Author

Topic: Paano kaya pag ma-hacked si Coins.Ph? (Read 766 times)

hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
October 02, 2019, 10:09:48 AM
#66
Imposible pang mangyari yan. Hindi naman ganun ka interesado ang mga pinoy pagdating sa IT World eh, atska medyo lazy ang ugali ng mga pinoy, kaya bibihira dito ang may alam pagdating sa hacking. Alam naman natin lahat na ang mga pinoy eh mas gusto ang easy money, kaya hindi ko maiimagine na ang coins.ph eh matutulad sa Binance.
Remind Lang kita Kabayan na ang nang hacked sa Pentagon ang piñaka secure na Lugar sa Buong mundo ay “Pinoy” at hindi matatawaran ang kakayahan ng Filipino pagdating sa technology,and besides Hindi lang naman Pinoy ang Magkaka interest mang hacked sa Coins.ph

And remember mga hackers ng ATM machines dito satin ay mga Dayuhan at May mga nahuhuling crypto criminals from abroad na dito nagtatago
Quote

Hindi din magkakainteres ang ibang hacker dahil maliit lng na exchange ito kumpara sa iba.
Sa tingin ko hindi ganon kaliit ang Ma hahack nila sa Coins.ph tsaka kahit Medyo maliit kung mahina naman ang security Baka patulan din nila

Panalngin nalang natin na sana hindi mangyari dahil sadyang napakalaking kasiraan sa larangan ng Crypto di Lang sa PINAS kundi sa buong mundo na din dahil domino effect sigurado
sr. member
Activity: 882
Merit: 260
October 02, 2019, 09:02:50 AM
#65

Sa mundo ng online at cryptocurrency, iisa lang ang sigurado: walang ligtas kahit kanino laban sa mga magagaling na mga hackers na walang ibang ginagawa kundi makapasok sa mga malalaking exchanges at makakuha ng maraming milyon. Gaya ng nangyari sa Binance ilang araw pa lang ang lumipas. Di natin akalain na ang isang malaki at tanyag na exchange tulad ng Binance ay mabiktima ng isang hacking na nagresulta sa pagkawala ng mahigit $40 milyong dolyar.

Napaisip tuloy ako: paano na lang kaya kung ma-hack din si Coins.ph tiyak na maging isa itong malaking dagok sa mundo ng cryptocurrency dito sa Pilipinas kasi marami ng Pinoy ang umaasa sa serbisyo nito...

Kaya umaasa ako sa Coins.Ph na doblehin pa ang kanilang seguridad para sa kapakanan ng mga gumagamit nito at para na rin sa kanilang patuloy na negosyo.

Sa tingin mo, ano-ano ang mga bagay na makatulong tayong mga Coins.Ph users para sa kaligtasan nito?

Sa tingin ko naman mahigpit ang security ng coins.ph at malabong mahack ng mga hacker pero kung saka sakaling mahahack man ang coins.ph sigurado akong maraming pinoy ang madidissapoint at baka hindi na muna maglagay ng pera sa coins.ph at pumili nalang ng iba pang trusted wallet gaya ng blockhain.
sr. member
Activity: 1358
Merit: 326
October 02, 2019, 07:51:30 AM
#64
Kung tayong mga user lang ng Coins.ph sa tingin ko wala tayong maitutulong dito para maiwasan ang mga ganitong scenario wala kasi tayong control o alam kung paano nila pinapatakbo ang system nila tanging sila lamang ang may alam nito. Pero panigurado aware sila sa mga ganitong eksena kaya nakahanda o naka monitor yung mga yan 24/7.

hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
October 02, 2019, 04:24:18 AM
#63
Kung mahack man si coins.ph, malamang maghahanap sila ng alternative way para magamit pa rin ang bitcoin at mabawi ang mga nawala sa kanila at syempre ayon nga lang mawawalan sila ng tiwala kay coins.ph.
Panigurado yan na maraming mawawalan ng tiwala sa kanila pero ganun pa man, no choice pa rin tayo kasi sila yung pinaka dabest service na local exchange sa bansa natin. Wala pa rin tayong nakikitang katapat nila kaya kung ma hack man sila (wag naman sana), sila at sila pa rin gagamitin natin. Sa ngayon, hindi ko na iniisip na mahahack sila kahit na lumalago na yung business ni coins at padami ng padami partners at users nila, meron sigurong mga nag-momonitor sa kanila at malaki at mas nag-iinvest naman na siguro sila sa security.
hero member
Activity: 2086
Merit: 501
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
October 02, 2019, 12:18:57 AM
#62

Sa mundo ng online at cryptocurrency, iisa lang ang sigurado: walang ligtas kahit kanino laban sa mga magagaling na mga hackers na walang ibang ginagawa kundi makapasok sa mga malalaking exchanges at makakuha ng maraming milyon. Gaya ng nangyari sa Binance ilang araw pa lang ang lumipas. Di natin akalain na ang isang malaki at tanyag na exchange tulad ng Binance ay mabiktima ng isang hacking na nagresulta sa pagkawala ng mahigit $40 milyong dolyar.

Napaisip tuloy ako: paano na lang kaya kung ma-hack din si Coins.ph tiyak na maging isa itong malaking dagok sa mundo ng cryptocurrency dito sa Pilipinas kasi marami ng Pinoy ang umaasa sa serbisyo nito...

Kaya umaasa ako sa Coins.Ph na doblehin pa ang kanilang seguridad para sa kapakanan ng mga gumagamit nito at para na rin sa kanilang patuloy na negosyo.

Sa tingin mo, ano-ano ang mga bagay na makatulong tayong mga Coins.Ph users para sa kaligtasan nito?

Kung mahack man si coins.ph, malamang maghahanap sila ng alternative way para magamit pa rin ang bitcoin at mabawi ang mga nawala sa kanila at syempre ayon nga lang mawawalan sila ng tiwala kay coins.ph.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
October 01, 2019, 08:43:47 PM
#61
Kung mahahack man ang coins.ph sigurado akong maraming mga user nito ang mawawalan ng bitcoin dahil ang puntirya ng mga hacker ay ang mga pera natin which ia the bitcoin kaya ang payo ko lang if isa ka sa mga nag-iimbak ng bitcoins at iba pang altcoins make sure na gumamit pa ng ibang alternative way na wallet para ikaw ay mas maging safe kasi hindi natin alam kung kailann mahahack ang isang system depende sa pangangalaga nila at taas ng security.
sr. member
Activity: 812
Merit: 262
October 01, 2019, 06:08:50 PM
#60

Sa mundo ng online at cryptocurrency, iisa lang ang sigurado: walang ligtas kahit kanino laban sa mga magagaling na mga hackers na walang ibang ginagawa kundi makapasok sa mga malalaking exchanges at makakuha ng maraming milyon. Gaya ng nangyari sa Binance ilang araw pa lang ang lumipas. Di natin akalain na ang isang malaki at tanyag na exchange tulad ng Binance ay mabiktima ng isang hacking na nagresulta sa pagkawala ng mahigit $40 milyong dolyar.

Napaisip tuloy ako: paano na lang kaya kung ma-hack din si Coins.ph tiyak na maging isa itong malaking dagok sa mundo ng cryptocurrency dito sa Pilipinas kasi marami ng Pinoy ang umaasa sa serbisyo nito...

Kaya umaasa ako sa Coins.Ph na doblehin pa ang kanilang seguridad para sa kapakanan ng mga gumagamit nito at para na rin sa kanilang patuloy na negosyo.

Sa tingin mo, ano-ano ang mga bagay na makatulong tayong mga Coins.Ph users para sa kaligtasan nito?

Kaakibat ng pagkakaroon ng cryptocurrency sa ating bansa ang pagkakaroon ng digital wallet at isa na rito ang sikat at friendly user na si Coins.Ph. Ito ang tumutulong sa mga bitcoin and crypto users para mapanatili at itago ang kanilang mga earnings at investment. Ang problema sapat ba ang seguridad nito? Isa sa mapapayo ko ay panatilihing wag ibigay ang private information ng iyong digital wallet at iba pang information dahil ito ang basic na gagamitin mo para maaccess ang iyong wallet.
member
Activity: 616
Merit: 18
📱CARTESI 📱INFRASTRUCTURE FOR DAPPS
September 28, 2019, 12:25:19 AM
#59

Sa mundo ng online at cryptocurrency, iisa lang ang sigurado: walang ligtas kahit kanino laban sa mga magagaling na mga hackers na walang ibang ginagawa kundi makapasok sa mga malalaking exchanges at makakuha ng maraming milyon. Gaya ng nangyari sa Binance ilang araw pa lang ang lumipas. Di natin akalain na ang isang malaki at tanyag na exchange tulad ng Binance ay mabiktima ng isang hacking na nagresulta sa pagkawala ng mahigit $40 milyong dolyar.

Napaisip tuloy ako: paano na lang kaya kung ma-hack din si Coins.ph tiyak na maging isa itong malaking dagok sa mundo ng cryptocurrency dito sa Pilipinas kasi marami ng Pinoy ang umaasa sa serbisyo nito...

Kaya umaasa ako sa Coins.Ph na doblehin pa ang kanilang seguridad para sa kapakanan ng mga gumagamit nito at para na rin sa kanilang patuloy na negosyo.

Sa tingin mo, ano-ano ang mga bagay na makatulong tayong mga Coins.Ph users para sa kaligtasan nito?

Coins.ph pa naman ang ginagamit halos ng mga Pilipino. Kapag nahacked and coins.ph ay maraming mga pinoy ang magdudusa at sa tingin ko mas lalong hihigpit ang batas sa mga exchanges dito sa Pilipinas para pagtuunan nila ang security. Pero kung mahack man ang coins.ph, magandang aral ito sa mga kapwa natin Pilipino na wag mag tatabi o magiimbak ng pera sa mga exchanges.
hero member
Activity: 2282
Merit: 795
September 27, 2019, 09:21:27 PM
#58
Being the only local exchange in the country where 80-95% of the people use it as their wallet, people would lose their trust in exchanges and therefore contribute to the general stigma in cryptocurrency.

Pero I do believe na ang coins.ph, meron silang security based sa percent ng total number of your coins sa wallet. Although hindi na mababawi lahat, at least meron silang maibibigay na collateral doon sa mga taong may malaking amounts of bitcoin.

Alam naman nating napaka secured din ng coinsph, at wala rin tayong natatanggap na hindi magandang serbisyo galing sa kanila at kung may mya issue man ay maisaayos nila agad. Pero kahit ganun, may point karin naman na pano kung mahack? So para sakin, dapat talagang advance tayo mag-isip. Isipin natin yung negative na mangyayari din alamin kung paano isosolve para kung sakaling maging mangyari eh naiwasan na natin ang masamang dulot nito. Kaya secured natin ang ating funds sa sariling offline wallets or owned private key then gamitin lang ang coinsph if magcash out lang.

Even if very secured ang coins.ph, hindi pa din maiiwasan yung potential na hack or pag-infiltrate sa system nila. Naalala mo yung Binance hack? Millions of users ang gumagamit ng exchange na iyan and assume natin na may maximum security sila pero hindi pa din ito naiwasan yung $41 million na nawala.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
September 27, 2019, 09:26:50 AM
#57
Alam naman nating napaka secured din ng coinsph, at wala rin tayong natatanggap na hindi magandang serbisyo galing sa kanila at kung may mya issue man ay maisaayos nila agad. Pero kahit ganun, may point karin naman na pano kung mahack? So para sakin, dapat talagang advance tayo mag-isip. Isipin natin yung negative na mangyayari din alamin kung paano isosolve para kung sakaling maging mangyari eh naiwasan na natin ang masamang dulot nito. Kaya secured natin ang ating funds sa sariling offline wallets or owned private key then gamitin lang ang coinsph if magcash out lang.
Kahit gaano pa kasecure ang isang system,  website or maging ano man yan kung may magtatangka sa mga ito at magaling sa panghahack possible talaga. Iba na ang Pinoy ngayon advanve talaga mag isip which is good naman kasi possible naman talaga itong maganap.  Kaya sana ang coins.ph ay mas maging secure pa para maging safe tayong mga user nila.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
September 27, 2019, 09:23:58 AM
#56
Alam naman nating napaka secured din ng coinsph, at wala rin tayong natatanggap na hindi magandang serbisyo galing sa kanila at kung may mya issue man ay maisaayos nila agad. Pero kahit ganun, may point karin naman na pano kung mahack? So para sakin, dapat talagang advance tayo mag-isip. Isipin natin yung negative na mangyayari din alamin kung paano isosolve para kung sakaling maging mangyari eh naiwasan na natin ang masamang dulot nito. Kaya secured natin ang ating funds sa sariling offline wallets or owned private key then gamitin lang ang coinsph if magcash out lang.
sr. member
Activity: 798
Merit: 258
September 27, 2019, 01:56:48 AM
#55
Sa tingin mo, ano-ano ang mga bagay na makatulong tayong mga Coins.Ph users para sa kaligtasan nito?

Sa tingin ko wala tayong maitutulong para sa kanila. Ang pwede lang natin gawin ay protektahan ang sarili nating pondo.

Huwag ituring na bangko ang coins.ph kung saan pinapatagal ang crypto assets dun dahil:
1. Alam naman natin na hindi natin hawak ang private key
2. Kahit gaano kahigpit security, masasabing mga "sitting ducks" pa din ang mga ito para sa mga hackers.

Sang-ayon ako sa sinabi mo sir, pasok na pasok sa banga. Naalala ko ung taong 2017 buwan ng November na freeze bigla account ko
sa coinsph dahil nakita nila na umabot mahigit 1M in php ang naideposit ko sa platform nila, na kung saan lahat ng profit na yun ay galing sa kinita ko sa trading gamit iba't ibang trading platform. Kinontak ko agad ang coins.ph hiningan agad ako ng mga additional requirements, tapos tinawagan ako sa skype para maidentify nila kung nagsasabi ako ng totoo at kung ako daw ba talaga yung nasa coins.ph, at inalam mga assets ko tapos na unfreeze ulit account ko ng macomply ko mga nids, pero nainis ako nun sa coinsph kung umasta parang banko ang buset.. kaya ngayon ingat na ako at alam ko na gagawin matapos ang mga pangyayari na yun.
newbie
Activity: 2
Merit: 0
September 26, 2019, 05:08:22 PM
#54
Hanap na lang ng other ways to cashout pag nahack ang coins.ph, maybe bank transfer from crypto to fiat. Pero kung magkaroon ng otc for php ang mga exchange na may lokal group dito sa pilipinas tulad ng okex, okcoin at mxc . Mas maganda yun kahit mahack ang coins.ph me option pa din.
jr. member
Activity: 70
Merit: 5
Change Your Worlds Build a New Era!
September 26, 2019, 07:24:42 AM
#53
Sa tingin mo, ano-ano ang mga bagay na makatulong tayong mga Coins.Ph users para sa kaligtasan nito?

Sa tingin ko wala tayong maitutulong para sa kanila. Ang pwede lang natin gawin ay protektahan ang sarili nating pondo.

Huwag ituring na bangko ang coins.ph kung saan pinapatagal ang crypto assets dun dahil:
1. Alam naman natin na hindi natin hawak ang private key
2. Kahit gaano kahigpit security, masasabing mga "sitting ducks" pa din ang mga ito para sa mga hackers.

I agree. Wala talaga tayong maitutulong dahil pag technical issues na ang usapan most of the time out of our control na talaga. Ang mabuting gawin na lang talaga is wag gawing banko ang coins.ph. Find other resources and sa panahon ngayon madali na ang pagtransfer ng pera.

Sarili lang natin ang makakatulog pag na hack ang coins.ph
Sabi nga nila prevention is better than cure. Ihalintulad na lang natin sa pag iingat at wag hayaan mawalan tayo pag havk ang usapan.
full member
Activity: 602
Merit: 134
bounty manager? contact me: https://bit.ly/2skHgzN
Hindi natin alam kung ano ang mangyayari kung sakali mang mahack si coins dahil depende nayan sa kung ano ang gagawin nila para hindi mawala ang tiwala ng kanilang mga users,
Sa totoo lang may ideya na tayo kapag mahack man si coins.ph. Isa na doon yung mga lalabas sa balita tungkol sa pinakamalaking exchange sa bansa ay na hack at alam mo unang magiging comment ng mga tao na wala naman talaga sa bitcoin o crypto?

Sasabihin nila, 'sabi na scam yan' at iba pang mga nakakainis na comments. At syempre sa ating mga user, damay yung mga pondo natin kung meron man sa panahon na mahack sila kaya safe parin talaga na wag masyadong malaki store sa kanila.

for sure mangyayari tong bolded part LOL. napaka daming pinoy ang ignorante sa mga bagay kaya hindi malabo na scam ang maging comment nila sa bitcoin in general kapag na hack ang pinakamalaking exchange dito sa pinas.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
Huwag naman sana dahil tiyak ako na maraming mga Filipino na mawawalan ng malaking halaga ng pera at kawawa tayo if mangyari iyon na sana huwag mangyari sa kasalukuyan at sa hinaharap. Sana mas palawigin pa ng coins.ph ang seguridad sa kanilang wallet para naman hindi tayo mabahala sa paggamit ng coins.pero sa ngayon wala naman akong nakikitang kahit anong isang problema sa kanila.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Pwedeng pwedeng ma hack. Binance nga di nakaligtas sa hacking local exchange pa kaya natin..pero dapat laging may system update sila.. And us bilang users dapat alam na natin basic sa pag safe keep ng account natin at may idea pano makaiwas sa mga scam

Pwede din mangyari sa Coins.ph ang mga nangyari na sa mga unang exchanges na nahack dati yung worst situation nga na nangyari is hidi na nakabangon  pa yung iba like for example Mt. Gox isa sa mga sikat na exchange dati. kaya payong kababayan mas makakabuti ang gawin natin ay iimbak nalang natin ang ating BTC sa mga Paper Wallet or Hardwarre wallet ng sa ganon ay maiwasan natin ang tuluyang pagkalugi kung sakaling mamalasin.
member
Activity: 546
Merit: 10
Pwedeng pwedeng ma hack. Binance nga di nakaligtas sa hacking local exchange pa kaya natin..pero dapat laging may system update sila.. And us bilang users dapat alam na natin basic sa pag safe keep ng account natin at may idea pano makaiwas sa mga scam
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
dapat wag na kayo mag-ipon ng btc sa coinsph send niyo agad sa personal bitcoin wallet niyo like mycelium ako gingamit ko lang to sa pag buy and sell lang tlaga ng btc at eth hindi sa long term storage purposes mahirap na.
Yes hindi safe ang coins.ph kung pang long term ang balak mo na pag hold sa iyong btc (at ibang altcoins na meron sa wallet nila) kaya kung ayaw mong magkaron ng same case na problema ilipat mo na agad sa mas safe na wallet ang iyong coins.

Sabi nga nila "its better to be safe than sorry" at kahit pa regulated sila ng bsp hindi pa rin natin masasabi kung yung funds ba natin ay maibabalik o kung meron silang back up plan in case magkaron ng ganitong incident.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Hindi natin alam kung ano ang mangyayari kung sakali mang mahack si coins dahil depende nayan sa kung ano ang gagawin nila para hindi mawala ang tiwala ng kanilang mga users,
Sa totoo lang may ideya na tayo kapag mahack man si coins.ph. Isa na doon yung mga lalabas sa balita tungkol sa pinakamalaking exchange sa bansa ay na hack at alam mo unang magiging comment ng mga tao na wala naman talaga sa bitcoin o crypto?

Sasabihin nila, 'sabi na scam yan' at iba pang mga nakakainis na comments. At syempre sa ating mga user, damay yung mga pondo natin kung meron man sa panahon na mahack sila kaya safe parin talaga na wag masyadong malaki store sa kanila.
hero member
Activity: 2954
Merit: 719
Hindi natin alam kung ano ang mangyayari kung sakali mang mahack si coins dahil depende nayan sa kung ano ang gagawin nila para hindi mawala ang tiwala ng kanilang mga users,
Wala naman control ang coins.ph kung ma hack sila.
yung internal control na ginagamit ay para sa kanila ay malakas na para iwas hack, pero since walang exchange na hack-proof, may posibilidad na ma hack ang coins.ph. Kung ang binance isa sa pinaka malaking exchange, ang coins.ph pa kaya?

Since regulated naman ang coins.ph ng bsp, hindi pa din naman mawawala tiwala ng mga gumagamit sa kanila, dahil na din if ma hacked man ang coins.ph refunded pa din naman nila yung makukuha ng hacker. If ever hindi nila i refund yung ma hacked sa kanila malalagot sila sa bsp and what we can do para to stop this mga hacker ay supportahan ang coins.ph sa pag gamit sa kanilang services, and I think that’s the best we can do para sa kanila.
Depends on the insurance coverage, and I don't know if they have an insurance and how much is the coverage.
For banks, if you have deposit, you are entitled for a maximum of 500K php per account, so if this is applicable in coins.ph, then it would give some security.
asu
legendary
Activity: 1302
Merit: 1136
Hindi natin alam kung ano ang mangyayari kung sakali mang mahack si coins dahil depende nayan sa kung ano ang gagawin nila para hindi mawala ang tiwala ng kanilang mga users,
Wala naman control ang coins.ph kung ma hack sila.
yung internal control na ginagamit ay para sa kanila ay malakas na para iwas hack, pero since walang exchange na hack-proof, may posibilidad na ma hack ang coins.ph. Kung ang binance isa sa pinaka malaking exchange, ang coins.ph pa kaya?

Since regulated naman ang coins.ph ng bsp, hindi pa din naman mawawala tiwala ng mga gumagamit sa kanila, dahil na din if ma hacked man ang coins.ph refunded pa din naman nila yung makukuha ng hacker. If ever hindi nila i refund yung ma hacked sa kanila malalagot sila sa bsp and what we can do para to stop this mga hacker ay supportahan ang coins.ph sa pag gamit sa kanilang services, and I think that’s the best we can do para sa kanila.
hero member
Activity: 2716
Merit: 904
Hindi natin alam kung ano ang mangyayari kung sakali mang mahack si coins dahil depende nayan sa kung ano ang gagawin nila para hindi mawala ang tiwala ng kanilang mga users,
Wala naman control ang coins.ph kung ma hack sila.
yung internal control na ginagamit ay para sa kanila ay malakas na para iwas hack, pero since walang exchange na hack-proof, may posibilidad na ma hack ang coins.ph. Kung ang binance isa sa pinaka malaking exchange, ang coins.ph pa kaya?
member
Activity: 576
Merit: 39
Hindi natin alam kung ano ang mangyayari kung sakali mang mahack si coins dahil depende nayan sa kung ano ang gagawin nila para hindi mawala ang tiwala ng kanilang mga users,
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
Hindi malayong mangyari ito as far as I know maraming magagaling na hacker dito sa Pilipinas pero hindi ko alam buti hindi nila pinupuntirya yan o sadyang malupit ang security features ng coins pero alam naman natin na kahit gaano pa katindi ang security may butas pa rin yan kasi online yan kaya nasa user na rin dapat wag na kayo mag-ipon ng btc sa coinsph send niyo agad sa personal bitcoin wallet niyo like mycelium ako gingamit ko lang to sa pag buy and sell lang tlaga ng btc at eth hindi sa long term storage purposes mahirap na.
hero member
Activity: 2632
Merit: 833
Wag naman sana, malaking kawalan ang coins.ph kung hindi na maka recover, at wala naman tayong magandang option.
Karamihan sa alternative, puro exchange lang, itong coins.ph maganda dahil maraming partners.

Kaya nga nakakatakot isipin talaga dahil ang ma aapektuhan tayong mga crypto enthusiast na gumagamit ng services nila. Yan na ang naging bayad center natin, tapos pag kailangan natin PHP dali mag convert ng BTC natin.

Kaya ingat ingat na lang tayo.  Smiley

hero member
Activity: 1232
Merit: 503
May ibang serbisyo na nag o-offer ng kaparehong serbisyo gaya ng rebit.ph parang coins.ph din, kung ma hack yung coins.ph may alternative naman tayo kaya wag tayo mabahala kung may hack na magaganap.
hero member
Activity: 2716
Merit: 904
Wag naman sana, malaking kawalan ang coins.ph kung hindi na maka recover, at wala naman tayong magandang option.
Karamihan sa alternative, puro exchange lang, itong coins.ph maganda dahil maraming partners.
asu
legendary
Activity: 1302
Merit: 1136
Kung ma hack man ang coins.ph di naman siguro tayo mawalan yung funds natin, mababayaran siguro tayo dahil naka rehistro naman sila sa BSP. Kung hindi tayo mabayaran e patay sila sa gobyerno, risky talaga maglagay ka ng malaking funds sa coins.ph.

Kung katulad ng regulation sa bangko, maximum na macocover lang satin is 500k php so kung malaki ang pera mo at lagpas 500k iwithdraw mo na agad papunta sa bangko mo pero mas maganda pa din kung hindi ka mag store ng pera mo sa kanila

Hindi kasi talaga advisable na mag store ng malaking pera sakanila, pwede naman tayo gumana ng wallet na tayo yung may hawak ng private key and dun natin itago lahat ng pera na meron tayo. Sobrang daming tutorial about sa ganyan. Sa gantong paraan mas safe mga pera natin and pag kailangan ko lang ng fiat mag transfer lang ako ng btc ko to coins.ph and withdraw dun, that’s it.

Maglagay lang ng perang hindi kalakihan sa coins.ph for buying load and paying bills.
full member
Activity: 602
Merit: 134
bounty manager? contact me: https://bit.ly/2skHgzN
Kung ma hack man ang coins.ph di naman siguro tayo mawalan yung funds natin, mababayaran siguro tayo dahil naka rehistro naman sila sa BSP. Kung hindi tayo mabayaran e patay sila sa gobyerno, risky talaga maglagay ka ng malaking funds sa coins.ph.

Kung katulad ng regulation sa bangko, maximum na macocover lang satin is 500k php so kung malaki ang pera mo at lagpas 500k iwithdraw mo na agad papunta sa bangko mo pero mas maganda pa din kung hindi ka mag store ng pera mo sa kanila
full member
Activity: 1358
Merit: 100
Kung ma hack man ang coins.ph di naman siguro tayo mawalan yung funds natin, mababayaran siguro tayo dahil naka rehistro naman sila sa BSP. Kung hindi tayo mabayaran e patay sila sa gobyerno, risky talaga maglagay ka ng malaking funds sa coins.ph.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
Sigurado ako na malaking impact sa ting mga pinoy yan. At alam mo naman ang media senstionalized agad yan tapos naka headline Philippines.

So mahirap mag iwan ng malaking pera sa coins.ph o ano mang exchange right now. Busy tayo, busy rin mga hackers na maghahanap ng mga loopholes na pwede nilang gamitin para manakawan tayo.

So mabuti nang ilagay sa wallet na control natin ang private keys at wag mag lagay ng malaking amount sa exchange. Yung sapat lang na pwede natin gamitin pang trade ko kaya pag bayad natin ng bills kung kailangan na talaga.
Ganyan din ang aking ginagawa yung mga sobrang pera lang ang kinikeep ko sa coins.ph dahil iba-iba na ang wallet na ginagamit ko para mas lalomg safe with different emails para hindi nila makuha ng sabay sabay incase na may hacker na magtangka ng account ko.

Dapat lang talaga ilagay sa wallet na mahirap buksan ang mas malaking funds ng bitcoin mo iba pang coin. Pero now wala naman akong nakikitang risk sa coins.ph pero ingat pa rin tayo.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
They are regulated by the BSP,  and I believe just like the bank, they also have an insurance that will cover the loss.
But the inconvenience it will cause to us is huge, that's why it's necessary that competitors has to step up and compete, they are like the Mt. Gox in the early stage, we can't afford this exchange to get hack as it might affect the status of bitcoin in the Philippines.
May point ka, yung abala na madadala nila kung sakaling ma hack man sila, di natin alam kung paano sila mag-react pero tingin ko talaga may back up plan na yan sila.

Malaking exchange ang coins.ph at pagkakaalam ko di lang sa Pinas sila nag-ooperate, meron din sila sa ibang bansa like thailand at Indonesia.
hero member
Activity: 2632
Merit: 833
Sigurado ako na malaking impact sa ting mga pinoy yan. At alam mo naman ang media senstionalized agad yan tapos naka headline Philippines.

So mahirap mag iwan ng malaking pera sa coins.ph o ano mang exchange right now. Busy tayo, busy rin mga hackers na maghahanap ng mga loopholes na pwede nilang gamitin para manakawan tayo.

So mabuti nang ilagay sa wallet na control natin ang private keys at wag mag lagay ng malaking amount sa exchange. Yung sapat lang na pwede natin gamitin pang trade ko kaya pag bayad natin ng bills kung kailangan na talaga.
legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
They are regulated by the BSP,  and I believe just like the bank, they also have an insurance that will cover the loss.
But the inconvenience it will cause to us is huge, that's why it's necessary that competitors has to step up and compete, they are like the Mt. Gox in the early stage, we can't afford this exchange to get hack as it might affect the status of bitcoin in the Philippines.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
5 milyon na ang user ng coins.ph at sana lang talaga ay mas maging secure pa ito para hindi mahack gaya ng binance na noong nakaraang araw lamang ay natangan ng halos mahigit $40 million . Wala talaga sigurado sa online dahil lahat ay may posibilidad na mangyari ito kaya dapat maging handa. Ako bukod sa coins.ph may ibat ibang wallet akong ginagamit incase na may mangyari mayroon pa rin akong bitcoin.
Ganyan din strategy ng mga nabasa ko dati, scattered yung bitcoin holding niya sa ibat ibang wallet para in case na may mangyari daw sa isang wallet, meron siyang back up  fund sa ibang wallet naman. Dapat maging ganito yung strategy ng lahat o di kaya wag lang talaga ilagay sa isang exchange like coins.ph kasi hindi natin sigurado kung anong pwedeng mangyari.
sr. member
Activity: 403
Merit: 257
Napaisip tuloy ako: paano na lang kaya kung ma-hack din si Coins.ph tiyak na maging isa itong malaking dagok sa mundo ng cryptocurrency dito sa Pilipinas kasi marami ng Pinoy ang umaasa sa serbisyo nito...

Pag na hack ang coinsph siguradong dagok yan sa pinoy paps. ang dami kayang gumagamit ng service nila at sigurado na dun na din nagiimbak ng crypto nila. kayo mga paps, kung marami kayong bitcoin, wag nyong gawing banko si coins.ph, meron naman electrum at bitcoin core na mas secure. Nasayo pa ang wallet seed mo. Gamitin lang naten si coinsph pag mag coconvert tayo ng btc to fiat.
sr. member
Activity: 310
Merit: 251
Ako talaga hindi ako nag lalagay ng balance dun sa coins.ph talagang may sarili akong taguan ng bitcoins electrum lang ang ginagamit kong wallet for saving my whole bitcoins in offline.

ang ginagawa ko kung mag tatransfer ako ng bitcoin to another wallet or sa coins.ph kinocopya ko lang yung sign raw transaction at ibroadcast sa pushtx sa viabtc or sa blockchain. Mas safe to kaysa sa hold ang bitcoin sa coins.ph.
Ito rin ang ginagawa ko dati gamit ko electrum wallet kapag gusto kung mag withdraw nag ta-transfer lang ako ng bitcoin galing sa electrum to coins.ph ang problema nga lang e yung fee kapag araw-araw ka ng ca-cashout mapapalaki ang gastos mo sa fee kaya kada cashout ko nilalakihan kuna para makatipid sa fee.
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
The first time I stumbled sa cryptocurrency, ang mga binasa ko muna is mga securities and how I can make sure that it’s going to be safe, especially with my funds. Alam naman natin na hindi biro ang mag invest ng pinaghirapan mong pera. Anyway, edi nandyan na yung knowledge ko, nabasa ko kasi na para make sure hindi ma hack, tago mo yung Private key mo, which is the crucial part of your wallet. Nag message ako sa support ng coins.ph nun tapos siyempre, wala pa ko masyadong experience, edi yun na ang sagot, they do not give it out kasi exchange nga sila.

Theoretically, it’s possible to do that. I don’t know what could happen, siguro change lahat ng mga providers or something. Parang Abra na lang ata next (in terms of exchanges/wallets)
legendary
Activity: 1638
Merit: 1046
Ako talaga hindi ako nag lalagay ng balance dun sa coins.ph talagang may sarili akong taguan ng bitcoins electrum lang ang ginagamit kong wallet for saving my whole bitcoins in offline.

ang ginagawa ko kung mag tatransfer ako ng bitcoin to another wallet or sa coins.ph kinocopya ko lang yung sign raw transaction at ibroadcast sa pushtx sa viabtc or sa blockchain. Mas safe to kaysa sa hold ang bitcoin sa coins.ph.
full member
Activity: 602
Merit: 134
bounty manager? contact me: https://bit.ly/2skHgzN
5 milyon na ang user ng coins.ph at sana lang talaga ay mas maging secure pa ito para hindi mahack gaya ng binance na noong nakaraang araw lamang ay natangan ng halos mahigit $40 million . Wala talaga sigurado sa online dahil lahat ay may posibilidad na mangyari ito kaya dapat maging handa. Ako bukod sa coins.ph may ibat ibang wallet akong ginagamit incase na may mangyari mayroon pa rin akong bitcoin.

Good for you kabayan n my alternate like coins.ph ka.pa bulong naman nyan para kung sakali. If Bitcoij kabayan mga hawak nyo try nyo store nalang sa offline wallet pero make sure you have a copy of your pkey. Para mahack o hnd si coins.ph we di tyo maapektuhan.

Napakadaming klase ng wallet ay ikaw na bahala kung ano sa tingin mo ang paraan para mas secure ang coins mo. For me ang nahahack lang naman na individual ay yung mga pabaya lalo na sa security nila
hero member
Activity: 1134
Merit: 502
5 milyon na ang user ng coins.ph at sana lang talaga ay mas maging secure pa ito para hindi mahack gaya ng binance na noong nakaraang araw lamang ay natangan ng halos mahigit $40 million . Wala talaga sigurado sa online dahil lahat ay may posibilidad na mangyari ito kaya dapat maging handa. Ako bukod sa coins.ph may ibat ibang wallet akong ginagamit incase na may mangyari mayroon pa rin akong bitcoin.

Good for you kabayan n my alternate like coins.ph ka.pa bulong naman nyan para kung sakali. If Bitcoij kabayan mga hawak nyo try nyo store nalang sa offline wallet pero make sure you have a copy of your pkey. Para mahack o hnd si coins.ph we di tyo maapektuhan.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
5 milyon na ang user ng coins.ph at sana lang talaga ay mas maging secure pa ito para hindi mahack gaya ng binance na noong nakaraang araw lamang ay natangan ng halos mahigit $40 million . Wala talaga sigurado sa online dahil lahat ay may posibilidad na mangyari ito kaya dapat maging handa. Ako bukod sa coins.ph may ibat ibang wallet akong ginagamit incase na may mangyari mayroon pa rin akong bitcoin.
full member
Activity: 798
Merit: 104
If you are long term holder syempre hindi ko itatago ito sa coins.ph kasi ang mga exchange site hindi naman for long term gawin mulang itong in and out basis kahit gaano kasi ka secured ang isang exchange site kung mahahack mahahack ito gaya ng sa Binance.
Kaya possible din mangyari ito sa coins.ph kung maganap ito malaking epekto ang mangyayari sa mga pinoy na gumagamit ng coins.phkaya mas mabuti sa ledger nano ka nalang mag hold kunglong term holder ka.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Better na maging habit rin sa atin ito na ilagay ang mga pinaghirapan nating bitcoins sa hardware wallets, it isn't that expensive and if you are talking about security I probably recommend it. Though some prefer to store it in coins.ph wallet as it is handy kasi pwedeng mag cash in/out sa mobile phone mo anywhere basta may internet connectivity.

If ever ma hack expect FUDs anywhere on all media saying "bitcoin is scam". Sabihan niyo nalang marinig niyo na ang coins.ph ay prone to hack or hackable but bitcoin not a chance."
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357

Sa mundo ng online at cryptocurrency, iisa lang ang sigurado: walang ligtas kahit kanino laban sa mga magagaling na mga hackers na walang ibang ginagawa kundi makapasok sa mga malalaking exchanges at makakuha ng maraming milyon. Gaya ng nangyari sa Binance ilang araw pa lang ang lumipas. Di natin akalain na ang isang malaki at tanyag na exchange tulad ng Binance ay mabiktima ng isang hacking na nagresulta sa pagkawala ng mahigit $40 milyong dolyar.

Napaisip tuloy ako: paano na lang kaya kung ma-hack din si Coins.ph tiyak na maging isa itong malaking dagok sa mundo ng cryptocurrency dito sa Pilipinas kasi marami ng Pinoy ang umaasa sa serbisyo nito...

Kaya umaasa ako sa Coins.Ph na doblehin pa ang kanilang seguridad para sa kapakanan ng mga gumagamit nito at para na rin sa kanilang patuloy na negosyo.

Sa tingin mo, ano-ano ang mga bagay na makatulong tayong mga Coins.Ph users para sa kaligtasan nito?

Lahat naman ng bagay na maaaring pagkakitaan ay naha-hack at alam naman nating posible din ito. Ngunit tingin ko ay hindi naman tayo dapat mabahala sapagkat alam naman ito ng coins.ph at malamang ay gumawa na sila ng security para dito. Higit s lahat, liable sila kung sakaling may mangyari na di maganda sa account natin at malamang gagawa sila ng paraan upang ma resolba ito.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Nako mahirap na kung inside job pa.
Tingin ko wala naman sigurong magloloko sa management ni coins.ph dahil ngayon gojek na ata nagma-manage sa kanila.

Para sa akin ay impossible itong mangyari dahil kumpara sa ibang mga malalaking Exchange hindi ganon karami ang makukuha ng hacker sa Coins.ph
Pasensya na pero ganyan din halos sinabi ng karamihan dati sa mga kilalang exchange, hindi yan tungkol sa kung Malaki o maliit lang makukuha ng mga hacker. Hangga't meron silang makukuha, kukunin nila.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Para sa akin ay impossible itong mangyari dahil kumpara sa ibang mga malalaking Exchange hindi ganon karami ang makukuha ng hacker sa Coins.ph, kung mang hahack din naman sya syempre ang pipiliin niya yung may maraming pondo. kadalasan naman kasi parepareho merong napaka higpit na security features ang mga exchanges eh, syempre pag aaralan nya yon ng matagal kung pano i hack syempre dun na sya sa mga malalaking exchange. kaya impossible talaga mangyare.
newbie
Activity: 3
Merit: 0
Para sa akin mataas na ang seguridad ng coins.ph dahil una may KYC sila at tsaka hindi lahat ng bitcoin nila or assets nila ay naka lagay sa hot wallet, malaking percento ang nasa cold wallet. Ibig sabihin kung sakaling mahahack ng hacker ang site na-access lang nito ang hot wallet, pero kong mamahack man kailangan i refund ang nawalan ng pera, mukhang may malaking investor's naman sila kaya gagawin nila lahat para masolusyonan ang problemang ito
member
Activity: 588
Merit: 10
..sa palagay ko,,maraming pilipino ang mawawalan ng malaking investment kasi halos 90% ng coins.ph user ay dito nakastore ang kanilng mga Bitcoins..much better na cgurong isecure ng mas maaga ang mga earnings ng users nito,,kung medyo malaki na ang laman ng coins.ph wallet mo,,need mo na cgurong iwithdraw ito at keep your money in a safe way para makacguro na handa ka kung sakaling mangyari nga na mahack ang coins.ph..ang kaligtasan ng mga pondo at investments natin sa coins ay nakasalalay din sa sarili nating mga kamay,,kaya mas mabuting wag nalang magstore ng malaking halaga sa coins.ph wallet..
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
Nako mahirap na kung inside job pa.
Pwede if ang gumawa is yung sa technical or even one of the devs nila, pero if I'm sure funds from hot wallets lang makkuha ng mga hackers not those sa cold storage nila, not unless if puro hot wallet gamit nila, simut lahat yan if may nangyaring hacked.

Dahil sa wala tayong magagawa to prevent the hacked of any exchange, and kahit sabihin nating not your key not your coins, traders will ignore that since di nila magagawang mag withdraw after trades and another lalo na pag day trader. Just a suggestion nalang na dont use an exchange for longer storage of your funds. Like sa coins.ph, mas mabuting gawing niyong cash out method lang, not as your only storage of funds.
jr. member
Activity: 170
Merit: 9
Nako mahirap na kung inside job pa.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Naisip ko na ito dati at alam niyo ba si coins.ph lang dati talaga halos imbakan ko at napaisip na ako dati simula nung ma-experience ko parang nagkaproblema yung website nila dati na hindi naglo-load. Kaya akala ko goodbye na ako sa pera ko nun kaya mabuti nalang talaga na approved sila ng BSP at baka din naman na meron silang pondo katulad ng ginawa ng binance kung sakali man dumating yung hindi inaasahan. Para mas ligtas yung bitcoin at ibang altcoin mo, bili nalang talaga ng hardware wallet.
full member
Activity: 280
Merit: 102
Sa tingin ko end of story for bitcoin sa pilipinas pag eto ang nangyare,since ang main wallet talaga natin is COINS PH and majority sa mga bitcoiner sa pinas use this as storage kung mahack man to siguradong malaking negative na balita sa pinas na magpapangit ng reputasyon ng bitcoin sa atin

Siguro hindi naman magiging end of story ni bitcoin dito sa bansa natin, dahil marami pa naman paraan para makapagstore ng Bitcoin dito sa bansa natin. Sino bang ayaw ng pera di ba? Kaya kung mahack man ito, madami pa din ang di titigil sa atin na magpalago ng kanilang bitcoin. At syempre kung mangyari man ito, di naman tayo pababayaan ng Gobyerno natin kasi regulated na ang coinsph sa bansa natin. Gayunpaman, mas  maaapektohan dito ang mga tao na ginagamit ang bitcoin para magrefer ng tao.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
Another related and very important quote: "NOT YOUR KEYS, NOT YOUR BITCOIN"
Indeed. Anytime pwedeng ma compromise ang ating account kaya hindi ako nag i store ng malaki sa coins.ph, most of the time ginagamit ko lang sya para mag cash out o para ma loadan ang phone ko. Its better to be safe than sorry mas maganda na din yung advance ka mag isip dahil ang mga masamang loob walang pinipiling oras yan.

If ever ma hack ang coins.ph malaki ang magiging impact nito sa mga pinoy lalo na sa mga whales natin (kung meron man) na dun naglalagay. Maapektuhan din ang imahe ng cryptocurrencies especially sa mga non-crypto people dahil negative na naman ang iisipin nila about crypto.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 276
Sa tingin ko end of story for bitcoin sa pilipinas pag eto ang nangyare,since ang main wallet talaga natin is COINS PH and majority sa mga bitcoiner sa pinas use this as storage kung mahack man to siguradong malaking negative na balita sa pinas na magpapangit ng reputasyon ng bitcoin sa atin
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Imposible pang mangyari yan. Hindi naman ganun ka interesado ang mga pinoy pagdating sa IT World eh, atska medyo lazy ang ugali ng mga pinoy, kaya bibihira dito ang may alam pagdating sa hacking. Alam naman natin lahat na ang mga pinoy eh mas gusto ang easy money, kaya hindi ko maiimagine na ang coins.ph eh matutulad sa Binance.

Hindi din magkakainteres ang ibang hacker dahil maliit lng na exchange ito kumpara sa iba.
hero member
Activity: 1134
Merit: 502
May 09, 2019, 09:24:58 AM
#9
Wag naman sana yan lang ang way ko para ma convert ko Bitcoin to PHP na alam ko at madali. Maximum level naren ung verification ko sa coins.ph. Pag na hack yan which hindi naten mapipigilan sana man lang bumalik agad sila sa operation at wag mag sara. Sa tagal nilang nag ooperate siguro naman malaki na kinita nila para incase na ma hack sila my pang abono sila.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 262
May 09, 2019, 08:58:14 AM
#8
ngayon pa nga lang kung titignan natin di na maganda ang image cryptocurrency pano pa kung mahack ang coins.ph talagang babagsak ang imahe ng crypto sa bansa, hanggat maari wag na lang magstore ng mga coins na pwedeng mailagay sa coins.ph isipin na lang natin na for transfer purposes lang si coins.ph.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
May 09, 2019, 08:17:52 AM
#7
It will create a negative impression in bitcoin dito sa Pilipinas kahit na coins.ph lang ang involved. Magegeneralized na yan lalo na ng mga walang alam. Pati news for sure iba ang magiging headlines which will lead into "BITCOIN SCAM" schemes. In other words, ang matitira na lang na crypto believers iyong mga may knowledge talaga.

Binance or other global exchanges were hacked dahil focus ang mga hackers dyan for long time. They prepared for it seriously at talagang pinagplanuhan. Eye catching talaga sa mga hackers ang mga global exchanges. And sa tingin ko may mga inside jobs dyan. Sana di mangyari sa coins.ph.

Since regulated si coins.ph and working like a bank, I believed mas pinatatag pa ang security nila as part of the terms.

Ngayon kung may doubt, napakasimpleng wag na lang magtabi sa coins.ph at gamitin lang service nila kung kailangan.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
May 09, 2019, 08:12:47 AM
#6
para sakin lang, hindi naman kasi talaga dapat mag store ng bitcoins sa coins.ph or kung san man na exchange basta hindi mo hawak ang private key mo. simple lang naman mag transfer to coins.ph kapag kailangan mo na ng pera para makapag cashout pero wag itambak sa kanila
Yes tama kase lahat pwede mangyari at kahit na sabihen naten na regulated sila ng government natin, pwede parin mangyari na takbuhan tayo nila. Sobrang dami ng mga hackers ngayon kaya nakakatakot mag imbak ng malalaking pera sa mga wallet na wala tayong control. Always put your money on a secure wallet, wag basta basta magtitiwala sa kahit anong exchanges.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
May 09, 2019, 07:49:00 AM
#5
Definitely malaking dagok iyan sa industriya ng cryptocurrency sa Pilipinas.  Isipin mo isa sa pinakakilala at pinakamalaking platform sa Pilipinas na hack.  Magkakaroon ng alinlangan ang mga tao na magdeposito o gamitin ang serbisyo ng Coins.ph, maging tayo ay ganun din ang mararamdaman.  

Sa pagkakataon ng hack, wala tayong magagawang tulong dahil tanging ang coins.ph lang ang mayroong access sa kanilang security database.  Ang tanging tulong na magagawa natin ay tangkilikin ang kanilang serbisyo para kumita sila ng porsyento sa bawat transaction na ating gagawin sa kanilang platform at ng sa gayon ay magkaroon sila ng pondo para lalong paigtingin ang kanilang security sa kanilang system.  

Pwede rin gamitin ang support nila kapag nakakita ng mga glitches at bugs.  Dapat nating ireport ito at hindi iexploit.

If ma-hack ang Coins.ph, GG to bitcoin in the Philippines, as I think probably more than 90%(just a guess) ng pilipino ay sa Coins.ph

Before coins.ph merong localbitcoin, sa tingin ko marunong na rin ang mga tao, katulad natin, di naman natin ginagawang bangko ang coins.ph, daanan lang ng mga gusto nating ipapalit into cash ang coins.ph.  At ang coinspro naman ay siguradong may cold wallet yan.  More or less database or ledger lang nakikita natin sa trading nila kasi makikita mo naman kung gaano kabilis ang pagtransfer ng Bitcoin fron coins.ph to coinpro and vice versa.

"There are only two types of companies: those that have been hacked, and those that will be.
-Robert Mueller, FBI Director

Hindi sa minamaliit ko ang Coins.ph at ang security practices nila, pero think about it. Ang Bitfinex at Binance nagkaka security issues, knowing na malaki laking international exchange itong dalawang to. Paano pa ang Coins.ph na local exchange lang? Again, hindi ko minamaliit ang Coins.ph

Another related and very important quote: "NOT YOUR KEYS, NOT YOUR BITCOIN"

Tama ka dyan kaibigan, dapat nating siguraduhin na kung itatabi natin ang ating pinaghirapang Bitcoin ay hawak natin ang private key nito at mayroon tayong secondary or tertiary back up nito.
full member
Activity: 602
Merit: 134
bounty manager? contact me: https://bit.ly/2skHgzN
May 09, 2019, 07:40:59 AM
#4
para sakin lang, hindi naman kasi talaga dapat mag store ng bitcoins sa coins.ph or kung san man na exchange basta hindi mo hawak ang private key mo. simple lang naman mag transfer to coins.ph kapag kailangan mo na ng pera para makapag cashout pero wag itambak sa kanila
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
May 09, 2019, 07:40:06 AM
#3
Sa tingin mo, ano-ano ang mga bagay na makatulong tayong mga Coins.Ph users para sa kaligtasan nito?

Sa tingin ko wala tayong maitutulong para sa kanila. Ang pwede lang natin gawin ay protektahan ang sarili nating pondo.

Huwag ituring na bangko ang coins.ph kung saan pinapatagal ang crypto assets dun dahil:
1. Alam naman natin na hindi natin hawak ang private key
2. Kahit gaano kahigpit security, masasabing mga "sitting ducks" pa din ang mga ito para sa mga hackers.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
May 09, 2019, 07:37:07 AM
#2
If ma-hack ang Coins.ph, GG to bitcoin in the Philippines, as I think probably more than 90%(just a guess) ng pilipino ay sa Coins.ph naka-store ang bitcoin nila. Pag may nangyari, iisipin ng mga tao sigurado scam nanaman ang bitcoin etc etc kahit na unrelated.

"There are only two types of companies: those that have been hacked, and those that will be.
-Robert Mueller, FBI Director

Hindi sa minamaliit ko ang Coins.ph at ang security practices nila, pero think about it. Ang Bitfinex at Binance nagkaka security issues, knowing na malaki laking international exchange itong dalawang to. Paano pa ang Coins.ph na local exchange lang? Again, hindi ko minamaliit ang Coins.ph

Another related and very important quote: "NOT YOUR KEYS, NOT YOUR BITCOIN"
sr. member
Activity: 1008
Merit: 355
May 09, 2019, 06:00:58 AM
#1

Jump to: