Author

Topic: "[[OT]] 24Oras, pano makakatipid ng data at oras? (Read 315 times)

sr. member
Activity: 1848
Merit: 373
<------
Isa na siguro sa mga hilig ko ang makisalamuha sa iba't-ibang klase ng tao. Kasabay nito, ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan. Hindi ko masabi kung tama ba o mali subalit madalas(kung 'di man palagi) eh kinaklasipika ko ang tao batay sa kanyang pananalita o pagkilos. Dito sa forum nakakatuwang isipin na kahit abala ang karamihan sa pagkayod at pagpapalago ng ipon, lumulutang ang tunay na ugali o personalidad ng tao.

Sa sandaling panahon na ginugol ko rito, napatawa na ko ng sobra(dun sa nagbebenta ng undies nang kanyang kapatid tsaka dun sa nagaalok ng uten ng crocodile), nainis ng very hard, nalito ng tuluyan. Isa rin siguro ito sa dahilan kung bakit marami tumatangkilik dito sa forum.

Ang misyon ng post na ito eh baka pwede naman pong pashare ng mga di niyo makakalimutang post dito at iyong bread-crumbs para madaling hanapin. Sobrang nakakapanghinayang kasi ang oras na nasasayang sa pag hukay ng mga babasahing may laman.

Maraming Salamat po!

-jamyr

P.S.

Sa mga kagaya kong namumungkal ng posts at sa mga may suhestyon kung paano mas magiging madali ang pag hukay, pagpalain po kayo.
Jump to: