Ok sana ung dito telecom kasi mas mura kumpara sa ibang internet provider which is 700 php lng ang isang month with 20 mbps, ang tanong makukuha mo b tlaga ung speed n un pag nag avail ka n sa kanila, o katulad din sya ng globe, smart.
Depende, wala pa rin namang nakasubok kasi di pa yata sila fully operational, pero kung same ang makukuha mo na speed at mura naman eh di, "DITO" na tayo, haha... Actually kung titingnan mo ang plan lalo na sa wireless plan, nilalagay nila is "UP TO", meaning di talaga yan, depende talaga sa tower, pero dahil bago ang DITO, malamang di pa congested yan.
Minsan iba ang sinasabi kaysa actual, katulad nalang ng mga promos ng existing telcos natin, sabi unlimited daw, pero "subject to fair usage policy pala", kung lamagpas ka dyan capping ka na.
Well sana lang yung speed eh medyo okay na rin kahit di gano matupad yung sinabi nila na 20Gbps. Kung gugustuhin naman talaga nila, kakayanin yon eh.
Poor quality lang talaga services ng mga telco sa pinas, pero nakikita-kita ko na unti unti naman nang nag-iimprove. Sana, ang mahal kasi eh tas ang bulok pa haha.
Yung 4g nga hindi nila ma improve, ewan ko bakit nag 5g na agad sila, pero basi naman sa nakikita ko sa online, may mga nag post na malakas talaga ang postpaid, ang regular sim card na smart 5g ready with prepaid promos, umaabot rin sila ng 500 mbps, la pa talagang 1 gbps, kasi ang mga 5g towers di katulad ng 4g towers na malayo ang bago, at hindi rin mataas ang 5g towers so short range lang siya, ibig sabihin kung malayo ka, hihina rin ang signal mo kahit makakasagap ka pa ng signal.
Actually marami ng 5g towers sa city, try mo sa MOA may 5g daw diyan,, smart.. basta 5g capable ang modem or phone mo, ma try mo talaga ang speed.