Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang ngyaring hacking sa gcash app wallet, at karamihan na mga users ng apps ay sinisisi ang gcash,
Pero kalaunan ng imbestigasyon natuklasan ng CICC na ang puno't dulo pala ng pagkawala ng pera ng karamihan ay konektado sa gambling online na casino ang siyang dahilan kung bakit nagkaroon ng glitch ang kanilang mga wallet account sa gcash.
Dahil sa link na ginagamit ng mga influencers sa pagpromote nila ng sugal ay meron pala itong problema na malaking posibilidad na nagiging daan para makapasok ang mapagsamantalang mga scammer o hackers. Mukhang matatapos na ang maliligayang araw ng mga influencers na ito na grabe at todo manghype ng kanilang mga uto-utong followers na madaling kumita sa online casino. Saka bukod pa dyan ay nagkakaroon narin ng pribadong meeting ang mga lehitimong mga pasugalan tungkol sa bagay na ito, dahil karamihan naman sa mga online casino ay hindi naman kasama talaga sa listahan ng Pagcor, sapagkat ang mga lehitimong casino ay hindi naman nagpopromote sa anumang mga social apps dahil iniisip nila na madaming mga menor de edad ang makakakita, samantalang itong mga influencers na ito ay proud na proud pang ipakita at iupload ito sa Facebook na palalabasin na madali lang magsugal at sigurado ang pera pero kabaligtaran naman talaga ng kanilang sinasabi,.
Magandand balita talaga ito kung seseryosohin ito ng CICC tungkol sa sinabi nilang ito para matigil narin ang kayabangan at panlilinlang ng mga influencers na walang pakundangan pinopromote ang pagsusugal kahit na may mga menor de edad ang makapanuod.
source:
https://www.youtube.com/watch?v=Eiid-amKhkYMayroon lang akong concern regarding dito sa pangil ng CICC kasi kung maalala niyo, nuong pumutok ang lele games if di ako nagkakamali, sinabi na kakasuhan nila pero ilang months na ang nakalipas puro publicity lang ginawa nila pero wala namang nahuhuli, hindi kaya wala silang pangil sa ngaun na puro lang sinasabi pero hindi magawa, dapat pa siguro magpasa ang bill ang mga congresista para dito, kasi ang batas satin kapag namali ka for sure babalikan ka nila imbes na sila makulong ikaw pa mayayari,
Mas makakabuti dito kung makapagpasa na talaga ng batas para sa online gambling na matibay at walang butas, para hindi makawala mahirap kasi kug statement lang kasi lage puro statement wala naman nakukulong minsan nga sila pa nakakasuhan, minsan naman may suhulan pa nga ata.