Ang ibabahagi ko ay intended sa mga newbies at mga bago nating members na nais matuto patungkol sa basics ng blockchain at bitcoin. Nais ko sana to ishare sa Beginners sections pero mas maigi para sa akin na sa tagalog ko ito ipaliwanag para mas madali at mas madali natin maunawaan.
So paano ko nauunawaan ang sistema ng blockchain at bitcoin?
Simulan natin sa Blockchain...Sa physical world, kapag nakikipag transact tayo,
may tinatawag na ledger kung saan, may taong nag lilista ng transactions na ginagawa natin. Example, yung mga nag papa weteng, o kaya naman ay yung mga nag papautang, mayroon silang listahan ng utang para masiguro kung nakabayad na o hindi ang isang tao papunta sa kinauutangan niya. Malapit ang konsepto ng ledger dito, ito ay listahan ng mga transaksyon at ang Blockchain ay maituturing na digital version ng physical ledger at ang kaibahan nito ay broadcasted ang bawat information ng blockchain para maverify ito sa tulong ng libo libong nodes na nakakalat sa buong mundo.
Ang blockchain din ay
patuloy na nag-ggrow, dahil every 10 minutes, may bagong blocks na na ccreate(mag ddive tayo deeper dito mamaya),
ang mga nasstore na data sa blockchain ay permanente, secured, nakaayos sa paraang chronological, at hindi maaaring mabago.Paano nga ba ito nangyayari?
*Commercial* -- Alam mo ba na ang pinakaunang block ng bitcoin ay tinatawag na Genesis Block? At naisakatuparan ito noong January 3, 2009 ng Creator ng Bitcoin na si Satoshi Nakamoto. At kung titignan, mayroong naka attached na message sa genesis block. Ito ay "Chancellor on brink of second bailout for banks". Well ikaw na bahala mag figure out ng meaning pero galing ito sa cover ng news paper na 'The Times' Sa araw na iyon.
Balik tayo sa Blockchain at bitcoin.Imagine, kung magsesend ka ng picture sa email, ang picture na na sesend mo ay actually isang kopya lamang ng actwal na picture na meron ka. Kung ikukumpara mo ito sa pag sesend ng pera, magkakaroon ng tinatawag na
Double Spending. Sinolve ito ngayon ni Satoshi nakamoto gamit ang
bitcoin (isang digital currency na nag sstore ng value). Paano? ang sagot ay ang global network ng libo-libong computers na tinatawag na
Bitcoin Network at
Blockchain Technology. Eh Debon paano naman nagagawa ang mga bitcoins? Mayroon tayong sistema para jan.
Dito na papasok ang
sistema ng Bitcoin Mining at mga Miners.
Sa bitcoin network, merong grupo ng mga tao na tinatawag na Miners(Hindi sila nag mimina ng mga mineral at nag bubungkal ng lupa), Ang role nila kumbaga ay mag process at mag confirm ng mga transactions gamit ang specific computers na ginawa para mag mine ng bitcoin. Nag sosolve sila ng mga problems na may kaugnayan sa cryptography dahil ang cryptography ang dahilan para maging secured at hindi mababago ang mga data. So kapag ang isang miner ay nakasolve ng bitcoin problem, Bitcoin din ang reward niya (ang reward na ito ay ang bagong bitcoin na namimina). At dagdag pa dito, lahat ng transaction fees na meron tayo per transaction, sa kanya rin na pupunta.
*Commercial* -- Mayroong total of 21 Million bitcoins lamang na maaring ma mina ng mga bitcoin miners.
Ang bawat blocks sa bitcoin blockchain ay nagagawa sa loob ng sampung minuto, sa bawat block, dito naka store lahat ng data o transaction na naganap sa oras na iyon.
Matapos magawa ang bagong block, dudugtong ito sa blockchain.
I differentiate natin ang pinagkaiba ng
Encryption at Hashing;
Pag sinabi nating
Encryption, ito ay ang pagtatago ng data sa paraang maaari pa itong maibalik sa orihinal sa pamamagitan ng Decryption. Ang pinagkaiba nito sa Hashing ay malaki dahil
kapag nag hahash ng data, hindi na ito maibabalik sa orihinal na form nito.Ang Blockchain ay pinag titibay ng Hashing. Sa katunayan, ang ginagamit na Hash ng Bitcoin blockchain ay tinatawag na SHA256 or Secured Hash Algorithm.
Gamit at
https://demoblockchain.org/blockchain,
Makikita sa larawan na ito ang iba't-ibang elements na bumubuo sa bawat blocks in simplified form.
Block: number ng block
Nonce: specific number na sinosolve ng mga miners
Data: nag sstore ng transactions or iba pang klase ng data
Prev: Makikita dito ang ang Hash ng previous block
Hash: Pinag samasamang data ng Block#, Nonce, Data, At Prev na
HinashKapag binago ko ang data ng isang block, magiging invalid na lahat ng succeeding blocks. At para maibalik ko ito sa valid state, kailangan ko itong i Mine. Ngunit kapag minine ko ito, ito lamang ang maibabalik sa valid state kaya kailangan ko paring i mine lahat ng succeeding blocks. Mapapansin na kapag nag mine tayo ng block, hinahanap ng miners ang tamang kombinasyon ng Nonce. At ang Nonce ay nakadepende sa tinatawag na Difficulty level na makikita sa Hash: 000015783b764259d382017d91a36d206d0600e2cbb3567748f46a33fe9297cf
ang Numero sa unahan na 0000 ang tinatawag na difficulty level at habang dumadami ang blocks, tumataas din ang difficulty level kaya pahirap ng pahirap ang kompetisyon ng mga miners.
Tanong: Kung pwede namang i Mine pabalik sa valid state ang isang invalid block, posibleng mabago ang blockchain. Ang sagot ay Hindi.. Ang blocks na binago natin ay sariling kopya lamang ng blocks na meron sa buong mundo. Mayroong libo libong records ng bitcoin blockchain at ang pag babago sa isang record nito ay hindi makaaapekto sa kabuuang estado ng blockchain
Unless, 51% ng Mining Equipment or 51% ng Hashpower ay hawak mo at kailangan mo itong maisakatuparan sa loob lamang ng 10 minutes dahil 10 minutes ang kabuuang pag likha sa bagong blocks.
Napaka imposible na ma alter ang blockchain sa ganitong sistema at ito ang pagkakaintindi ko kung paano gumagana ang blockchain at Bitcoin. Kung may nais kang idagdag at i correct, please do so. Magandang may refresher din tayo even though basics ito ng bitcoin at blockchain para sa mga newbies.