Author

Topic: Newbie here (joined 2017) hehe (Read 171 times)

newbie
Activity: 22
Merit: 0
April 13, 2024, 06:16:56 AM
#13
Salamat sa inyo mga kabayan, eto panay basa basa at nood, pasensya na tlaga kung mga tanong ko ay pang newbie, kumakapa pa...

Nailipat ko na pla sa bybit ang coins ko, binili ko USDT 100 and the rest BTC nasa bybit na. my mga coins pla ako binili tig 10usdt, at ang tanong ko naman mga boss, sa staking hindi ba mawawala yun o posible dn matalo?
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
April 08, 2024, 06:13:29 AM
#12
Welcome to us (last activity I think 2015 pa?) HAHHAHAHA

At ngayon lang ako nagbabalik. Dami ko pa need balikan at aralin dito ulit.
according sa account mo , it was created in 2016 so imposibleng ang last activity mo is in 2015  Grin Grin

pero welcome back kabayan , sana now tuloy mo na ang pag stay and wag mahiyang magtanong.

January 2022 meron isang wallet o mobile app na lumabas dito sa middle east, yung COINMENA tapos referral system muna sila bawat tao ma invite mo makukuha mo $50 per head, naka tatlo din ata ako non, tapos di ko alam paano ma withdraw, kaya binili ko ng BTC sagad hehe hinayaan ko lng, nong isang araw naisipan ko buksan yung app, eto na sya, tumaas ng 400 AED hehe yan ba ang tinatawag na buy and hold? #newbie

hindi naman totally holding ang ginawa mo kabayan , wala ka lang idea para i withdraw hahahaha, pero its good na hinayaan mo lang sya kasi nakita mo naman ang itinaas ng value now.
newbie
Activity: 22
Merit: 0
April 03, 2024, 02:56:04 AM
#11
January 2022 meron isang wallet o mobile app na lumabas dito sa middle east, yung COINMENA tapos referral system muna sila bawat tao ma invite mo makukuha mo $50 per head, naka tatlo din ata ako non, tapos di ko alam paano ma withdraw, kaya binili ko ng BTC sagad hehe hinayaan ko lng, nong isang araw naisipan ko buksan yung app, eto na sya, tumaas ng 400 AED hehe yan ba ang tinatawag na buy and hold? #newbie

https://postimg.cc/3kjfJKYQ

https://i.postimg.cc/vZkJhBKT/434878898-7901711296539507-8607485704691632987-n.jpg
sr. member
Activity: 434
Merit: 250
March 14, 2024, 11:54:45 AM
#10
Welcome to us (last activity I think 2015 pa?) HAHHAHAHA

At ngayon lang ako nagbabalik. Dami ko pa need balikan at aralin dito ulit.
legendary
Activity: 1806
Merit: 1437
Wheel of Whales 🐳
March 07, 2024, 07:44:20 AM
#9
Welcome back sayo kabayan, isa ka pala sa mga OG na member na dito, pero ayun nga maski ako nanghihinayang if naging active ka dito siguro isa ka nadin sa mga legend, pero ayun nga may ibat iba din kasi tayong side hustle sa outside world, pero never been too late naman lagi actually before the halving pwede ka pa nga humabol eh, pero ayun nga if may tanong kalang dito sa community natin welcome naman lagi ang ating mga kabayan para sa concerns mo.
member
Activity: 574
Merit: 18
Eloncoin.org - Mars, here we come!
March 06, 2024, 12:40:01 PM
#8
Siguro kung noon pa lng nag focus na ako sa crypto baka tulad nyo na rin ako marunong na kung paano ang larangan ng crypto. Pero since nakaraan na un, eto ako ngayun gusto aralin paano ang pagccrypto, sana meron din umalalay sakin dyan... lalo pag may mga katanungan ako. thanks

     Well, welcome back kabayan, tulad ng sabi ng iba ay hindi pa huli ang lahat. Saka isa pa kung anuman ang nais mong malaman tungkol sa bitcoin o cryptocurrency ay malaya ka naman na magtanung at madami naman tayong mga ka lokal natin na for sure na mag-aaccommodate sa mga tanung na nais mong itanung.

     At kung mag-iinvest ka naman ay ay pwede naman ding makapagbigay ng gabay ang mga kababayan natin dito na matulungan ka sa mga sagot na hinahanap mo or gusto mong malaman.
Good luck sayo at maging sa crypto na bibilhin mo para makapagbigay ng magandang profit sayo sa in the future.
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
March 06, 2024, 10:32:00 AM
#7
Welcome back kabayan. Grabe 2017 pala kayo sa December nagjoin dito sa forum. Kung balak mo mag invest ng malaki sa time na nagjoin ka ay baka blessing in disguise na maging inactive ka kasi sobrang taas na presyo ni bitcoin that time at sa 2018 ay pabagsak ng malala. So laking talo sana kung investor type ka. Gain ka rin naman kung kaya mo mahold ng ilang years pero so far sa observation ko including myself ay binebenta talaga nila ng palugi investment nila. Easier said than done kumbaga.

Anyways, wala naman late pagdating sa investment lalo na sa crypto. Sakto ang pagbalik mo dahil halving year which means maganda ang takbo ng market lalo na next year.
hero member
Activity: 3136
Merit: 579
March 06, 2024, 10:20:35 AM
#6
Siguro kung noon pa lng nag focus na ako sa crypto baka tulad nyo na rin ako marunong na kung paano ang larangan ng crypto. Pero since nakaraan na un, eto ako ngayun gusto aralin paano ang pagccrypto, sana meron din umalalay sakin dyan... lalo pag may mga katanungan ako. thanks
Welcome uli sa Bitcointalk kabayan hindi pa naman huli ang lahat sana tuloy tuloy na ang pagiging active mo at kung mayroon ka gusto mo malaman tungkol sa community natin at sa Cryptocurrency in general wag ka mahiyang mag post dito sa community natin, I recommend na mag explore ka rin sa ibang section ng forum para marami ka ring matutunan, between 2017 at ngayun o seven years marami na ring nangyari pero hindi ka naman mahihirapan mag catch up basta mag provide ka lang ng sapat na oras kung gusto mo talaga marami matutunan.
sr. member
Activity: 952
Merit: 303
VPN Friendly & Exclusive Bonuses!
March 06, 2024, 10:03:08 AM
#5
Siguro kung noon pa lng nag focus na ako sa crypto baka tulad nyo na rin ako marunong na kung paano ang larangan ng crypto. Pero since nakaraan na un, eto ako ngayun gusto aralin paano ang pagccrypto, sana meron din umalalay sakin dyan... lalo pag may mga katanungan ako. thanks

          -   Anyare sayo kabayan, nauna kapang maging member sa akin dito sa forum pero tignan mo ano na rank ko nung pumasok ako dito sa forum platform may merit system na pero nung time nyo pa ata ay wala at mas madali ang magpataas ng rank sa platform na ito, well anyway, hindi pa naman huli ang lahat kung ikaw ay isang investors dito sa field ng cryptocurrency.

Kung talagang desidido kang malaman o aralin ito ay sana maintindihan mo ngang talaga at magtagumpay ka sa anumang adhikain ang meron kang nais na malaman sa industry ng bitcoin o cryptocurrency na ito.
sr. member
Activity: 1022
Merit: 277
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
March 06, 2024, 08:21:39 AM
#4
Siguro kung noon pa lng nag focus na ako sa crypto baka tulad nyo na rin ako marunong na kung paano ang larangan ng crypto. Pero since nakaraan na un, eto ako ngayun gusto aralin paano ang pagccrypto, sana meron din umalalay sakin dyan... lalo pag may mga katanungan ako. thanks

Welcome back kabayan! Tagal mo na palang nakagawa ng account dito, ano bang nangyari? Well past is past, at talagang manghihinayang ka sa mga panahong lumipas, normal lang yan lalo na ngayon na medyo matunog at mainit nanaman ang bitcoin sa pandinig ng nakakarami dahil sa presyo nito ngayon. Since gusto mo ng matuto at seryosohin ang tungkol sa crypto, pwede mo ng ilatag lahat ng mga tanong mo para masagot ng mga kabayan natin dito at mabigyan ka ng magandang advice tungkol sa mundo ng crypto.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
March 06, 2024, 06:21:22 AM
#3
Siguro kung noon pa lng nag focus na ako sa crypto baka tulad nyo na rin ako marunong na kung paano ang larangan ng crypto. Pero since nakaraan na un, eto ako ngayun gusto aralin paano ang pagccrypto, sana meron din umalalay sakin dyan... lalo pag may mga katanungan ako. thanks

Halos 7 years gap bago ka nagpost dito ah. Ilang bull run na dn ang nalagpasan mo. Hehe. Pero ayos lang yan since ganyan dn ako dati na hindi agad nag interact at gumawa dito kahit na matagal ko ng alam itong forum.

Actually, sobrang daming guide thread dito sa forum lalo na sa beginners & help board. Gamitin mo lang ang search function ng forum para sa specific question. Tiyak na makikits mo agad ang sagot sa mga guide thread dahil madaming contributor dito. Pero feel free pa dn na magtanong dito sa local board specifically dito sa thread mo para hind kalat2 ang mga tanong at madaling masagot.

Read rules muna ng forum rules bago ka magpost para iwas violation since strict ang moderator dito pagdating sa enforcement ng forum rules. Welcome back labayan!
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
March 06, 2024, 05:57:09 AM
#2
Siguro kung noon pa lng nag focus na ako sa crypto baka tulad nyo na rin ako marunong na kung paano ang larangan ng crypto. Pero since nakaraan na un, eto ako ngayun gusto aralin paano ang pagccrypto, sana meron din umalalay sakin dyan... lalo pag may mga katanungan ako. thanks
sana sinama mo na sa thread na ito yong mga katanungan mo para dahan dahan ng masagot kabayan, since mukhang willing ka nnmang aralin ang crypto.

Nga pala Welcome Back and sana this time its for real and for making yourself useful  sa pag aaral ng crypto and sa posibleng pagkaroon ng investment and syempre para kumita.

And habang nag aaral ka kabayan eh simulan mo na magipon para pang invest in  the future.
newbie
Activity: 22
Merit: 0
March 06, 2024, 04:40:09 AM
#1

Jump to: