Author

Topic: Non-custodial wallet na gawang Pinoy (SparkX™ review) (Read 560 times)

legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
Guys tanong ko lamg kung katulad din ba ng coins.ph ito na pwede kang mag withdraw sa mga remmitances?  Dko pa kasi nasilip ang app nila o isang wallet lang din ito na pwedeng maglagay lang coins?

Sa pagkakadiscuss ng developer, soon to be pa ang option na ito.  Sa ngayon it function as multi cryptocurrency wallet muna.  Pero in line na sa development ang mga iyan once namagkaroon ng license ang sparkpoint from the authority.


Salamat mga kabayan sa pag open ng thread about our wallet product. Ako si Rico Zuñiga, ang CTO ng SparkPoint. Isa din akong satisfied coins.ph wallet user kagaya ng karamihan satin dito sa thread. Ang pinagkaiba lang ng wallet namin ay "non-custodial" ito. Ibig sabihin kayo ang may hawak ng private keys at hindi kami. May mga pros and cons din ito.

Isa sa mga pros nito ay kayo mismo ang may control sa cryptocurrencies ninyo. Kahit pa magsara ang aming kumpanya, marerecover niyo pa din yung coins and tokens niyo gamit ang inyong private keys. Isa naman sa mga cons nito ay ang pagiging mas technical ng approach na ito compared sa smoother and more streamlined experience ng isang custodial wallet gaya ni coins.ph.

Pagdating naman kay Changelly, iba din ang approach nila kumpara sa more traditional exchanges gaya ni Binance or Coins Pro. Si Changelly ay isang "decentralized exchange" na ibig sabihin ay di niyo kelangan mag deposit ng cryptocurrency para makapag trade. Ito ay isang peer to peer approach sa pag trade kaya namiminimize ang risk ng exchange theft.

Sa kasalukuyan naman, inaasikaso na namin ang license ng pag trade from crypto to fiat. Kelangan kasi natin mag comply sa rules and regulations ni BSP and SEC bago tayo makapag trade directly gamit ang crypto at traditional nating pera. Sa ngayon crypto to crypto lang muna ang supported ng wallet namin through Changelly. Focused din ang team namin ngayon sa pag develop ng mga practical applications ng blockchain at cryptocurrencies para hindi lang tayo limitado sa trading and speculation.
sr. member
Activity: 1111
Merit: 255
Guys tanong ko lamg kung katulad din ba ng coins.ph ito na pwede kang mag withdraw sa mga remmitances?  Dko pa kasi nasilip ang app nila o isang wallet lang din ito na pwedeng maglagay lang coins?
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
@lionheart78 ano pala yung btc address nila, legacy? Does the wallet also support Segwit (bc1)?
Yup legacy address ang gamit ng wallet, hindi ko pa nasusubukan if they support segwit addresses, if I got time I'll try it. Then I'll update here.

Hello Bttzed03! Tama po si lionheart78, naka legacy address pa po yung BTC addresses. We'll work on adding segwit support po sa future update!

Salamat po sa paglilinaw.


Kung matutupad yung BTC to Php tapos masusuportahan din ang segwit address, sa tingin ko mas dadami gagamit ng wallet.
newbie
Activity: 5
Merit: 0
Paki-sagot na din pala yung isa ko pang tanong  Grin
@lionheart78 ano pala yung btc address nila, legacy? Does the wallet also support Segwit (bc1)?


Hello Bttzed03! Tama po si lionheart78, naka legacy address pa po yung BTC addresses. We'll work on adding segwit support po sa future update!
newbie
Activity: 5
Merit: 0
Withdrawal review =  Instant withdrawal na may option para sa speed of transaction (slow average fast).  So far so good, the only problem I encounter is using the qr code since hindi nya narerecognized yung wallet address qr code ko sa electrum.  Ang lumalabas na error is invalid wallet address.

heto ang screenshot ng pagipiliang fee                                           screenshot of QR code scanning error (taken after the balance is sent to my electrum wallet)

Note:  Hindi auto bawas ang transaction fee kung iwiwithdraw nyo ang buong balance nyo dun sa amount na winithdraw, need magiwan or ibawas ang txfee at iiwan bilang balanse ng wallet para dun kunin ang txfee.

Request: Sana meron silang max withdrawal option kung saan automatic na ikakaltas ang selected txfee para mas smooth ang pagtransfer.

Much better kaysa coins.ph wallet if maimplement ang conversion process from cryptocurrency to cash dahil this is a wallet with built in functions.


Salamat sir lionheart78 sa feedback! Napansin din po namin yung accuracy issue nung QR code scanner na gamit namin. Nasa list of issues na din po namin ito at isa sa mga priority fixes namin sa mga susunod na updates. Yung pag set ng max withdrawal amount para mas convenient sa user ay nasa list na din namin kasi tama po kayo na ito ay malaking tipid sa oras (iwas manual calculation) at para madaling masimot yung natitirang tokens sa wallet Smiley
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
@lionheart78 ano pala yung btc address nila, legacy? Does the wallet also support Segwit (bc1)?

Yup legacy address ang gamit ng wallet, hindi ko pa nasusubukan if they support segwit addresses, if I got time I'll try it. Then I'll update here.



I tried to send an amount to a segwit address, but unfortunately nagkakaroon ng error dun sa pagfetch ng tx fee.  I do not know kung ang ibig sabhin ba nito ay hindi supported ang segwit address, subukan ko na lang ulit mamaya or much better if masagot ni  Sir zocir ang tanong about sa compatibility ng sparkpoint wallet sa segwit address .
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~snip

Hello Bttzed03! Salamat sa mga katanungan mo.

1. Pwedeng pwede! Hindi required na bumili ng token namin. In fact, hindi pag benta ng token ang main business model namin kundi ang pag develop ng mga practical applications na tumatakbo sa Blockchain.

2. Tama ka, required ng BSP ang KYC in compliance sa regulations. Pero gagawin namin itong optional sa SparkPoint wallet. Kelangan lang mag KYC ng user kung magpapalit sila from crypto to fiat (and vice versa). Kung crypto to crypto lang, hindi na kelangan mag KYC (ito ang magiging default behavior ng wallet). Kumbaga magiging hybrid na non-custodial and custodial yung wallet namin pero ang custodial features ay opt-in lamang kung kelangan ng user.

"Yung internal exchange (if approved) ay kagaya din ba ng ginagawa ni coinsph which is sila ang may control sa conversion rate?"

May similarity pero hindi pa final, maari pang magbago ang desisyon namin. Pwede din kasi namin gawing similar kay Changelly na "best market rate" ang palitan at may maliit na transaction fee lamang (less than 1%) ang icha-charge sa users.

Speaking of Changelly, may karagdagang impormasyon dito sa bagong blog post nila - https://changelly.com/blog/sparkpoint-wallet-sparkx-empowered-with-changelly-exchange-api/
Gusto ko yung approach sa optional KYC.

I understand na naka-depende din sa BSP pero mga kelan kaya yung internal exchange (rough estimate)? Mas prefer ko yung "best market rate".

Salamat sa changelly tutorial, isasama ko sa OP yung link.


Paki-sagot na din pala yung isa ko pang tanong  Grin
@lionheart78 ano pala yung btc address nila, legacy? Does the wallet also support Segwit (bc1)?
newbie
Activity: 5
Merit: 0
I deposited 1mBTC yesterday, and with only 1 confirmation is nagreflect na agad siya sa balance.  So far ok naman ang apps, meron seed phrase, may private key rin tulad ng sinabi ng developer.

Medyo nakakalito ang pagconvert ng BTC to another currency, baka meron silang faq na hindi ko pa nababasa.  So far so good ang experience ko dito but it is too soon to tell na ok ang service nila.  Need pa siguro ng time para maging proven at maging reputable itong apps na ito.

Maraming salamat sir lionheart78! Madami pa po talagang kelangan i-improve sa aming wallet lalo na sa User Experience. Continuous naman po ang pag dagdag/improve ng features at pag ayos ng bugs ng aming dev team sa wallet app natin. Expect more improvements po in succeeding updates. Ito po kasi ang aming company culture na gustong i-establish, ang continuous improvement both sa aming mga produkto at sa aming mga sarili.
newbie
Activity: 5
Merit: 0

Salamat Mr. Rico

May mga karadagang tanong ako:

1. Pwede ba namin magamit ang wallet kahit hindi na kami bumili ng native token ni sparkpoint?
2. Nabanggit mo na kumukuha kayo ng license to trade crypto to fiat, does that mean magpapa-KYC din kayo kung maaprubahan man ang application sa BSP?

Yung internal exchange (if approved) ay kagaya din ba ng ginagawa ni coinsph which is sila ang may control sa conversion rate?


Hello Bttzed03! Salamat sa mga katanungan mo.

1. Pwedeng pwede! Hindi required na bumili ng token namin. In fact, hindi pag benta ng token ang main business model namin kundi ang pag develop ng mga practical applications na tumatakbo sa Blockchain.

2. Tama ka, required ng BSP ang KYC in compliance sa regulations. Pero gagawin namin itong optional sa SparkPoint wallet. Kelangan lang mag KYC ng user kung magpapalit sila from crypto to fiat (and vice versa). Kung crypto to crypto lang, hindi na kelangan mag KYC (ito ang magiging default behavior ng wallet). Kumbaga magiging hybrid na non-custodial and custodial yung wallet namin pero ang custodial features ay opt-in lamang kung kelangan ng user.

"Yung internal exchange (if approved) ay kagaya din ba ng ginagawa ni coinsph which is sila ang may control sa conversion rate?"

May similarity pero hindi pa final, maari pang magbago ang desisyon namin. Pwede din kasi namin gawing similar kay Changelly na "best market rate" ang palitan at may maliit na transaction fee lamang (less than 1%) ang icha-charge sa users.

Speaking of Changelly, may karagdagang impormasyon dito sa bagong blog post nila - https://changelly.com/blog/sparkpoint-wallet-sparkx-empowered-with-changelly-exchange-api/
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
@lionheart78 ano pala yung btc address nila, legacy? Does the wallet also support Segwit (bc1)?
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~
the only problem I encounter is using the qr code since hindi nya narerecognized yung wallet address qr code ko sa electrum.  Ang lumalabas na error is invalid wallet address.
Let's wait for any of their dev team to respond to this. I've informed them about the reviews.


Note:  Hindi auto bawas ang transaction fee kung iwiwithdraw nyo ang buong balance nyo dun sa amount na winithdraw, need magiwan or ibawas ang txfee at iiwan bilang balanse ng wallet para dun kunin ang txfee.

Request: Sana meron silang max withdrawal option kung saan automatic na ikakaltas ang selected txfee para mas smooth ang pagtransfer.
Dapat i-consider nga ito. Or atleast may default fee ng nakalagay and the user has an option to adjust if gusto ng max fee or low fees. Newbie users will find it complicated kung sila pa ang mag-compute at magbawas ng fee manually.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
Withdrawal review =  Instant withdrawal na may option para sa speed of transaction (slow average fast).  So far so good, the only problem I encounter is using the qr code since hindi nya narerecognized yung wallet address qr code ko sa electrum.  Ang lumalabas na error is invalid wallet address.


heto ang screenshot ng pagipiliang fee                                           screenshot of QR code scanning error (taken after the balance is sent to my electrum wallet)

                           






Note:  Hindi auto bawas ang transaction fee kung iwiwithdraw nyo ang buong balance nyo dun sa amount na winithdraw, need magiwan or ibawas ang txfee at iiwan bilang balanse ng wallet para dun kunin ang txfee.

Request: Sana meron silang max withdrawal option kung saan automatic na ikakaltas ang selected txfee para mas smooth ang pagtransfer.

Much better kaysa coins.ph wallet if maimplement ang conversion process from cryptocurrency to cash dahil this is a wallet with built in functions.

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Guys, sa tingin ko naman lahat na ng concerns like bagong wallet, untested, licensed, at iba pa ay nabanggit na. Hindi na nakakatulong sa discussion kung paulit-ulit na sasabihin.

I am going to add a local rule here to limit the discussion to the sparkX wallet reviews/wallet updates na lang or comment sa mga bagong info na ibibigay ng representative nila na si Mr. Rico.

Please adhere to the new local rule. Comments similar to what I stated in the first paragraph will be reported. Salamat sa pagunawa.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Mahirap sumugal sa bago pa, at mahirap sumugal lalo na pag funds ang mailalagay sa risk. Kahit na sabihin na malaki ang fee sa coins.ph, isa pa rin ito sa tested at trusted na site. Mas mainam siguro na antabayanan muna ang bagong wallet na ito, para malaman kung reliable ba ito o hindi.
Totoo yan hindi din naman kasi natin agad masasabi kung trustworthy yan e mas mabuti sigurong magsearch muna tayo about dito para mas mabigyan tayo ng idea kung anong klaseng wallet ba ito, wala namang masama sa pagiging mapanuri tulad sa panahon ngayon kasi maraming hackers at scammers kaya para maiwasan sila dapat maging alerto at mapanuri ka. Lamang ka din kapag may alam ka pagdating sa pagresearch kasi madali mong malalaman kung safe ba ito or hindi o kung worth it ba ito o hindi. Tignan nalang muna natin hindi naman natin inaunderestimate ang gawa ng pinoy, sadyang mas magandang mag ingat.

Ganito din yung madalas na sinasabi ng mga tao dati sa coins.ph kung reliable ba ito. Ang ganda naman ang pinakita nito sa sumunod na mga taon. Dahil naging no.1 ito sa ating bansa hanggang ngayon. maghintay na lang muna tayo sa resulta ng paggamit ng iilan I'm sure na may magpopost din ng review about anung kagandang ng wallet na ito at kung meron mang anumalya tyak na sasabihin din nila sa atin.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
^ it's definitely convenient but it could be dangerous for newbies. I believe meron naman siyang warning or reminder sa app na kailangan isulat at ilagay sa safe na lugar pero marami pa din ang tatamarin.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153

Not the best way to present pero that's better than nothing. Can you confirm kung pwede ka mag-screenshot ng seed phrase? I'm not saying it's bad kung pwede nga but users should be forced to write and secure their seed phrase somewhere.

I did screenshot the seed phrase, double tap on Huawei Mate.  I find it convenient, though I got your point kasi maraming games ang umaaccess sa photo galery ng cp, pero for security after a screenshot itransfer na lang yung file sa pc at idelete ang captured seed phrase sa mobile.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Mukhang wala pa silang blog o kaya video about sa wallet tutorial. Maganda sana if they can provide one

Searching for their tutorial, I stumbled on this one na nakapost sa facebook.  https://www.facebook.com/watch/?v=1275874785921601,  they are discussing about the sparkpoint wallet, mula sa creation ng wallet hanggang sa paggawa ng transaction.  Medyo informal ang video pero andun naman ang mga step by step guide sa paggamit ng sparkpoint wallet.

Not the best way to present pero that's better than nothing. Can you confirm kung pwede ka mag-screenshot ng seed phrase? I'm not saying it's bad kung pwede nga but users should be forced to write and secure their seed phrase somewhere.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
Mukhang wala pa silang blog o kaya video about sa wallet tutorial. Maganda sana if they can provide one

Searching for their tutorial, I stumbled on this one na nakapost sa facebook.  https://www.facebook.com/watch/?v=1275874785921601,  they are discussing about the sparkpoint wallet, mula sa creation ng wallet hanggang sa paggawa ng transaction.  Medyo informal ang video pero andun naman ang mga step by step guide sa paggamit ng sparkpoint wallet.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
I deposited 1mBTC yesterday, and with only 1 confirmation is nagreflect na agad siya sa balance.  So far ok naman ang apps, meron seed phrase, may private key rin tulad ng sinabi ng developer.

~

Medyo nakakalito ang pagconvert ng BTC to another currency, baka meron silang faq na hindi ko pa nababasa.  So far so good ang experience ko dito but it is too soon to tell na ok ang service nila.  Need pa siguro ng time para maging proven at maging reputable itong apps na ito.
Salamat sa unang review. I've added a "community review" section sa OP and yours is the first on the list.

Mukhang wala pa silang blog o kaya video about sa wallet tutorial. Maganda sana if they can provide one



legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
I deposited 1mBTC yesterday, and with only 1 confirmation is nagreflect na agad siya sa balance.  So far ok naman ang apps, meron seed phrase, may private key rin tulad ng sinabi ng developer.

.

Medyo nakakalito ang pagconvert ng BTC to another currency, baka meron silang faq na hindi ko pa nababasa.  So far so good ang experience ko dito but it is too soon to tell na ok ang service nila.  Need pa siguro ng time para maging proven at maging reputable itong apps na ito.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Salamat mga kabayan sa pag open ng thread about our wallet product. Ako si Rico Zuñiga, ang CTO ng SparkPoint. Isa din akong satisfied coins.ph wallet user kagaya ng karamihan satin dito sa thread. Ang pinagkaiba lang ng wallet namin ay "non-custodial" ito. Ibig sabihin kayo ang may hawak ng private keys at hindi kami. May mga pros and cons din ito.

Isa sa mga pros nito ay kayo mismo ang may control sa cryptocurrencies ninyo. Kahit pa magsara ang aming kumpanya, marerecover niyo pa din yung coins and tokens niyo gamit ang inyong private keys. Isa naman sa mga cons nito ay ang pagiging mas technical ng approach na ito compared sa smoother and more streamlined experience ng isang custodial wallet gaya ni coins.ph.

Pagdating naman kay Changelly, iba din ang approach nila kumpara sa more traditional exchanges gaya ni Binance or Coins Pro. Si Changelly ay isang "decentralized exchange" na ibig sabihin ay di niyo kelangan mag deposit ng cryptocurrency para makapag trade. Ito ay isang peer to peer approach sa pag trade kaya namiminimize ang risk ng exchange theft.

Sa kasalukuyan naman, inaasikaso na namin ang license ng pag trade from crypto to fiat. Kelangan kasi natin mag comply sa rules and regulations ni BSP and SEC bago tayo makapag trade directly gamit ang crypto at traditional nating pera. Sa ngayon crypto to crypto lang muna ang supported ng wallet namin through Changelly. Focused din ang team namin ngayon sa pag develop ng mga practical applications ng blockchain at cryptocurrencies para hindi lang tayo limitado sa trading and speculation.

Salamat Mr. Rico

May mga karadagang tanong ako:

1. Pwede ba namin magamit ang wallet kahit hindi na kami bumili ng native token ni sparkpoint?
2. Nabanggit mo na kumukuha kayo ng license to trade crypto to fiat, does that mean magpapa-KYC din kayo kung maaprubahan man ang application sa BSP?

Yung internal exchange (if approved) ay kagaya din ba ng ginagawa ni coinsph which is sila ang may control sa conversion rate?

newbie
Activity: 5
Merit: 0
Salamat mga kabayan sa pag open ng thread about our wallet product. Ako si Rico Zuñiga, ang CTO ng SparkPoint. Isa din akong satisfied coins.ph wallet user kagaya ng karamihan satin dito sa thread. Ang pinagkaiba lang ng wallet namin ay "non-custodial" ito. Ibig sabihin kayo ang may hawak ng private keys at hindi kami. May mga pros and cons din ito.

Isa sa mga pros nito ay kayo mismo ang may control sa cryptocurrencies ninyo. Kahit pa magsara ang aming kumpanya, marerecover niyo pa din yung coins and tokens niyo gamit ang inyong private keys. Isa naman sa mga cons nito ay ang pagiging mas technical ng approach na ito compared sa smoother and more streamlined experience ng isang custodial wallet gaya ni coins.ph.

Pagdating naman kay Changelly, iba din ang approach nila kumpara sa more traditional exchanges gaya ni Binance or Coins Pro. Si Changelly ay isang "decentralized exchange" na ibig sabihin ay di niyo kelangan mag deposit ng cryptocurrency para makapag trade. Ito ay isang peer to peer approach sa pag trade kaya namiminimize ang risk ng exchange theft.

Sa kasalukuyan naman, inaasikaso na namin ang license ng pag trade from crypto to fiat. Kelangan kasi natin mag comply sa rules and regulations ni BSP and SEC bago tayo makapag trade directly gamit ang crypto at traditional nating pera. Sa ngayon crypto to crypto lang muna ang supported ng wallet namin through Changelly. Focused din ang team namin ngayon sa pag develop ng mga practical applications ng blockchain at cryptocurrencies para hindi lang tayo limitado sa trading and speculation.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Do you have any ideas about other platforms for their small community? I mean parang sort of discussion place na medyo active?
~
They have a telegram which can be seen on their website.

I tried to invite them here and sana nga may representative silang darating at sasagot.
sr. member
Activity: 896
Merit: 272
OWNR - Store all crypto in one app.
Mahirap sumugal sa bago pa, at mahirap sumugal lalo na pag funds ang mailalagay sa risk. Kahit na sabihin na malaki ang fee sa coins.ph, isa pa rin ito sa tested at trusted na site. Mas mainam siguro na antabayanan muna ang bagong wallet na ito, para malaman kung reliable ba ito o hindi.
Totoo yan hindi din naman kasi natin agad masasabi kung trustworthy yan e mas mabuti sigurong magsearch muna tayo about dito para mas mabigyan tayo ng idea kung anong klaseng wallet ba ito, wala namang masama sa pagiging mapanuri tulad sa panahon ngayon kasi maraming hackers at scammers kaya para maiwasan sila dapat maging alerto at mapanuri ka. Lamang ka din kapag may alam ka pagdating sa pagresearch kasi madali mong malalaman kung safe ba ito or hindi o kung worth it ba ito o hindi. Tignan nalang muna natin hindi naman natin inaunderestimate ang gawa ng pinoy, sadyang mas magandang mag ingat.
sr. member
Activity: 882
Merit: 301
Hindi public yung repo nila sa github, mas concern siguro sila sa competition.

bilang custodial wallet na gawang pinoy
non-custodial*

kung full control mo ba ung wallet na gamit mo.
Yan naman yata yung essence ng pagiging non-custodial wallet. Hawak mo seed phrase o kaya private keys,

Tinignan ko yung website nila, hindi safe kaya medyo duda ako dito.
Paano mo nasabing hindi siya safe?
hero member
Activity: 1274
Merit: 519
Coindragon.com 30% Cash Back
Mahirap sumugal sa bago pa, at mahirap sumugal lalo na pag funds ang mailalagay sa risk. Kahit na sabihin na malaki ang fee sa coins.ph, isa pa rin ito sa tested at trusted na site. Mas mainam siguro na antabayanan muna ang bagong wallet na ito, para malaman kung reliable ba ito o hindi.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
amo'y bago-bago pa to. Ingat-ingat sa mga mag-tatry na mga pinoy dyan. Kahit na mukhang legit sila at may partnership pa, hindi natin masasabi kung aataki pa ito o hindi. Tinignan ko yung website nila, hindi safe kaya medyo duda ako dito.

Kung ako sa inyo, antayin nyo muna mag 1 year ito at mag-antay talaga ng mga legit reviews.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277

Do you have any ideas about other platforms for their small community? I mean parang sort of discussion place na medyo active?

Google ratings can easily manipulated. I have examples of some applications but outside crypto kaya di ako natingin sa Google ratings as reference.

Maganda sana bro may self-reviews na lang muna sa mga nakapag try talaga or kahit representative na lang nila para safe sa mga newcomers. Na-special mention kasi sila dahil sa thread na ito and nagkaroon ng libreng promotions at views sa local community natin dito.

Just a sugggestion if you will allow, if there's no legitimate user's feedback sa mga susunod na araw iwasan na lang natin ma-bump tong thread. No need to lock baka may magpost ng legit reviews.
I think OP is spreading awareness about the new Pinoy made wallet. Tama ka na mas better na galing sa mismong company o representative nila ang mag justify ng kanilang services like coins.ph did. But I hope na hindi maging kagaya ng representative nila na si Niquie na naging inactive after ilang questions. Siguro mas mapapatibay nila ang relationship between their fellow Filipino crypto users pag may active silang support dito sa forum na handa sumagot sa mga inquiries natin.

Mas mabuti siguro kung may active telegram group din sila aside sa forum dito sa bitcointalk. Kung sa gayon mas lalong mapadali ang mga inquiries natin, kapag tungkol na sa malalim na pag uusap hinggil sa wallet services.
Kung tingin ng karamihan na manipulated yung ratings, malaking posibilidad rin na mangyari yan. Hindi naman natin kontrolado yan at wala namang close monitoring sa ganyang bagay.
Sa ngayun open parin ang thread na ito para sa mga feeback ng karamihan, personally interesado din akong sumubok sa wallet na to. Asahan nyo rin magbibigay ako ng komento tungkol dito sa mga araw na darating.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI

Do you have any ideas about other platforms for their small community? I mean parang sort of discussion place na medyo active?

Google ratings can easily manipulated. I have examples of some applications but outside crypto kaya di ako natingin sa Google ratings as reference.

Maganda sana bro may self-reviews na lang muna sa mga nakapag try talaga or kahit representative na lang nila para safe sa mga newcomers. Na-special mention kasi sila dahil sa thread na ito and nagkaroon ng libreng promotions at views sa local community natin dito.

Just a sugggestion if you will allow, if there's no legitimate user's feedback sa mga susunod na araw iwasan na lang natin ma-bump tong thread. No need to lock baka may magpost ng legit reviews.
I think OP is spreading awareness about the new Pinoy made wallet. Tama ka na mas better na galing sa mismong company o representative nila ang mag justify ng kanilang services like coins.ph did. But I hope na hindi maging kagaya ng representative nila na si Niquie na naging inactive after ilang questions. Siguro mas mapapatibay nila ang relationship between their fellow Filipino crypto users pag may active silang support dito sa forum na handa sumagot sa mga inquiries natin.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game

Do you have any ideas about other platforms for their small community? I mean parang sort of discussion place na medyo active?

Google ratings can easily manipulated. I have examples of some applications but outside crypto kaya di ako natingin sa Google ratings as reference.

Maganda sana bro may self-reviews na lang muna sa mga nakapag try talaga or kahit representative na lang nila para safe sa mga newcomers. Na-special mention kasi sila dahil sa thread na ito and nagkaroon ng libreng promotions at views sa local community natin dito.

Just a sugggestion if you will allow, if there's no legitimate user's feedback sa mga susunod na araw iwasan na lang natin ma-bump tong thread. No need to lock baka may magpost ng legit reviews.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
So far, mataas naman ang ratings sa google play but I can't tell kung users ba talaga yung mga nagbibigay ng matataas na review or mga kasamahan or promoters din nila. Kung sakaling may interesado subukan yung wallet, please post your review here.

Wag kayo basta basta magpapaniwal sa rating nila, gaya ng ibang project meron din silang mga ways to promote and boost their ratings and halata naman sa mga reviews nila na hindi it makatotohanan. Lahat ng makikita nya "Love the appearance" o "such a wonderful wallet" o mga iba pang linyahan na ganyan. Hindi naman sa hinuhusgahan ko sila and proud Filipino ako pero obvious naman eh pag-nakakita ka ng ganitong review na walang sinasabing cons ito ay mga nabayadan or padded reviews lang para mag-mukhang maganda sa app store.

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/

If you read the comment section first, makikita mong nabanggit na ni @target yung ANN nila kahapon pa https://bitcointalksearch.org/topic/m.52907572



Quote
~ kaso medyo mabagal lang ang usad
Paanong mabagal ang usad?
sr. member
Activity: 1372
Merit: 261
Base sa aking reaserch meron na silang announcement thread dito sa Bitcointalk.

https://bitcointalksearch.org/topic/ann-sparkpoint-ecosystem-reinventing-digital-payments-building-a-better-future-5100581

Sila daw ay completely registered na sa SEC,  Tingnan nyo nalang po sa kanilang Ann Thread,  At mukhang nga legit sila kaso medyo mabagal lang ang usad
We have successfully completed the company's registration to the Securities and Exchange Commission under our main company, SPARKPOINT INNOVATIONS INC. - in which Sparkpoint Ecosystem will be operating under.

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~
I noticed dun sa website nila that they are lacking a contact number which is very important for verification of their service at kung may mga issues sa wallet nila.
You mean gusto mo sila tawagan? I'm not sure if that is really necessary kasi may naka-set naman ng paraan para makontak sila. Siguro they can add a live chat support.
hero member
Activity: 2086
Merit: 501
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Mukhang alanganin mag install ng mga ganito tol, Opinion ko lang. Dahil pera yung nakataya dito baka madaali pa tayo. Sapat na muna yung coins.ph kung sa mobile wallet lang naman wala na yatang makakatalo sa kanila. Kahit ganon yung taas ng kaltas sa convertion nila, hindi na ako magdadalawang isip magdeposit ng aking Bitcoin dahil alam ko na walang masamang mangyayari dito, dahil matagal na sila.
Pero maganda na rin na naibahagi mo ito dahil kung sakaling merong may gustong mag try ng wallet na ito, pwede nilang i post dito yung pros and cos base sa kanilang experience.
Same views kabayan pagdating sa mga new service specially sa mga wallet na likhang pinoy.Di naman sa sinasabi na wala akong tiwala
pero di mo talaga maiiwasan na magdalawang isip na gamitin kasi meron nang mas nauna sa kanila plus pinagkakatiwalaan na ng libo libong
pinoy sa bansa pag dating sa local wallet.Oo malaki ang fee nila pero nagagawa nila i cater ang kanilang users ng walang problem.
Ilang taon na rin running pero di naman masama i try ang wallet na to pero need talaga maka sigurado.

Ang habol kasi natin ay malessen ang fee na kung saan mas kikita tayo ng malaki. Yung coins.ph kasi is reliable na pero ang laki kasi pagmageexchange ka sa mga token kaya minsan mas mainam nalang na di palitan kasi nga ang laki lang ng malulugi mo kung magtetrade ka mismo sa coins.ph.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
This would be great kung aasikasuhin nila ang marketing ng kanilang project.  Mas maganda ang mga options sa wallet niya kesa sa coins.ph but the problem is the integrity since bago pa lang sila.  Kahit ako nagdadalawang isip akong gamitin itong wallet nila but probably for curiosity baka idownload ko na rin at magbigay ng feed back tungkol sa experience ko sa wallet nila.



I noticed dun sa website nila that they are lacking a contact number which is very important for verification of their service at kung may mga issues sa wallet nila.
hero member
Activity: 2814
Merit: 553
Sa ngayun, we can't conclude any judgement yet in fairness for this wallet, kasi wala pa dito sa comment section ang nakapag try na gamitin ang service nila. Infact, this company has partnership with Changelly na isa ring known and trusted exchange na may halos 5 star rating ( sa tingin ko wala naman siguro makaka kuha ng perfect 5 na ratings kasi bawat exchange ay may kanya-kanya talagang issues. )

Sigurado majority sa atin ay hindi na mag ririsk na lumipat sa ibang wallet kasi mas subok na natin yung Coins.ph.

Antabayanan nalang natin in the future pag may mga gustong sumobok at makuha natin kanilang mga feedbacks. Marami din kasi supported na crypto yung wallet nato eh lalo na't included pa mga erc20 tokens.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
They should update first their Terms of Service and Privacy Policy that's the most important thing na basahin ng isang user sa kanilang service or wallet man. Up to this day, that hasn't been issued yet that's on my view the crucial part if ever may mangyari mang delays sa kanila or may mga error sa service nila.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~
~

As a crypto wallet and not an exchange, bakit kailangan i-regulate ng SEC or BSP?
~

Gusto pa rin ata ng SEC na maningil ng tax sa kanila dahil business pa rin naman sila kung maituring.
Wala naman problema dun at dapat naman talaga mag-comply sila sa SEC as a business entity. Ang point ng argument is kung bakit kailangan i-regulate since it's a crypto wallet lang.


Quote
Eto ata ang ANN thread nila dito sa forum https://bitcointalksearch.org/topic/ann-sparkpoint-ecosystem-reinventing-digital-payments-building-a-better-future-5100581 nandyan information nila pati sa team members. Listed daw sila sa p2pb2b at hotbit.  Silent masyado ang team na ito.  Grin
Maganda sana kung i-limit natin yung discussion about sa wallet. Okay naman isama sa usapang yung kumpanya at yung development team pero huwag na sana yung native token at kung saan nakalista o yung iba pang produkto nila.

legendary
Activity: 2282
Merit: 1041
Nakareceive ako ng PM sa telegram about nitong Spark dati, hindi ko pinansin dahil karaniwang PM sa telegram scam.

Not bad for a crypto wallet made by Pinoy pero ang gusto ko lang malaman kung regulated sila ng SEC or BSP kasi doon tayo mas nakakasigurado kung legal ang isang companya, so far hindi ko mahanap sa website nila.

As a crypto wallet and not an exchange, bakit kailangan i-regulate ng SEC or BSP?

Tungkol naman sa registration ng kumpanya sa SEC, madali lang sana ma-search yan pero under maintenance kasi yung public inquiry http://www.sec.gov.ph/online-services/search-registered-companies/



Gusto pa rin ata ng SEC na maningil ng tax sa kanila dahil business pa rin naman sila kung maituring.
Eto ata ang ANN thread nila dito sa forum https://bitcointalksearch.org/topic/ann-sparkpoint-ecosystem-reinventing-digital-payments-building-a-better-future-5100581 nandyan information nila pati sa team members. Listed daw sila sa p2pb2b at hotbit.  Silent masyado ang team na ito.  Grin
sr. member
Activity: 1036
Merit: 329
Kung totoong partner nga nila ung changelly medyo mabigat ung partner nila. Kundi ako nag kakamali isang popular exchange ding yan changelly . Ang problem nalang is kung how secured yung wallet at kung full control mo ba ung wallet na gamit mo.
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
Not bad for a crypto wallet made by Pinoy pero ang gusto ko lang malaman kung regulated sila ng SEC or BSP kasi doon tayo mas nakakasigurado kung legal ang isang companya, so far hindi ko mahanap sa website nila.
As a crypto wallet and not an exchange, bakit kailangan i-regulate ng SEC or BSP?
Tungkol naman sa registration ng kumpanya sa SEC, madali lang sana ma-search yan pero under maintenance kasi yung public inquiry http://www.sec.gov.ph/online-services/search-registered-companies/
Yes I agree wala na atang kilangan pang registration sa BSP kung wallet lang naman at hindi exchange kagaya ng coinsph usually ang inaapalayan lang ata nila diyan e yung patent pag sa software para sa copyright pero kung kompanya yan meron dapat silang registration sa SEC.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Not bad for a crypto wallet made by Pinoy pero ang gusto ko lang malaman kung regulated sila ng SEC or BSP kasi doon tayo mas nakakasigurado kung legal ang isang companya, so far hindi ko mahanap sa website nila.

As a crypto wallet and not an exchange, bakit kailangan i-regulate ng SEC or BSP?

Tungkol naman sa registration ng kumpanya sa SEC, madali lang sana ma-search yan pero under maintenance kasi yung public inquiry http://www.sec.gov.ph/online-services/search-registered-companies/




Not being a crab pero I won’t easily trust this unless kilala at may credibility ang gumawa. Alam naman natin kung paano dumiskarte ang mga Pinoy.
...
We need a better view of its background muna kung saan nagsimula, sino ang gumawa at ano pa ang iba nitong mga nagawang app.

You can start visiting their website. Andun naman mga pangalan ng team, address ng office at iba pang impormasyon na pwedeng makasagot sa tanong mo.
sr. member
Activity: 854
Merit: 272
Not being a crab pero I won’t easily trust this unless kilala at may credibility ang gumawa. Alam naman natin kung paano dumiskarte ang mga Pinoy.

Dun naman sa review part, pwedeng part ng bounty or mga tao na nabigyan(you know) ang mga gumawa.

We need a better view of its background muna kung saan nagsimula, sino ang gumawa at ano pa ang iba nitong mga nagawang app.

Kailangan pa ata nila ng mas maiging ad at maging transparent para kilala sila ng mga tao.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
Not bad for a crypto wallet made by Pinoy pero ang gusto ko lang malaman kung regulated sila ng SEC or BSP kasi doon tayo mas nakakasigurado kung legal ang isang companya, so far hindi ko mahanap sa website nila.
isa yan sa mga pinakaunang dapat nating malaman,dahil pera natin ang nakasalalay dito at napakahirap na mabiktima nnman ng mga ganitong uri ng modus,ayaw ko sabihin na scam to pero dapat ay magprovide sila ng mga kaukulang patunay ng kanilang legitimacy since sawang sawa na tayo sa mga pambibiktima na nangyayari.

maganda na nailathala na agad ni kabayang Bttzed to para makapagkalap na tayo ng mga proofs habang maaga so if ever na mag decide tayong gamitin ay handa na tayo at pwede na din nating ipagsabi sa mga kakilala nating coins.ph users pa din till now
sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
Not bad for a crypto wallet made by Pinoy pero ang gusto ko lang malaman kung regulated sila ng SEC or BSP kasi doon tayo mas nakakasigurado kung legal ang isang companya, so far hindi ko mahanap sa website nila.
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
Mahirap sumugal sa wallets lalo na bago palang, yan din ang nakikita kong risk sa mga projects kaya hindi nag kiclick kasi mahirap iprove lalo na kapag nag uumpisa ka palang. Hope may magandang reviews na mangyare at walang loopholes sa project. I am not against sa mga pinoy when it comes to innovations and projects creation pero minsan kasi sa pinoy talagang may ibang purpose ang projects nila e.

Tsaka bro, para sa iba pwede mong idagdag ang ibig sabihin ng NON CUSTODIAL WALLET.
hero member
Activity: 2702
Merit: 540
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Mukhang alanganin mag install ng mga ganito tol, Opinion ko lang. Dahil pera yung nakataya dito baka madaali pa tayo. Sapat na muna yung coins.ph kung sa mobile wallet lang naman wala na yatang makakatalo sa kanila. Kahit ganon yung taas ng kaltas sa convertion nila, hindi na ako magdadalawang isip magdeposit ng aking Bitcoin dahil alam ko na walang masamang mangyayari dito, dahil matagal na sila.
Pero maganda na rin na naibahagi mo ito dahil kung sakaling merong may gustong mag try ng wallet na ito, pwede nilang i post dito yung pros and cos base sa kanilang experience.
Same views kabayan pagdating sa mga new service specially sa mga wallet na likhang pinoy.Di naman sa sinasabi na wala akong tiwala
pero di mo talaga maiiwasan na magdalawang isip na gamitin kasi meron nang mas nauna sa kanila plus pinagkakatiwalaan na ng libo libong
pinoy sa bansa pag dating sa local wallet.Oo malaki ang fee nila pero nagagawa nila i cater ang kanilang users ng walang problem.
Ilang taon na rin running pero di naman masama i try ang wallet na to pero need talaga maka sigurado.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Mukhang alanganin mag install ng mga ganito tol, Opinion ko lang. Dahil pera yung nakataya dito baka madaali pa tayo. Sapat na muna yung coins.ph kung sa mobile wallet lang naman wala na yatang makakatalo sa kanila. Kahit ganon yung taas ng kaltas sa convertion nila, hindi na ako magdadalawang isip magdeposit ng aking Bitcoin dahil alam ko na walang masamang mangyayari dito, dahil matagal na sila.
Pero maganda na rin na naibahagi mo ito dahil kung sakaling merong may gustong mag try ng wallet na ito, pwede nilang i post dito yung pros and cos base sa kanilang experience.
sr. member
Activity: 1400
Merit: 269
you should be compensated for this advertisement kabayan,(joke no meaning at all kabayan baka ma misinterpret)

kidding aside i have just checked the site and like you said upon reviews ay legit sila pero pwede din naman talagang pakawala lang nila mga nag review just to gain positive feeds

sa ngayon antabay muna ako kabayan pero interesado ako dito dahil bilang custodial wallet na gawang pinoy ay malaking bagay sa pandagdag ng paglago ng crypto sa pinas.
salamat sa sharing kabayan at least meron na akong isang prospect na magagamit in future
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Recently lang may nagtanong kung may palitan na bang gawang Pinoy, wala pa akong alam pero eto may non-custodial wallet na gawang Pinoy.

Wallet name: SparkX™
Available on google play: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.sparkpoint

Sa ngayon meron na siyang over 1,000 installation ayon sa google play info.

According to their website, it currently supports yung native token nila tapos bitcoin, ethereum at ibang erc-20 tokens.

Recently, naki-partner sila with Changelly

Guys, sa tingin ko naman lahat na ng concerns like bagong wallet, untested, licensed, at iba pa ay nabanggit na. Hindi na nakakatulong sa discussion kung paulit-ulit na sasabihin.

I am going to add a local rule here to limit the discussion to the sparkX wallet reviews/wallet updates na lang or comment sa mga bagong info na ibibigay ng representative nila na si Mr. Rico.

Please adhere to the new local rule. Comments similar to what I stated in the first paragraph will be reported. Salamat sa pagunawa.


Note that I am only posting this to inform everyone of this new wallet and not to advertise the Sparkpoint token or their other products.


Jump to: