Author

Topic: Paalala mula po sa ating Bangko Sentral (BSP) (Read 364 times)

sr. member
Activity: 763
Merit: 252
marami narin akong natatanggap na ganito at kadalasan ay sa email sila umaatake. at kung may app ka nang bangko mo na naka install sa cp mo minsan may nag eemail sayo na kailangan mo daw mag update at may link doon na binibigay. aware lang tayo sa mga email natin wag na wag tayong mag cclick pag may nag bigay nang link lalo pat hindi natin hiningi. or sinalihan.
full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
https://m.facebook.com/BangkoSentralngPilipinas/photos/a.278537878876715/2910576919006118/?type=3&source=48 para po sa kaalaman ng lahat May paalala at  Security Tips mismo ng ating Bangko Sentral

Maraming salamat dito. Ngayon ko lang nalaman, mayroon din palang threat ang pagsagot ng mga hindi kilalang numero. Ang akala ko ang pagpindot lang ng mga unknown links na ang pinakamadaling paraan para maloko ang isang tao. Di ko lamang lubos maisip kung pano tayo mabibikima ng phishing sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tawag mula sa di kilalang numero. Gayunpaman, mas maigi na mag-ingat tayo, hintayin nalamang natin na magpakilala sila through text bago sagutin ang tawag. Paalalahanan din ang mga kakilala na magpakilala ng maayos bago tumawag, upang tayo ay mad makapag-ingat.
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
Sakto ito bigla sa bagong news kahapon lamang na isang 19 years old second year IT student ang napag-alamang "mastermind" sa isang "electronic Money-heist" sa ating bansa. Basically, nanghahack siya ng mga bank accounts gamit ang mga phishing sites kaya siya nakulong.

Sapat na ang mga ganitong balita para maging aware tayo sa risk na ating nararanasan sa mundo ng digital money, marahil magaling yung studyante na iyon, pero sa ginawa niya, hindi maikokonsiderang "magaling" kung ang intensyon mo ay masama.

Payo ko lang as an IT student, Check natin ang mga website minsan makikita naman sa tabi ng site kung secured ito o hindi, isang mark ay kung may makikita tayong lock sign o kaya naman ay protection by SSL.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Just got this news na yung auntie ng kaworkmate ko ay nakareceive ng tawag mula sa Red Cross daw. The caller ID matches up what should be displayed kapag yung mismong Red Cross ang tumawag, although hindi naman gawain ng NGOs na maging proactive sa panghihingi ng donations. Short story, yung tita niya ay nagsend ng around 40k doon sa sinabing account. Ang malupit pa nito ay humirit pa para sa isa pang foundation daw! Madalas na target ng ganitong mga scams ay yung mga well-off na matatanda dahil di naman na nagbabackground check ang mga iyan.

AFAIK naireport sa isang news channel yung incident although di ko sure kung saan. Basta lagi lang tandaan na hindi lahat ng may caller ID sa telepono ay legitimate na foundation. Hindi tatawag at manghihingi ng donasyon ang mga NGO.
full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
-Snip-
In this case, scamming. Hindi crab mentality umiiral dyan kundi panloloko talaga.
Besides, I doubt na yung may kakayanang gawin yan e, wala talagang makain but probably, may kaya pa nga sa buhay pero sadyang manloloko 'lang talaga.
BSP's warning will surely help pero dun 'lang sa may mga alam on how these scam works at may kapasidad na intindihin ang warning ng BSP.
Mostly sa mga nabibiktima nito ay yung mga tanga, mangmang, madaling maloko at gusto ng madaliang pera (masakit pakinggan but that's the sad truth).

Kung wala 'lang sanang magpapaloko, wala din sanang manloloko.
Maraming kababayan natin ang more on screen time ddahil  narin sa community quarantine kaya malamang maraming mga scammer a ng gumagawa din ng paraan para makapagnakaw ng  pera sa ating mga kababayan.

Dahil na rin sa walang tao at puro nasa Bahay ang mga tao kayat magmadaling makapanloko ng tao Lalo na sa online, siguro ingat na lang din tayo at share na rin ng information para maging aware.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1183
Telegram: @julerz12
-Snip-
In this case, scamming. Hindi crab mentality umiiral dyan kundi panloloko talaga.
Besides, I doubt na yung may kakayanang gawin yan e, wala talagang makain but probably, may kaya pa nga sa buhay pero sadyang manloloko 'lang talaga.
BSP's warning will surely help pero dun 'lang sa may mga alam on how these scam works at may kapasidad na intindihin ang warning ng BSP.
Mostly sa mga nabibiktima nito ay yung mga tanga, mangmang, madaling maloko at gusto ng madaliang pera (masakit pakinggan but that's the sad truth).

Kung wala 'lang sanang magpapaloko, wala din sanang manloloko.
jr. member
Activity: 41
Merit: 7
Check nyo signature ko nag raraise ako jan for charity lalo na sa panahon ngayon makikita nyo sa fb channel namin namimigay talaga kami sa stream giveaway at walang halong ka ek ekan. Ang kalaban lang jan mga crab mental pinoy. Sadyang ganyan talaga ang ibang tao gaya ni Francis Leo Marcos ba yun na tumutulong lang kasi nadadamay na kasi hindi tayo pati kamaganakan din damay. Pero alam ko madami talaga nagugutom kaya gumagawa na lang ng kasamaaan sa kapwa gaya ng pang scam para lang malagyan ng pagkain kumukulong tyan naiintindihan ko sila pero di nga dapat mang scam kahit ikamatay ko pa di ako mang scam talaga. Dapat busisihin mabuti at tingnan talaga ang gawain ng isang tao or organisasyon bago husgahan. Jan lang kayo magingat mga kabayan ko at wag manghusga sa takip ng libro ika nga.

Tama ka po. CRAB MENTALITY is what kills us. Isa 'yan sa cancerous na ugali ng mga Pinoy - I mean, literally cancerous kasi maraming mamamatay 'pag ganyan ang mindset ng ibang Pinoy. Sa kasagsagan ng krisis, imbes na tumulong ay mas pinagtutuunan pa ng pansin ng ibang tao ang manghila ng kapwa nila na gumagawa ng paraan para makatulong sa iba (set aside some government agencies na panay batikos sa ibang pulitiko na gumagawa ng paraan para makatulong).

Ewan ko ba, pero sa tingin ko, nakaugalian na talaga ng mga Pinoy na maging utak talangka dahi (1) ayaw nilang malamangan, (2) dahil sa inggit, at (3) dahil natural lang talaga na utak talangka ang iba sa atin. Imagine if lahat tayo, nagtutulungan, masarap sanang mabuhay at mabilis sanang masosolusyunan ang problema ngayon. But then, Psychology enters the group chat - LOL - wala tayong magagawa kung sadyang mapanirang puri ang ibang tao dahil magkakaiba talaga ng ugali ang bawat isa sa atin.

Kahit ako, naisip ko na ring mag-organize ng isang cause para makatulong sana sa kapwa natin na nangangailangan sa pamamagitan ng cryptocurrency donations, pero I don't think it will work in the first place dahil malamang sa malamang, iisipin talaga ng mga talangka na it will end up as a scam.

With that being said, the best way to help siguro is to donate what we have sa mga "legit and known organizations".
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
sana may matutunang lesson ang mga taong gobyerno sa sitwasyon natin ngayon, sana palakasin nila ang adoptation ng blockchain technology, lalo ngayon nag release sila ng 200B problem is pano nila ito maididistribute ng mabilis na di naman masasamantala both ng mga namamahagi nito, pati na rin mg babahaginan, dahil pareho lang naman yan may mga ordinaryong tao ding nagsasamantala sa sitwasyong di lang mga taong gobyerno.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
Marami nang scam ang nangyari sa Bansa naten through txt and phone calls, most of them will tell you that you won money from a variety show, and for me di ito masyadong effective and I’m sure naman na aware na ang mga tao sa ganitong scam pero syempre dapat paren tayo mag ingat. If you received a suspicious emails better not to open it and don’t ever download anything from unfamiliar sites.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
So far, sa tingin ko lower chance may ma biktima sila sa SMS and email phishing since maraming ayaw mag click ng link from SMS or not sure sa email though, even ako kahit di pa ako masyado security savvy(kuno) noon, di talaga ako click lang ng click sa mga emails and sms.
Ang maraming na bibiktima is website links from google or any search engine, when you search somethin tapus higher rank sa SERP yung phishing na website. Yan, maraming nabibiktima dyan, kaya please double ingat.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
Sa sobrang maoagsamantala ng ibang tao, nagagawa pa nilang mang scam ng ating mga kababayan para sa ikakaunlad nila. Wag po tayo basta basta magtitiwala lalo na ngayong may crisis kasi pwede nila itong gamitin para makapag samantala sila ng iba. Mas maganda kung siguro susundin natin ang paalala ng bsp para hindi tayo mabiktima ng mga taong mapagsamantala. Kung gusto natin tumulong ay wag tayo basta basta mag send o basta basta mag donate dapat tayong maging mautak.
Hindi na bago yan kabayan laging may mapamantalang tao, mawala man yung virus ngayon na kinakaharap natin mananatili pa rin yung mapamantala at sobrang hirap nilang sugpuin. Lahat talaga ng paraan ay kanilang susubukan para lang makapanloko ng ibang tao, marami na akong nakita na ganyan dito sa local natin maraming tulong ito para sakin dahil alam ko na agad gagawin ko pag naka encounter ako ng ganito. Tama ka dyan kabayan kung tutulong man tayo dapat doon na sa sigurado at wag agad-agad maniniwala sa mga sasabihin ng iba lalo na kung hindi mo ito kilala.

Salamat sa pagbabahagi nito, at wag na tayong mahuhulog sa ganitong klaseng scam at manatiling ligtas mga kabayan!
sr. member
Activity: 1022
Merit: 256
Sa dinami-dami ng mga pamamaraan ngayon para makapangloko, dapat kahit anong text o email na hindi natin alam o hindi natin ini-expect ay i-treat natin bilang posibleng scam. Sa ngayon, pangit man pakinggan, parang guilty until proven otherwise na ang dapat prinsipyo. Kahit naman tama ang website na napasukan natin, posible pa ring may mga links na delikado. Kahit naman naka-https://, posible pa ring may hindi kanais-nais. 
sr. member
Activity: 1498
Merit: 359
Sa sobrang maoagsamantala ng ibang tao, nagagawa pa nilang mang scam ng ating mga kababayan para sa ikakaunlad nila. Wag po tayo basta basta magtitiwala lalo na ngayong may crisis kasi pwede nila itong gamitin para makapag samantala sila ng iba. Mas maganda kung siguro susundin natin ang paalala ng bsp para hindi tayo mabiktima ng mga taong mapagsamantala. Kung gusto natin tumulong ay wag tayo basta basta mag send o basta basta mag donate dapat tayong maging mautak.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
Talagang hindi maiiwasan ung mga ganitong klase ng actibidad lalo na ngayon na merong lumalaganap na virus, nakakita ng opportunidad ung mga hackers at scammers para makapang lamang ng kapwa kaya dapat mas laliman yung kaalaman patungkol sa mga ganitong klaseng attempts. Kung
sakaling magmamagandang loob ka, mas mabuti na siguro sa government mo na lang diretso or ikaw na mismo ang gumawa ng charity works mo.
member
Activity: 308
Merit: 10
Revolution of Power
Check nyo signature ko nag raraise ako jan for charity lalo na sa panahon ngayon makikita nyo sa fb channel namin namimigay talaga kami sa stream giveaway at walang halong ka ek ekan. Ang kalaban lang jan mga crab mental pinoy. Sadyang ganyan talaga ang ibang tao gaya ni Francis Leo Marcos ba yun na tumutulong lang kasi nadadamay na kasi hindi tayo pati kamaganakan din damay. Pero alam ko madami talaga nagugutom kaya gumagawa na lang ng kasamaaan sa kapwa gaya ng pang scam para lang malagyan ng pagkain kumukulong tyan naiintindihan ko sila pero di nga dapat mang scam kahit ikamatay ko pa di ako mang scam talaga. Dapat busisihin mabuti at tingnan talaga ang gawain ng isang tao or organisasyon bago husgahan. Jan lang kayo magingat mga kabayan ko at wag manghusga sa takip ng libro ika nga.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
For texts laging tatandaan na pag-nang galing sa 11-digit number yung text message more likely is it is a scam or fraud. Ang mga texts na nang gagaling sa gobyerno ay may pangalan na kaagad at naka-rehistro na yung number nila sa cellphone natin katulad ng mga NDRMMC or PAG-ASA or kung hindi naman ay ang text ay mang-gagaling sa 4 digit number at hindi 11-digit number. And kahit kailanman ay hindi sila mag-sesend ng opisyal na impormasyon gamit ang isang normal na 11-digit number kahit gaano ka ayos or nakakakumbinsi yung message wag na wag mong paniniwalaan. Madami na ang scam na nangyayari sa text from pasa load to bank deposit and phishing scams kaya tandaan stay away from 11-digit numbers.
sr. member
Activity: 896
Merit: 272
OWNR - Store all crypto in one app.
Panigurado ay marami na sa inyo ang nakatanggap ng mga email at text messages na nanghihingi ng mga personal information. Ito ang dahilan kung bakit dapata tayong maging maingat at mapanuri lalo na't hindi naman natin masasabi agad kung legit yung pinanggalingan nito kung hindi natin titignan mabuti. Dapat maging aware tayo na maaaring ginagamit lang ito ng mga scammers/hackers para manloko, ang mga gaya nila ay hindi tumitigil sa pananamantala kahit sa panahon ng crisis kaya dapat sundin yung guide na ito para maiwasan na mabiktima.
hero member
Activity: 2058
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
@Mr. Big isn't this one needs to be merged on this thread https://bitcointalksearch.org/topic/covid-19-related-scams-5234988 it's more likely befitting there, just my two cents.



Anyways, just a recent news I've stumble I guess it on FB that one man is soliciting money for COVID-19, I can't remember his reason but it seems really fraud just like sa mga cases na nkita ko on Scam Accusations board though it's different case because it was online. And that security tip #2 no. 2 bullet was that really reassuring na kung hindi naka "https" ang isang site at pwedeng scam na and most can't really tell if they are legit lalo na kung "https" naman yung site, that feature of a site can be bought easily, you know fraud artists. Just sharing an opinion though, stay safe from the virus and online as well since most people are flocking onto it right now and these frauds take advantage of it.
sr. member
Activity: 1358
Merit: 326
https://m.facebook.com/BangkoSentralngPilipinas/photos/a.278537878876715/2910576919006118/?type=3&source=48 para po sa kaalaman ng lahat May paalala at  Security Tips mismo ng ating Bangko Sentral para maging aware at ligtas ang lahat lalo sa dinaranas natin ngayong krisis dulot ng Covid-19 at batid naman natin na ginagamit ito ng mga masasamang tao upang makapang biktima Lalo na yong mga kababayan nating may mga bank accounts at may mga cryptocurrency sa kanya kanya nating mga wallet.





“Stay safe, po sa lahat.”
Jump to: