentro sa digital currency if ever may malaking scam na naman ang mangyari involving digital currencies, which is sad, kasi walang prevention, gusto pag may mangyari na.