Paano kumita ng bitcoin? Newbie here
Paano sumali sa signature campaign ang newbie?
Ano ang mgandang bounties para sa mga newbie?
Kung inyong mapapansin, napakaraming threads na rin ang na-i-publish ng may kaparehong konspeto at mga kaparehong katanungan. Ilang beses na rin naman itong nasagot at halos paulit-ulit na rin lang. Pero kung ating titingnan at susuriing mabuti, hindi ba at nakakapagtaka ang pinakafocus ng mga bagong miyembrong ito dito sa forum ay ang kumita ng cryptocurrency. Pero lagi nating tandaan, na ang forum, ay hindi lamang ginawa upang pagkakitaan, ginawa ito upang magbigay ng mga bagong impormasyon tungkol sa mga bagong ICO's, sa cryptocurrency, sa blockchain technology at iba pang mga bagay na relevant dito.
Kung kaya para sa mga newbie,ang maipapayo ko lang ay mag-umpisa tayo sa pagkuha ng mga kaalaman dito sa forum at hindi agad sa kung paano tayo kikita. Pag-aralan ang pasikot-sikot dito at ang mga impormasyon na kakailanganin mo dahil sa bawat araw na lilipas na nasa forum ka, dapat ay nadadagdagan ang iyong kaalaman dahil darating ang panahon na hindi ka na lang isang newbie. Patunayan mo na may sapat kang kaalaman para hindi mabansagan na spammer at shitposter ng forum tulad sa bansag sa atin ng ibang lahi dahil sa patuloy na pagpopost ng walang sapat na kaalaman.
Para sa atin na hindi na newbie, huwag natin sagutin ang mga katanungnan ng mga newbie patungkol sa pagsalit sa signature campaigns. Let us not tolerate them. Kung ang isang newbie ay sasali sa signature campaign, huwag natin basta isagot na "kailangan mo muna magparank at amgparami ng activities" instead, encourage natin sila na mag-aral at magbasa upang alam nila ang haharapin nila at isasagot sa bawat topics dito sa forum. Hindi lang basta generic na sagot na nagiging dahilan kung bakit tayo nababansagan na spammer, shitposter at minsan pa ay nabibigyan ng negative trust.
Wala namang mawawala kung araw-araw, dadagdagan natin ang ating kaalaman dito sa forum. Let us start with ourselves para maalis at mabawasan ang ilan sa mga misconceptions dito sa forum.
Tama po kayo, pero bilang isang newbie dapat nga po kaming mag aral mag basa basa para malaman namin talaga ang kung ano yung pasikot sikot dito.. kanino po namin kukunin yung mga idea diba po dito rin po.. maganda naman po yung sinasabi nyo pp na hindi dapat babyhin ang mga newbie na dadating dito pero diba mas maganda na magshare ka nang nalalaman mo sa mga newbie dahil doon po cla matututo, magkamali man aq sa mga sagot sagot po atleast nalaman ko na may mali aq, kaya nga po aq sumali dito para matuto rin at kumita pag dating nang araw, makapag share narin ng mga nalalaman ko sa iba. thank you dahil may concern ka sa forum natin at bilang pinoy ayaw natin na minamaliit tayo ng ibang lahi