Author

Topic: OMB (Optical Media Board) permit/certificate for Ledger Nano S (Read 305 times)

copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
~snip
Ay sorry sir naging busy lang nung nakaraan ko pa sya nakuha haha

Eto po so Feb 7 po ako nag order sa official store sabi dun 3 days lang ay makukuha na DHL express so sa bahay nyo po mismo sya idedeliver free lang po sya
Nung Feb 11 dumating na nga sa pinas may tracking sa DHL makikita mo Processed for clearance at MANILA - PHILIPPINES,
tapos Feb 12-13 ang nagiging update nalang nila ay puro `Clearance Event` mga 2 days ng ganyan nag search ako nyan pag di ka daw tinawagan wala daw need na requirements antayin lang daw
kaso nung pangatlong araw na  `Clearance Event`lang update tumawag na yung DHL na need ng OMB permit at may storage fee daw na  3 days upon arrival of shipment at a rate of PHP 2.64 per KG / day + VAT or a minimum of PHP 664.38. edi wala na agad 3 days ng nakatenga dun pasok na agad sa minimum magaan lang naman ledger
madali lang kunin yung OMB mag email ka lang may instruction na ibibigay yung DHL tapos in 3 days mag email sila sayo na ready na for pick up sa Quezon City office nila need ng ID buti nalang tumawag ako sa DHL pwede daw pla sila mag pick up 150 ang bayad sa OMB tapos + 100 sa pag pickup nila send mo lang ID mo sa email pag pickup nila mga in 3 days ulit bago ma deliver yung ledger
tapos mag email sila ng final charges Kindly prepare PHP 1033.98 final charge
minimum lang yung storage fee tapos 664 + 112 + 250 OMB+pickup

Nakita ko nga kasi free shipping online dun sa website na yun at grabe naman yung nangyari, parang kailangan pa yung mga ganyan. Nakakahassle. At least maasikaso pala si DHL sa ganyan at willing to help, yun lang, may additional 1K pa with that. Thank you sa update mo.

Pinag iisipan ko pa kung magiging worth it talaga, hirap kasi pag cold wallet na laptop gamit lol.
jr. member
Activity: 132
Merit: 7
Mayroon ako nakita sa lazada nagbebenta ng mga hardware wallet merchant name crypto shop ph cgurado ako derecho sa bahay nyo yan o kung saan mo gusto ipadala depende sa setting address ng lazada account mo.
Na try mo na ba mag order galing sakanila? Hindi ko din sila makita sa Lazada, sinearch ko. Ang mga lumabas parang galing ibang bansa at ibang klase yung name.

Still waiting for the update of the OP. Curious kasi ako bago din ako mag pa deliver, etc.

Ay sorry sir naging busy lang nung nakaraan ko pa sya nakuha haha

Eto po so Feb 7 po ako nag order sa official store sabi dun 3 days lang ay makukuha na DHL express so sa bahay nyo po mismo sya idedeliver free lang po sya
Nung Feb 11 dumating na nga sa pinas may tracking sa DHL makikita mo Processed for clearance at MANILA - PHILIPPINES,
tapos Feb 12-13 ang nagiging update nalang nila ay puro `Clearance Event` mga 2 days ng ganyan nag search ako nyan pag di ka daw tinawagan wala daw need na requirements antayin lang daw
kaso nung pangatlong araw na  `Clearance Event`lang update tumawag na yung DHL na need ng OMB permit at may storage fee daw na  3 days upon arrival of shipment at a rate of PHP 2.64 per KG / day + VAT or a minimum of PHP 664.38. edi wala na agad 3 days ng nakatenga dun pasok na agad sa minimum magaan lang naman ledger
madali lang kunin yung OMB mag email ka lang may instruction na ibibigay yung DHL tapos in 3 days mag email sila sayo na ready na for pick up sa Quezon City office nila need ng ID buti nalang tumawag ako sa DHL pwede daw pla sila mag pick up 150 ang bayad sa OMB tapos + 100 sa pag pickup nila send mo lang ID mo sa email pag pickup nila mga in 3 days ulit bago ma deliver yung ledger
tapos mag email sila ng final charges Kindly prepare PHP 1033.98 final charge
minimum lang yung storage fee tapos 664 + 112 + 250 OMB+pickup
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
Mayroon ako nakita sa lazada nagbebenta ng mga hardware wallet merchant name crypto shop ph cgurado ako derecho sa bahay nyo yan o kung saan mo gusto ipadala depende sa setting address ng lazada account mo.
Na try mo na ba mag order galing sakanila? Hindi ko din sila makita sa Lazada, sinearch ko. Ang mga lumabas parang galing ibang bansa at ibang klase yung name.

Still waiting for the update of the OP. Curious kasi ako bago din ako mag pa deliver, etc.
newbie
Activity: 6
Merit: 0
Mayroon ako nakita sa lazada nagbebenta ng mga hardware wallet merchant name crypto shop ph cgurado ako derecho sa bahay nyo yan o kung saan mo gusto ipadala depende sa setting address ng lazada account mo.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1036
Planning to buy pa naman sana ng Ledger Nano S through Johnny Air Cargo Plus. Ma flag down din kaya nila kahit padaanin pa sa mga courier like Johnny Air Cargo Plus? Post ni bL4nkcode sa DHL nakaka lusot without any problem, ang kagandahan lang sa Johnny Air Cargo Plus US Address and papadalhan ng Online site like Amazon then ship to Philippines.

Naalala ko few years ago, naka hold din sa Philpost yung CD na pinadala sa akin ng isang Online Casino site nuon para madownload yung platform nila. Kailangan ko pang magpakita sa Philpost at magbayad ng storage fee para makuha yung CD na hindi ko naman nagamit. Same din pag may ipapadala sa yo tokens or physical Bitcoins, nakahold sa Philpost.
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
Parang balak ko din bumili ng Ledger Nano or Trezor, depende kung anong magandang pag keep. Currently ang gamit ko is a cold storage laptop. Yung hindi ko na masyado ginagamit na laptop and I have wallet backups incase masira yung laptop. Hassle lang yung kailangan ko ng mag transact and I need that laptop.

Any updates OP kung nakuha mo na?
copper member
Activity: 896
Merit: 110
Mukhang misunderstanding ata ito though. After doing quick research, mukhang ang hinihingian ng OMB ay mga CDs, DVDs, and such. Something something anti-piracy bullshit nila siguro.
Sabi sa official web ng OMB

Quote
1. Importation/Exportation, done by individuals, of optical media, namely compact discs (CD), video compact discs (VCD), digital versatile discs (DVD), as well as video home system tapes (VHS), and betamax tapes, for personal consumption, shall no longer require a license from the Optical Media Board. The mentioned importation or exportation done by individuals shall be presumed to be for personal consumption, provided that said individual imports/exports, in a single shipment, only six (6) pieces or less of the items mentioned in the previous paragraph.

https://www.omb.gov.ph/services/importation-exportation-guidelines

Di na pala kailangan ng license. Kaya siguro madali na rin maka order ng mga physical albums from abroad.
Meron pa kayang betamax?  Smiley

Kay OP naman, makukuha mo rin yan sunod ka na lang sa kanila at wag kalimutan ang mahiwagang PERA. Yan lang naman kailangan nila sayo. Siguro nga dineclare na Media Device yung Ledger mo kaya syempre SOP ng taga Customs forward sa OMB. Mukhang kailangan na rin mag update ng mga rules and regulations ang mga ahensya naten lalo na sa pag usbong at pag unlad ng digital world.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
Minsan mas mura fee ko minsan mas mahal. Minsan pag mas nakachamba pa, imbis na kukunin ko sa post office e dinala na nila sa bahay.  Grin Kaya mejo chambahan lang talaga.
Basta DHL yung ginagamit ko always na re'received ko yung parcel sa bahay, never pa ako pumunta sa post office para kunin yung item. Maliban nalang sa philpost, di na nga dini'deliver sa bahay namin yung item, worst support--mag reply man take week/s, tapus may fee pa once kukunin ko sa post office nila which is badtrip talaga.

akala nila usb yan, hindi ba pwedeng email mo sila at explain mo sa kanila na hindi yan usb at iba ang gamit niyan sabihin mo nalang hardware wallet yan.
AFAIK ledger nano's description talaga sa shipment is USB/Flash drive, mahirap yan i'explain sa mga walang alam sa crypto/harware wallets.
sr. member
Activity: 656
Merit: 250
Bat kaya kilangan pa niyan ganyang permit anong konek ng OMB sa ledger nano? Raket na naman siguro o sadyang ignorante lang talaga sila na akala nila usb yan, hindi ba pwedeng email mo sila at explain mo sa kanila na hindi yan usb at iba ang gamit niyan sabihin mo nalang hardware wallet yan.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
Di ko alam if kailan nila yan pinatupad na ganyang anu.

Most likely na this system has already been implemented for more than a year already. Mejo minalas lang ata si OP na napag diskitahan sya. Customs are always a hit or miss in the first place. Minsan mas mura fee ko minsan mas mahal. Minsan pag mas nakachamba pa, imbis na kukunin ko sa post office e dinala na nila sa bahay.  Grin Kaya mejo chambahan lang talaga.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
I have ordered many times from ledger, from 2017, at tsaka recently I just received yung colored version nila last month lang din mga 2nd week siguro using DHL din pero never ako naka encounter ng problem. Di ko alam if kailan nila yan pinatupad na ganyang anu. Basta talaga pera gagawan ng paraan makapag anu lang. Tsk.

If I encounter this in the future di ko alam if anung postal service gagamitin ko, sawa na din kase ako sa philpost, ilang parcels na di umaabot papunta sakin, tsaka sandamakmak yung complains in their social media platform, nakaka badtrip talaga pag ganyan.

Anyway just follow nalang yung suggestions above.
jr. member
Activity: 132
Merit: 7
grabe hahaha kaya tip pala sa mga balak umorder pag may waybill na yung order nyo kahit wala pa sa manila mag request na daw ng  OMB clearance  pwede naman daw bsta may waybill na 150 pesos ang fee
yung pinaka problema talaga dito yung charge sa storage grabe grabe  Undecided Undecided

Wala tayong magagawa jan idol. Pilipinas eh. 🤷‍♂️

Suggestion ko lang boss, pag bibili ka sa online na galing abroad, next time idaan mo nalang sa ShippingCart[1]. Kumbaga dun mo ipapadala item mo, tapos saka dadalhin ng ShippingCart ung item mo dito sa Pilipinas. Fee mo is roughly around P1000 (depending on item size), pero hindi ka na magbabayad sa customs; iwas na sa mga ganyang kalokohan. Tapos deretso na sa bahay mo di mo na kukunin sa post office.


[1] https://www.shippingcart.com/

wow mukhang maganda nga po dyan salamat po sa tip master  Cheesy update ako kung magkano lahat ng magiging fee hahaha
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
grabe hahaha kaya tip pala sa mga balak umorder pag may waybill na yung order nyo kahit wala pa sa manila mag request na daw ng  OMB clearance  pwede naman daw bsta may waybill na 150 pesos ang fee
yung pinaka problema talaga dito yung charge sa storage grabe grabe  Undecided Undecided

Wala tayong magagawa jan idol. Pilipinas eh. 🤷‍♂️

Suggestion ko lang boss, pag bibili ka sa online na galing abroad, next time idaan mo nalang sa ShippingCart[1]. Kumbaga dun mo ipapadala item mo, tapos saka dadalhin ng ShippingCart ung item mo dito sa Pilipinas. Fee mo is roughly around P1000 (depending on item size), pero hindi ka na magbabayad sa customs; iwas na sa mga ganyang kalokohan. Tapos deretso na sa bahay mo di mo na kukunin sa post office.


[1] https://www.shippingcart.com/
jr. member
Activity: 132
Merit: 7
3-5 working days to process daw yung request pero sabi kanina nung tumawag sa friday daw tatawag sila kung nakakuha na ko o hindi hmm  Huh Huh

3-5 working days to process ung request pero maccharge kana agad ng VAT + PHP 664.38 minimum 3 days after arrival. hahaha. Naka easy money nanaman sila jan a. Wala talagang way para maka lusot sa storage fee kahit angliit liit ng kahon ng Ledger. Oh well gobyerno nga naman. 🤦‍♂️

grabe hahaha kaya tip pala sa mga balak umorder pag may waybill na yung order nyo kahit wala pa sa manila mag request na daw ng  OMB clearance  pwede naman daw bsta may waybill na 150 pesos ang fee
yung pinaka problema talaga dito yung charge sa storage grabe grabe  Undecided Undecided
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
3-5 working days to process daw yung request pero sabi kanina nung tumawag sa friday daw tatawag sila kung nakakuha na ko o hindi hmm  Huh Huh

3-5 working days to process ung request pero maccharge kana agad ng VAT + PHP 664.38 minimum 3 days after arrival. hahaha. Naka easy money nanaman sila jan a. Wala talagang way para maka lusot sa storage fee kahit angliit liit ng kahon ng Ledger. Oh well gobyerno nga naman. 🤦‍♂️
jr. member
Activity: 132
Merit: 7
When I ordered a Ledger Nano S in 2017, zero problem. Pero ngayon siguro, well, as usual mukhang nakahanap nanaman ang gobyerno ng peperahan. 🤷‍♀️

Mukhang misunderstanding ata ito though. After doing quick research, mukhang ang hinihingian ng OMB ay mga CDs, DVDs, and such. Something something anti-piracy bullshit nila siguro. Baka inakala nilang parang flash drive yang Ledger Nano S. Goodluck explaining though, mahirap iexplain yan. Baka isipin pa ng customs e inuuto mo sila.

Best of luck OP.

Reddit thread with a similar topic: TIL: You need a certification from OMB for post office to release your Imported Media https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/7r5fh4/til_you_need_a_certification_from_omb_for_post/

Tip: sali ka daw sa mga pinoy KPOP fanatic groups sa fb tapos dun ka magtanong, kasi sila siguro madalas bumili ng CDs/DVDs online from abroad.

Salamat po sa pagsagot  Cheesy

Kaya nga po mukhang mahirap ipaliwanag kasi USB ang pagkakaintindi nila
may nakaita po akong thread
https://www.back2gaming.com/guides/how-to-get-an-omb-import-permit/

3-5 working days to process daw yung request pero sabi kanina nung tumawag sa friday daw tatawag sila kung nakakuha na ko o hindi hmm  Huh Huh
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
When I ordered a Ledger Nano S in 2017, zero problem. Pero ngayon siguro, well, as usual mukhang nakahanap nanaman ang gobyerno ng peperahan. 🤷‍♀️

Mukhang misunderstanding ata ito though. After doing quick research, mukhang ang hinihingian ng OMB ay mga CDs, DVDs, and such. Something something anti-piracy bullshit nila siguro. Baka inakala nilang parang flash drive yang Ledger Nano S. Goodluck explaining though, mahirap iexplain yan. Baka isipin pa ng customs e inuuto mo sila.

Best of luck OP.

Reddit thread with a similar topic: TIL: You need a certification from OMB for post office to release your Imported Media https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/7r5fh4/til_you_need_a_certification_from_omb_for_post/

Tip: sali ka daw sa mga pinoy KPOP fanatic groups sa fb tapos dun ka magtanong, kasi sila siguro madalas bumili ng CDs/DVDs online from abroad.
jr. member
Activity: 132
Merit: 7
Hello po tatanong lang po sana ako sa mga naka order ng Ledger Nano S sa official store ng https://www.ledger.com/
DHL po courier Hinarang din ba yung sainyo sa Customs at kaylangan ko daw po ng  OMB (Optical Media Board) permit/certificate para ma continue ung process saka ma release
ganito po yung email

Below processing:

 

If this will be your regular importation you are advice to call them up directly at 374-1393 to provide you the details to get a license.

If this is not a regular importation or for personal use only, you need to send a letter of intent to OMB address to Atty. Anselmo B. Adriano (Chairman of Optical Media Board).

 

Send the request via email at [email protected]

 

State the following:

Country of Origin/ Company Name

Pcs

Content (description)

Usage

 

Once original OMB received, we’ll forward this to customs for review and resume clearance process.

 

Please note that storage fee will be charged on your shipment after 3 days upon arrival of shipment at a rate of PHP 2.64 per KG / day + VAT or a minimum of PHP 664.38.

 

As agreed, we follow up again on Friday in case we don’t hear from you until tomorrow.

 

With best regards,

Vina


Hihingi lang po ako ng tips kung madali lang po ba kumuha nyan ilan days po kaya? saka yung storage fee ng DHL parang grabe minimum of PHP 664.38. per day para sa storage ng ledger ang liit liit nun haha

Salamat po sa sasagot  Grin Grin
Jump to: