Kaya ako mas pinipili ko yung nagpapakita ng interes at may kusa magtanong. Mahirap kasi ipilit at baka masisi pa incase yung expectation nila eh hindi nangyari.
Medyo delikado din na yung emphasis sa benefits ang mangyayare kasi usually ang mga tao (lalo na yung malaki yung pangangailangan) once marinig yung benefits na makukuha nila halos hindi na makinig sa mga susunod na sasabihin mo (which are usually the cons and risks) kaya naman minsan ikaw pa yung masisisi pag yung benefits na nasabi mo sakanila hindi nila nakuha. Kaya mas maganda talaga na yung explanation naka outline like eto yung benefit number one pero eto rin yung consequence and risk na pwede mangyare na naka align dun.
Medyo masaklap yung ganung sitwasyon kasi alam naman natin na ang gusto lang natin makabahagi ng konti nating kaalaman
pero yung point na nag effort ka na tapos ikaw pa yung nasisi.
Yun talaga yung hindi maganda parang ansarap kutusan nung mga taong ganun, kasi alam naman dapat nila na bago sila pumasok sa
ganitong negosyo dapat inaalam nila yung risk.
Pero ugali na talaga ng tao yan, yung ayaw tumanggap ng mali at hahanap at hahanap ng butas para makapag dahilan sa sablay nila.