Author

Topic: P2P Scam Attempt (Read 202 times)

hero member
Activity: 1512
Merit: 605
Bitcoin makes the world go 🔃
July 20, 2024, 02:02:53 PM
#13
What if hindi ni released ni Seller (crypto nya) bukod sa ma freeze yung funds nya anong pwede pang mangyari sa kanya?

Freeze ng account ang pinaka worst case scenario since naka escrow sa Binance yung crypto ni seller. Binance ang magrerelease ng funds sa mg victim if ever proven na may scam involved sa seller.


Quote
One time naka encounter ako naka double send sya ng paymaya binilik ko naman yung pero may bawas dahil sa fee na binawas ko, ngayon nag report sya kay Binance at nahold. Ang ginawa lang ni Binance ay pinagbayad ako ng kulang at yung account ko okay na ulit. What malaki yung kulang as is parin kaya? walang ban na mangyayari? Magkaiba yung hold sa ban pero parang ganun na rin yun d b? Haha

May ban yata kapag madami ka ng bad review mga user lalo na yung mga nag scam attempt tapos nireport sa Binance since sobrang strict ng Binance pagdating sa mga scam.  Kaya mapapansin mo na mababa lng ang crypto funds ng mga scammy seller tapos kadalasan ay gumagamit sila ng fake identity para easy throw account. Madami na akong nareport na scammer lalo na mga pesonet user. Hehe
sr. member
Activity: 1638
Merit: 364
https://shuffle.com?r=nba
July 20, 2024, 08:18:08 AM
#12
P2P ang ginagamit ko sa cashout walang nang iba. Dati Coins.ph yung sa Security Bank ngayon wala na ata. Basta nung nagkaroon ng P2P sa Binance ito na ginamit ko, pero may mga tanong parin ako sa P2P (What if ba).

What if hindi ni released ni Seller (crypto nya) bukod sa ma freeze yung funds nya anong pwede pang mangyari sa kanya?

One time naka encounter ako naka double send sya ng paymaya binilik ko naman yung pero may bawas dahil sa fee na binawas ko, ngayon nag report sya kay Binance at nahold. Ang ginawa lang ni Binance ay pinagbayad ako ng kulang at yung account ko okay na ulit. What malaki yung kulang as is parin kaya? walang ban na mangyayari? Magkaiba yung hold sa ban pero parang ganun na rin yun d b? Haha
legendary
Activity: 1554
Merit: 880
Wallet transaction notifier @txnNotifierBot
July 19, 2024, 11:26:08 AM
#11
Kahit pala sa P2P parang feeling mo hindi ka pa din safe, nagulat ako nung nakita ko to kasi pwede ka pala gumamit ng mismong sms provider nila at gamit pa mismong gcash hindi kaya insider job ito or just breach na naman sa information nila tsaka parang kaduda naman na allowed sila gamitin ung ginagamit ni gcash for sms if kaya nila gawin to for sending funds na ma fake is for sure kaya din nila mag manipulate ng mga OTP, kaya minsan di nako nag p2p eh at least direct na sa wallet ko para less hassle if safe paba or hindi, will watch this thread if paano nila nagawa yun.
Mas malaki naman talaga ang chance na ma scam sa p2p transactions kaya maraming awareness, notes and knowledge ang always ginagawang reminder para makaiwas sa mga ganyan. Unlike sa direct business merchant service ang pag bili ng crypto.

Ang strategy na ito ay easier sa mga international sms provider service na pwedeng makapag gamit ng custom name ng sms or you call it sender id. Kase if local sms provider ito, di magagawa ang ganyang bagay since need ng business docs bago ka ma approved sa ganitong sms name (experienced it before). You received it like the same sa  sms thread ng Gcash since the same ang name nila so parang na merge lang sila. Hindi ito insider job or breach of data since its simple tactics at loophole sa sms. If ever man na breached yan, no need na mag send ng sms rekta bawas agad sa balance ng user ang gagawin nila.

Best thing to check talaga, first is sa sms, then in-app notification (sa notification panel), and lastly sa app mismo to verify na received na exact amount.
hero member
Activity: 2618
Merit: 612
July 17, 2024, 08:41:19 AM
#10
Oo, napakadelikado na now ang mga ganitong scam, lalo na't parang nagiging mas sophisticated na ang mga modus operandi nila. Ang pag-hack at fake verification ay talagang serious problem, at totoo rin na may mga syndicate nagtutulungan para makapanloko.

Tungkol sa NTC, mahirap sabihin kung direct may kapabayaan sila, pero dapat talaga may mas mahigpit na regulation at monitoring sa ganitong klase ng mga services. Malaki rin ang papel ng mga companies tulad ng Binance at GCash sa pagpapatupad ng mas mahigpit na security measures para protektahan ang kanilang mga user.
legendary
Activity: 1806
Merit: 1437
Wheel of Whales 🐳
July 17, 2024, 07:11:15 AM
#9
Kahit pala sa P2P parang feeling mo hindi ka pa din safe, nagulat ako nung nakita ko to kasi pwede ka pala gumamit ng mismong sms provider nila at gamit pa mismong gcash hindi kaya insider job ito or just breach na naman sa information nila tsaka parang kaduda naman na allowed sila gamitin ung ginagamit ni gcash for sms if kaya nila gawin to for sending funds na ma fake is for sure kaya din nila mag manipulate ng mga OTP, kaya minsan di nako nag p2p eh at least direct na sa wallet ko para less hassle if safe paba or hindi, will watch this thread if paano nila nagawa yun.
sr. member
Activity: 1638
Merit: 364
https://shuffle.com?r=nba
July 15, 2024, 06:52:55 PM
#8
https://talkimg.com/images/2024/06/24/hYzcH.jpeg
...
Hindi ko alam kung papano nilang nagawa na gawing Gcash din ang name nila sa SMS.
Kahit gumagamit ng registered alphanumeric sender ID ang GCash, unfortunately pwede pa rin ito ma bypass [mahirap pero posible] through the use of application-to-person messaging [also known as A2P]... Maaring na-compromised ang A2P provider na ginamit ng mga scammer or hindi nila ginagawa nang maayos yung trabaho nila [e.g. verification parts on A2P's end]: Scammers can slip fake texts into legitimate SMS threads

Siguro hindi lang isa ang gumagawa nito, para nang sindikato or grupo na ata ito. Nakakatakot lang kasi pati Binance na ba-bypass nila sa verification, pero hindi na rin kasi nakakagulat kasi talamak na rin naman na ang fake verification, may iba panga nag ooffer ng service ng KYC verification at may iba din na binibenta yung account sa Binance, pero pinaka common is na hack yung account. Pag ganito ba is parang may kapabayaan din ang NTC kaya nangyayari yung nga ganyan?
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
June 25, 2024, 03:59:57 AM
#7
Yup, pedeng i spoof ang mga legit names na yan.

Dami na nangyari dito sa min nyan, may na scam, nawalan ng access dahil kuno bibigyan ka ng 10,000 PHP sa wallet. Pero obvious naman na scam yan kaya wag basta basta magtitiwala sa mga natatanggap na messages talaga.
hero member
Activity: 3052
Merit: 685
June 25, 2024, 03:45:45 AM
#6
Merong mga sms gateway dito sa Philippines, ito ay isa sa alam ko. https://semaphore.co/

Diyan pwede kang mag register kung anong gusto mong name at magbayad ka lang sa pag purchase ng credits, kaya lang kung name like GCASH, not sure kung allowed nila kasi hindi naman automatic ma approve ang SMB gateway pag mag apply diyan, may ilang days pang processing period.

Pero tama ka kabayan, mas mabuting sa balance mismo i check bago mag release, at saka wag basta transact ng sino sino, tingnan mo yung maganda ang completion percentage.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
June 25, 2024, 02:16:14 AM
#5
https://talkimg.com/images/2024/06/24/hYzcH.jpeg
...
Hindi ko alam kung papano nilang nagawa na gawing Gcash din ang name nila sa SMS.
Kahit gumagamit ng registered alphanumeric sender ID ang GCash, unfortunately pwede pa rin ito ma bypass [mahirap pero posible] through the use of application-to-person messaging [also known as A2P]... Maaring na-compromised ang A2P provider na ginamit ng mga scammer or hindi nila ginagawa nang maayos yung trabaho nila [e.g. verification parts on A2P's end]: Scammers can slip fake texts into legitimate SMS threads
hero member
Activity: 1218
Merit: 563
🇵🇭
June 24, 2024, 10:46:20 AM
#4
Naglagay pa nga ng message sa gcash message yung scammer para magmukhang convincing yung sms scam message nya. Ayaw lumaban ng patas ng mga scammer na ito kaya lahat gagawin para magka easy money.

 Sim card at its finest talaga sa Pinas. Kala ko wala ng maglalakas loob mang scam gamit ang sms kung magkaka KYC na ang mga sim yet business as usual pa dn ang mga scammer.  Cheesy

Sobrang daming ways ng mga scammer sa P2P. May nkita sn ako dati na gumamit ng edited bank receipt tapos pesonet daw gamit kaya 24hrs ang waiting time,  Cheesy
copper member
Activity: 3010
Merit: 1284
https://linktr.ee/crwthopia
June 24, 2024, 10:18:59 AM
#3
Nakakagulat naman na kaya nilang gawin yan. Sobrang nakakalungkot talaga na umaabot talaga sa ganyan para lang sila makakuha ng pera. Sa mga maling paraan pa para kumita. Sobrang hindi maganda ang ganitong pamamaraan.

Na check mo ba yung rate nya ng trades? Like kung gaano siya ka dalas mag trade at completion rate nya OP?
hero member
Activity: 2786
Merit: 705
Dimon69
June 24, 2024, 09:24:53 AM
#2
Kaya talaga dat sa mismong wallet nagchecheck ng balance since sobrang daming scammer ngayon. Ireport mo sa Binance yung account nya then sa Gcash din tapos iattached mo yung screenshot para mablock nila yung funds nitong scammer na ito.

Sa pagkakaalala ko ay SMS spoofing ang tawag dito na kayang ihack ng scammer ung sms provider para icahnge yung number nila parang business number.

https://www.sinch.com/blog/what-is-sms-spoofing/
sr. member
Activity: 1638
Merit: 364
https://shuffle.com?r=nba
June 24, 2024, 09:21:49 AM
#1


Mag ingat sa pag-gamit ng P2P or pag release ng balance sa P2P. Aakalain mong legit GCash ang nagsend nito sakin pero hindi ito galing sa GCash. Hindi ko alam kung papano nilang nagawa na gawing Gcash din ang name nila sa SMS.

Buti nalang ay inuugali kong icheck ang balance ko sa mga e-wallet ko bago ako mag release, at hindi ako bumabase sa mga na rereceived kong mga SMS. Pinost ko ito sa Facebook at meron rin naka encounter na ganito. Naranasan nyo na rin ba ito? Ito nga pala ay nangyari sa Binance.
Jump to: