Author

Topic: Paalala lang ulit... (Read 262 times)

jr. member
Activity: 73
Merit: 7
July 29, 2023, 03:19:10 PM
#14
Sobrang daming scammer ngayon. Sana pag aralan mabuti yung papasukin project para di mabiktima ng mga ganito, sumugal siya masyado at nagalaw pa ang pera na hindi naman dapat galawin dahil hindi naman sa kanya yun. Sa hirap ng buhay talagang kumapit na siya at di na nakapag isip ng maayos. Condolence po sa pamilya niya.
sr. member
Activity: 1918
Merit: 370
February 19, 2022, 12:08:24 PM
#13
Long time no see mga kabayan. Matagal tagal ding nagpahinga sa posting since nagpandemic, dami ding sinubukan na ibang way sa crypto like p2e, nft, etc.

Ang take ko dito is, mapatotoo man to or hindi, ang dating talaga sa mga pilipino ng crypto ay sugal or gambling. Madalas ko makita kahit sa mga post ng mga kaibigan ko sa facebook eh " kung pwede na daw ba maginvest sa ganitong coin dahil aangat na daw " , " pwede ba pasukin tong laro na to dahil baka maging katulad ng axie" yung mga ganitong tao eh yung nag ririsk talaga na wala silang knowledge, sabay lang sa trend kumbaga. Nagiging normal na sakin  yung mga ganitong pangyayari, pero di ko maisip kung bakit kailangang buhay ang pinambabayad nila  Undecided
sr. member
Activity: 2436
Merit: 455
February 19, 2022, 09:07:30 AM
#12
So kaninang umaga may nabasa ako biktima nanaman ng isang project na nag-rugpull nung katatapos lang na Valentines Day. Ang problema nung tao ay hindi niya pala pera yung pinasok at nasunog (mukhang malakihan). Ang malungkot pa nito ay hindi niya daw nakayanan yung kahihiyan at lungkot kaya nagpasya na lang kunin sarili niyang buhay.

Maaring totoo ang kwento o hindi. Ganun pa man, isa na yan sa dapat natin ipaalala sa mga kakilala natin na bago pa lang o gusto pumasok sa crypto. Maliban sa pagigng mapanuri, dapat sariling pera ang gamitin at huwag na huwag mangutang.

NFT ba 'to kabayan? kasi napakarami talagang NFT na parang ponzi scheme lang talaga, ginawa lang para magpahype ng ilang linggo tapos sabay rug pull. So ang ending, yung mga baguhan, sila yung maiiwan at maiipit ang pera, nakakalungkot lang na yung iba eh hindi kinakaya yung depression na hatid nito.

Meron rin namang Altcoin na nagrurug pull, katunayan may nakita rin ako sa twitter, live na nasaksihan ng isang crypto enthusiast yung paglagapak nung isang coin. Kaya dapat talaga hindi padalos-dalos sa pag-iinvest sa cryptocurrency.
hero member
Activity: 2716
Merit: 552
February 17, 2022, 12:49:12 PM
#11
Dami kong nababasa na umutang ng pera pang Axie, tapos masscam lang sila through typical phishing sites. 😬

Dami ko din nakitang ganyan at may mga nag papa loan pa, na gagamitin mo yung Axie nila tapos ipang bayad mo yung SLp na ma earn mo hanggang sa matapos mo mabayaran ang amount ng isang team ng Axie. I don't know If it works pero parang hindi tama eh lol.
Anyway, I agree na meron talagang mga tao na malaki ang risk appetit pag pera pinag uusapan, kaso nga lang may mga taong risk taker kaso naninigurado, may risk taker din na basta basta nlng bumibitaw ng pera kahit utang dahil sa hype na narining lagay agad ng pera.
Kahit siguro anong paalala gawin natin pag ang greed na ang mag didikta talagang papasok at papasok yung tao kahit hindi nya masyado bihasa kung ano ang pinasok nya.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
February 17, 2022, 10:33:28 AM
#10
Nakakalungkot namang pangyayari yan, hindi naman sa paghuhusga pero sana inisip niya muna yung mga kapakanan niya or ng maiiwang pamilya. Yung utang mababayaran at mapapakiusapan pa yung inutangan pero kung kikitilin mo sarili mo ikaw lang mismo nagsabi na wala ng ibang solusyon. Sana maging silbing aral ito sa iba pa nating mga kababayan.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
February 17, 2022, 09:58:43 AM
#9
So kaninang umaga may nabasa ako biktima nanaman ng isang project na nag-rugpull nung katatapos lang na Valentines Day. Ang problema nung tao ay hindi niya pala pera yung pinasok at nasunog (mukhang malakihan). Ang malungkot pa nito ay hindi niya daw nakayanan yung kahihiyan at lungkot kaya nagpasya na lang kunin sarili niyang buhay.
Pinoy ba yung biktima? Sinubukan kong hanapin ang balita na yan sa mga Filipino subreddits pero I had no luck [pwedeng pakishare ang link para makita din namin ang pangalan nung project?]... I really hope rumor lang ito.
- Naalala ko tuloy yung ngyari dati sa Robinhood, kahit na hindi sila connected directly Cry
hero member
Activity: 2100
Merit: 562
February 17, 2022, 09:57:47 AM
#8
So kaninang umaga may nabasa ako biktima nanaman ng isang project na nag-rugpull nung katatapos lang na Valentines Day. Ang problema nung tao ay hindi niya pala pera yung pinasok at nasunog (mukhang malakihan). Ang malungkot pa nito ay hindi niya daw nakayanan yung kahihiyan at lungkot kaya nagpasya na lang kunin sarili niyang buhay.

Maaring totoo ang kwento o hindi. Ganun pa man, isa na yan sa dapat natin ipaalala sa mga kakilala natin na bago pa lang o gusto pumasok sa crypto. Maliban sa pagigng mapanuri, dapat sariling pera ang gamitin at huwag na huwag mangutang.

Yan ang problem sa marami nating kababayan, pumapasok sa isang ventures na di inaaral at nagtatanong sa mga nakakaalam, dahil indemand ang nft kaya maraming scammer ang gumagawa ng mga program na gaya nito upang makatangay ng pera ng mga taong maakit nila, kaya ingat ingat din sa mga bagong labas ng project.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
February 16, 2022, 10:58:19 PM
#7
Unfortunately nakasanayan masyado ng Pilipino ang mangutang, na parang sobrang normal lang. Idagdag pa natin ung ugaling pag invest kahit walang alam kung saan nila ipapasok ung pera, disaster talaga sa huli. Dami kong nababasa na umutang ng pera pang Axie, tapos masscam lang sila through typical phishing sites. 😬
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
February 16, 2022, 08:08:32 PM
#6
Akala kasi ng iba sigurado na yung perang kikitain kaya hindi nagdadalawang isip kahit ipanghiram yung puhunan na gagamitin. Nakakalungkot lang na marami pa ring investors ang hindi natututo o hindi maingat sa pinapasok nilang investment. Alam naman natin na hindi na bago ang ganitong problema dahil kapag ikaw ang nasa sitwasyon malamang talaga na ma depress ka at maging hopeless lalo na kung malaking pera ang ipinasok at worse ay utang pa.

Kaya importante na mag research muna tayo sa papasukin nating investment at wag mangutang para lang may ma pang invest.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
February 16, 2022, 07:07:19 PM
#5
Nakakalungkot kapag may nababalitaan akong tinatapos sariling buhay nila. Wala ng pag-asa para sa kanila at saka mali naman din talaga na gamitin ang pera na hindi sayo sa pag invest. Kaya ako kapag may kumakausap sa akin na personal tapos gusto nila akong mag-manage ng pera nila. Umaaayaw ako, hindi naman ako magaling. May sarili lang din talaga akong diskarte at desisyon pero saktuhan lang din naman ang kita. At sa mga mahihilig sa mga new projects, mag-ingat kayo. Hindi porket kumikita yung iba sa bagong mga projects, hindi lahat sa kanila ay legit. Mas lamang ang mga peke at mga prone sa rugpulling. Lalo na sa mga NFT games.
hero member
Activity: 1498
Merit: 547
Top Crypto Casino
February 16, 2022, 01:30:05 PM
#4
Nakakalungkot na balita yan kung totoo man yan, lalo't kaylangan nyang kitilin ang kanyang buhay dahil lamang sa pera. Pero nagtataka lang ako bakit kaylangan nyang i-invest o ipasok ang lahat ng kanyang pera sa iisang project lamang. Sobrang hindi sya ideal lalo't yung ginamit nya na pera ay utang lamang.

I guess we all know naman na when it comes to investment, tayo ay pwedeng kumita or malugi since lahat naman ng investment ay may risks na kasama. Anothing important reminder din na kapag mag-iinvest ay hindi natin dapat ilagay lahat ng pera natin sa iisang project or investment rather we need to spread our money sa iba't ibang investments.

I hope everyone will atleast learn a lesson or two about this one. Lagi rin natin tandaan na hindi natin kaylangan magpakamatay para sa pera.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1164
Telegram: @julerz12
February 16, 2022, 09:44:48 AM
#3
If totoo man yan, talagang nakakalungkot yung pangyayari. I wonder why someone like him/her would risk other people's money at sa crypto pa talaga which is known to be highly unpredictable.
Napaka common nung saying na e-invest 'lang kung ano 'lang yung kaya mong mawala yet hindi niya sinunod. I guess greed got to him or baka nasulsulan 'lang din. Tsk.
full member
Activity: 1303
Merit: 128
February 16, 2022, 07:50:05 AM
#2
Another sad news, we actually don't know the real reason pero borrowing money just to invest on a risky project is not advisable, super daming fake projects dito sa market kaya hinde worth it na sumugal ka at lalo na kung hinde mo naman ito kayang bayaran sa araw na pinangako mo.

Nakakadepress malugi ng pero lalo na kung inutang mo lang ito, kung gusto mo mas maging profitable ang investment mo better to use your own money so you can also have peace of mind and makakapag focus ka to analyze the market.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
February 16, 2022, 06:21:13 AM
#1

Jump to: