Author

Topic: OTC crypto exchange malaki ba pakinabang? (Read 83 times)

hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
August 30, 2023, 02:40:53 PM
#7
.////di ko pa kasi natry yan pero ita-try ko yan gusto ko yung branch nila sa Trinoma or sa City of Dreams ba yun basta malapit dun.

Pa share ng experience kabayan pag ma try mo, hehe.. Medyo malayo ako sa lugar na sinasabi, kaya no choice online transaction nalang ako.
Kapag ma try ko, sa ngayon wala pa at hindi ko pa alam kung kailan ako makakapag trade sa mismong OTC dito sa bansa natin. Okay lang naman kung online transaction dahil mas safe din naman yan at kung walang OTC sa lugar ninyo, mas mabuti nang gawin lahat ng transactions online.

Maliban sa coins.ph, madali rin namang gamiting ang p2p ng Binance.
Ok din naman ang Binance P2P basta kung saan tayo mas comfortable magtrade at tingin natin ay sulit na sulit ang exchange, doon tayo. Ang kinagandahan lang ngayon, madami dami na tayong mga choices sa mga local exchanges at ganun din sa mga hindi based dito sa bansa natin.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
August 30, 2023, 03:07:05 AM
#6
Sigurado naman na may pros and cons ang OTC crypto exchange. Pero most likely nakakatakot din kasi na makipag exchange ng ganyan kasi nga may existing expectations ang mga tao na pag crypto may pera ka so yung takot na baka mabantayan ka ng mga kawatan (snatcher or holdupper). Isang cons na naiisip ko ay yung transaction fee na panigurado mas mataas compared sa online transaction lalo na since yung privacy and anonymity kailangan assured dyan sa syempre more fee for that. As for the pros naman is mababa or walang exchange risk na involved kasi real time yung exchange at face to face nga mismo so mas alam mo yung nangyayare.

Despite the pros and cons na ito siguro maganda kung may mag share ng experience nila sa pag try ng OTC crypto exchange para may insight din tayo sa kung anong meron and if advisable ba sya.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
August 29, 2023, 06:40:48 PM
#5
Maganda naman pala talaga dyan. Pero bakit wala masyadong tao? Siguro dahil bago palang yan o baka may ibang dahilan. Para sakin kasi, kung papasok ka dyan ang mata ng mga tao ay nakakatutok sayo dahil nag-eexpect sila na marami kang pera. Alam naman natin na yung mga crypto users na maraming assets or investors hindi nagpapahalata na marami silang pera para sa kanilang safety at sa kanilang pamilya. Kaya nga maraming mga big investors sa buong mundo ang gumagamit ng Bitcoin para narin upang ma-hide ang kanilang identity. Alam naman kasi natin kapag nalaman ng isang tao na nagkicrypto ka ay akala nila mayaman ka na, kaya medyo risky kung papasok tayo sa OTC crypto exchange sa ngayon.
hero member
Activity: 2856
Merit: 667
August 29, 2023, 06:54:35 AM
#4
Yung unang kita ko ng Front main entrance ay nasagi sa isipan ko na ako ba ay papasok sa isang burol ng st. peter yun pala opisina pala ng isang exchange na tumatanggap ng Bitcoin. Pasensya na kabayan, panira kasi yung bulaklak sa entrance hehehe.  Sa ngayon, hindi pa natin masasabi kung ano ang magandang pwedeng magawa nyan na serbisyo para sa mga Bitcoin o crypto enthusiast dito sa bansa natin.
Haha, parang funeral parlor ba?

Kung mahihigitan nya ang serbisyo ng coinsph, gcash, at maya apps malamang malaki ang pwedeng maging tulong nyan sa atin hindi lamang sa mga baguhan na papasok sa Bitcoin. Meron nabang apps din yan gaya ng Gcash at Maya? Parang wala pa ata, tama ba?

From the title itself kabayan, OTC, meaning over the counter ito, parang pumunta ka lang sa bank at nagwithdraw ng pera pero need mo i send ang crypto mo para mapalitan, iba rin yung app, yan kasi kadalasan ginagamit natin.

Siguro hindi ito convenient kasi wala pang naka pag try nito dito.

.////di ko pa kasi natry yan pero ita-try ko yan gusto ko yung branch nila sa Trinoma or sa City of Dreams ba yun basta malapit dun.

Pa share ng experience kabayan pag ma try mo, hehe.. Medyo malayo ako sa lugar na sinasabi, kaya no choice online transaction nalang ako.

Maliban sa coins.ph, madali rin namang gamiting ang p2p ng Binance.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
August 29, 2023, 04:24:18 AM
#3
Malaking bagay ang OTC lalo na sa ayaw makipag transact online. Kahit sa ibang bansa may mga OTC exchanges at ang kaibahan lang naman nila ay present ka kapag magte-trade ka. Matagal ko na yang ginagamit yang moneybees na partner ng Tivoli pero madalas bumabalik balik na ako sa coins.ph. Mas magandang option lang din kasi yan kung prefer mo na pupunta ka mismo sa lugar at gusto mo on the spot na exchange. Pero parang pwede din ata mag book ng ganyan, di ko pa kasi natry yan pero ita-try ko yan gusto ko yung branch nila sa Trinoma or sa City of Dreams ba yun basta malapit dun.
hero member
Activity: 1932
Merit: 546
August 29, 2023, 02:36:41 AM
#2
Code:
https://bitpinas.com/business/moneybees-tivoli-one-ayala/

Quote
Over-The-Counter Crypto Service in One Ayala
Moneybees’ over-the-counter (OTC) crypto service in One Ayala is made possible by the recent opening of a branch of its partner Tivoli Money Exchange, a money changer service that has been operating since 1983.

“Located at the corner of Ayala Avenue and EDSA in Makati, the new intermodal transportation hub is now home to Tivoli’s latest store. Tivoli One Ayala houses Moneybees’ competitive crypto services to cater to digital currency users of all backgrounds within the vicinity,” the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)-licensed Virtual Asset Service Provider (VASP) said.

As of this writing, the four Tivoli Money Exchange branches offer Bitcoin (BTC), Ethereum (ETH), USD Tether (USDT), USD Coin (USDC), Ripple (XRP), Cardano (ADA), and other cryptocurrencies.

Hindi lang ito ang nag iisang OTC exchange pero ito na siguro ang nasa pinaka ideal na place. Para sa akin, hindi na ito masyadong need ng mga kababayan natin dahil meron na naman tayong coins.ph and iba pa. Siguro sa mga tourist, maganda siguro ito sa kanila, instead na bitcoin ATM, through over the counter nalang sila magpapalit.

Ano sa tingin ninyo ang malaking maidulot nito sa pag unlad ng crypto sa ating bansa?

Yung unang kita ko ng Front main entrance ay nasagi sa isipan ko na ako ba ay papasok sa isang burol ng st. peter yun pala opisina pala ng isang exchange na tumatanggap ng Bitcoin. Pasensya na kabayan, panira kasi yung bulaklak sa entrance hehehe.  Sa ngayon, hindi pa natin masasabi kung ano ang magandang pwedeng magawa nyan na serbisyo para sa mga Bitcoin o crypto enthusiast dito sa bansa natin.

Kung mahihigitan nya ang serbisyo ng coinsph, gcash, at maya apps malamang malaki ang pwedeng maging tulong nyan sa atin hindi lamang sa mga baguhan na papasok sa Bitcoin. Meron nabang apps din yan gaya ng Gcash at Maya? Parang wala pa ata, tama ba?
hero member
Activity: 2856
Merit: 667
August 29, 2023, 12:32:20 AM
#1

Jump to: