Author

Topic: Paano makakaiwas sa SCAM 🔥🔥 WORTH READING 🔥🔥 (Read 406 times)

newbie
Activity: 196
Merit: 0
Maraming salamat master finale sa sinulat mo. Marami akong natutunan. Sana ay mabasa din ito ng mga tulad ko na baguhan pa lang sa pagbobounty.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!
pag ka po ba nakatanggap ka na ng token sa bounty campaign na nasalihan mo it means hindi ito scam?

Yes, kung nagawa nilang magbigay ng bounty sa promoters, what more sa mga nag invest?

Means, hindi scam ang project. Pero may mga lowkey scams, binigay nga ang bounty pero wala namang specific na value or sobrang baba. Mostly, listed yung mga ganong tokens sa forkdelta, etherdelta, at idex. Kaya mas better kung tatanungin mo sila about sa exchanges and kung matutupad ba ang roadmaps.
newbie
Activity: 62
Merit: 0
pag ka po ba nakatanggap ka na ng token sa bounty campaign na nasalihan mo it means hindi ito scam?
full member
Activity: 322
Merit: 101
Mas madami akong natutunan ngayon, iniligay ko din ang iyong tips sa isang topic discussion after kong mabasa ito. Totoo 'tong mga nakasaad sa thread mo dahil ang term of use ay madalas nalang din kinokopya sa iba dahil alam nilang hindi naman madalas tinitignan ito ng mga tao.

Sa bounty managers, kahit siguro mataas at kilala ang bounty manager ay pwedeng maging scam ang project pero totoo din na dagdag factor din ito para sa assurance natin.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!
Since, madami pa ding naii-scam sa atin. I wanted to bump this topic para mabasa ng iba, hirap din ma-scam kaya sana dito palang maging lesson nakakarami.


At sana hindi tamarin yung iba sa pagbabasa dahil makakatulong talaga ito sa inyo habang tumatagal kayo sa crypto.
full member
Activity: 434
Merit: 100
thank you for this TS napaka informative laking tulong sa mga baguhan na katulad ko. worth reading talga ika nga sa title ng topic.
Hindi lang sa mga baguhan, kahit sa akin malaking tulong iyan. Kasi kahit high rank na ako minsan meron pa rin ako napipili na mga bounty scams. Kaya thanks sa pag-post niyan. Full information, sobrang thankful po iyan sa lahat.
sr. member
Activity: 714
Merit: 254
Salamat sa thread na ito paps madami akong natutunan sana marami pang kagaya mo ang magshare ng kanilang nalalaman dito sa forum na ito para sa mga gustong matuto at bagohan pa lamang dito ay maging aware sila kung pano nga ba ang kalakaran dito
Let us share our insights din kung meron tayong mga experience and knowledge about dito, let us see kung ano ang mga mangyayari diba, so far sa ngayon talaga ay nakatutuok din ako sa kung paano ako makakaiwas sa ganyan, dahil pwede tayong mabiktima ng scam kahit nasaan tayo.
full member
Activity: 392
Merit: 101
Salamat sa thread na ito paps madami akong natutunan sana marami pang kagaya mo ang magshare ng kanilang nalalaman dito sa forum na ito para sa mga gustong matuto at bagohan pa lamang dito ay maging aware sila kung pano nga ba ang kalakaran dito
member
Activity: 350
Merit: 47
Napansin ko lang ngayon, maraming mga BM na newbie o junior member na may hawak agad na ICO.  

Batayan ba yan na possible scam, o hindi naman naka depende yan sa ranking ng BM para masabi na hindi seryoso ang project?
Actually depende. May mga bounties kase na gumagawa ng bagong account at ang sole purpose non ay imanage yung bounty nila, plus din siguro kung yung newbie/jr na yun ay copper member. At least alam mong handa sila magbayad para sa bounty nila. Meron ding hindi sole purpose ang imanage ang bounty. Dito mo na siguro titignan kung experienced ba yung member na yun sa pag mamanage try mong i check ang recent posts at topic. Maraming information ang makukuha mo sa member na yun.
member
Activity: 336
Merit: 24
salamat sa thread na to, kasi malimit akong mabiktima ng mga scam na bounty na akala ko mag papay out, ang masaklap pa nun minsan eto pa ung nasasalihan kong signature campaign, ung tipong nagpapakapagod ka mag post tapos useless lang
jr. member
Activity: 180
Merit: 4
Sa totoo lang para talagang kakaiba yung approach mo sa mga taong magbabasa nito.
Para bang kinakausap mo sila and teaching them a good lesson about crypto.

Dito mo malalaman kung bihasa na talaga yung tao kaysa sa iba na may magawa lang na thread. Pagkahaba-haba di naman on point ang mga pinagsasabi.
Right usage of colors, magaling ka po sir at may pinagaralan talaga kasi you pick the colors na sobrang attractable at hindi nakakatamad basahin na topic.

Kung merit lang akong limang smerit, bigay ko na sayo sir kasi sobrang dami ko pong natutunan. Follow ko pa po iba niyong post sir, admirable kang tao at karesperespeto dahil sa kagalingan mong gumawa ng content.

MERIT WORTHY AT WORTH READING CONTENT SIR
full member
Activity: 378
Merit: 100
Worth it basahin ang thread mo kabayan and you make it with your own words talaga, habang binabasa ko ang ginawa mong thread parang kinakausap mo lang ako. Very nice! Idol na kita! Grin fofollow ko ang mga susunod na bagong threads mo idol. Salamat dito at natulongan ako nito. Sayang naubos na sMerits ko. Deserved to para bigyan ng merit.
member
Activity: 313
Merit: 11
salamat sayo op laking tulong to sa akin at sa mga baguhan pa lang sa pagsali sa mga bounty na gaya ko para hindi masayang effort ko sa pagsali sa mga bounty .
sr. member
Activity: 1120
Merit: 272
First 100% Liquid Stablecoin Backed by Gold
Wow, fully detailed talaga. Sobrang worth it ang pagbabasa kasi meron talaga matutunan at nalaman.
Agree po ako na dapat bago ka sumali sa isang campaign ay dapat kilala na o trusted na ang campaign manager like si needmoney. I always trust needmoney, alert po ako kapag meron siya bago Campaign dahil alam ko na hindi ito scam. Dapat mabasa ng mga baguhan ito para makatulong.
member
Activity: 322
Merit: 11
This thread is worth reading at sana mas marami pang newbies ang matulungan nito lalong lalo na sa mga gustong kumita dito sa pamamagitan ng pagsali sa mga campaigns. Ngaun ko lang din napagtanto na mas marami akong masasave na oras at effort kung talagang susuriin ko muna at pipiliing maigi ang bounty na sasalihan ko kesa kung sali lang nang sali without prior research. Kudos kabayan!
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!
Thank you po! You guys are giving me inspiration para mas lalo pa akon ganahang gumawa ng amazing and informative contents! Thankyou!
member
Activity: 490
Merit: 15
PARKRES Community Manager
Napansin ko lang ngayon, maraming mga BM na newbie o junior member na may hawak agad na ICO.  

Batayan ba yan na possible scam, o hindi naman naka depende yan sa ranking ng BM para masabi na hindi seryoso ang project?
full member
Activity: 453
Merit: 100
sobrang ganda ng thread na ito kaya hindi ko napigilan na magbigay ng merit kasi marami tayong mga baguhan na nahihirapan talaga pagdating sa pagsusuri sa isang bounty scam, good job bro sana makita ng ibang baguhan ito
full member
Activity: 406
Merit: 110
Well said, malaking tulong talaga ang bagay na to para sa ating lahat na mga nagbbounty, kasi sa ngayon wala naman ng taong hindi nagbbounty eh, kaya dapat ingat para kapag Nakita ng mga scammes na aware na tayo ay hindi na sila makapang biktima pa, tripleng ingat ang kailangan nating lahat para ditto.
newbie
Activity: 84
Merit: 0
Wow salamat sa thread at maraming tips ang nabasa ko sa pag hahanap ng legit bounty campaigns at kahit papaano magkaroon ng idea kung ano ang mga bounty na scam talagang marami ng naglalabasan na scam ico ngayon kaya dapat laging mapanuri tayo para di masayang ang efforts natin at ang oras sa pag ppromote.
newbie
Activity: 168
Merit: 0
thank you for this TS napaka informative laking tulong sa mga baguhan na katulad ko. worth reading talga ika nga sa title ng topic.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!
Since wala naman po akong sMerits up ko na lang itong post kasi sobrang dami kong natutuhan and of course bago sa tainga ko yung TERMS OF USE, dagdag kaalaman din para umispot ng mga scam project. Well you did well sa post mo, need ito malaman ng maraming newbies at mga matatas din na rank members. This is a must read post, it will not waste your time reading it.

Thanks for appreciating, this topic needed to be up! kaya maraming salamat sa pag-up!
&
Mukhang hindi nga kapansinpansin sa ibang tao dahil mahaba pero admit it madami talagang matututunan diba.
Hindi masasayang oras mo sa pagbasa nito, i wish walang magnakaw ng content na ito at gawan ng version 2.

THANKS PO ULIT! APPRECIATED PO!

This topic is very amazing and worth bigyan ng merit. Sana ganito lahat ng poster, super extraordinary and willing makatulong sa tao. Mas naintindihan ko pa lalo kung paano magwork ang mga project scam. Up ko ang iyong topic dahil need talaga malaman to ng mga ne users ng forum na ito.

Sobrang nakakasatisfying po lalo na sa pakiramdam kapag gumagawa ng extraordinary posts so siguro magiging hobby ko na to
..
THANKS PO! APPRECIATED PO!

One merit for you for a well post thread and yeah it should be sticky on top and maybe Dabs or Rickbig will notice this informative thread.

Sobrang totoo talaga lahat ng sinabi dito though kung baguhan ka mahihirapan ka to differentiate those but over time mapapansin mo na yung mga flaws ng project and team. In this era of everything can be fake kaya na nilang gawin possible ang impossible kaya dapat doble ingat tayo.

Regarding sa survey, I think no dahil pag laging spoonfed ang mga tao eventually they'll be like parasites na laging aasa at maghihintay ng pagkain. Still, it's the best to do our own research.

Thanks for answering the survey, sa tingin ko nga din na baka umasa nalang sila ng umasa sa topics ko pero if we look to the positive side, may chance na mabawasan yung mga shitposters. Pero im trying to look forward pa rin po sa survey, MARAMING SALAMAT PO


THANKS PO! APPRECIATED PO LALO NA SA MERIT!


UPDATED:

I just got released my english version sa Begginers & Help
Hope you read it!
Please click it here; English Version of Paano makakaiwas sa BOUNTY SCAM 🔥🔥 WORTH READING 🔥🔥
Thank you!
hero member
Activity: 2184
Merit: 891
Leading Crypto Sports Betting and Casino Platform
One merit for you for a well post thread and yeah it should be sticky on top and maybe Dabs or Rickbig will notice this informative thread.

Sobrang totoo talaga lahat ng sinabi dito though kung baguhan ka mahihirapan ka to differentiate those but over time mapapansin mo na yung mga flaws ng project and team. In this era of everything can be fake kaya na nilang gawin possible ang impossible kaya dapat doble ingat tayo.

Regarding sa survey, I think no dahil pag laging spoonfed ang mga tao eventually they'll be like parasites na laging aasa at maghihintay ng pagkain. Still, it's the best to do our own research.
jr. member
Activity: 33
Merit: 8
"Throwing daggers to your ugly post"
This topic is very amazing and worth bigyan ng merit. Sana ganito lahat ng poster, super extraordinary and willing makatulong sa tao. Mas naintindihan ko pa lalo kung paano magwork ang mga project scam. Up ko ang iyong topic dahil need talaga malaman to ng mga new users ng forum na ito.
legendary
Activity: 1904
Merit: 1563
Since wala naman po akong sMerits up ko na lang itong post kasi sobrang dami kong natutuhan and of course bago sa tainga ko yung TERMS OF USE, dagdag kaalaman din para umispot ng mga scam project. Well you did well sa post mo, need ito malaman ng maraming newbies at mga matatas din na rank members. This is a must read post, it will not waste your time reading it.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!
This is a great help na thread, napakadetailed at for sure maraming matututunan ang mga tao dito, keep it up lang po sa pagtulong sa ating kapwa dahil kailangan din po nila ang service natin kahit papaano bilang tayo yong nakakaalam feel free to share those details na alam natin.

Salamat naman kung ganon! Patuloy ko pading gagawin ang best ko upang mabago ang ating community. Pansin ko talaga na sobrang dami pa ding members na galing dito sa atin local na kulang pa sa kaalaman.

Sana ay ma-up tong topic na 'to mukhang hindi kasi kapansinpansin ang Subject.
Magsisilbing pangpaggising 'to sa lahat ng bounty hunters.
sr. member
Activity: 770
Merit: 253
This is a great help na thread, napakadetailed at for sure maraming matututunan ang mga tao dito, keep it up lang po sa pagtulong sa ating kapwa dahil kailangan din po nila ang service natin kahit papaano bilang tayo yong nakakaalam feel free to share those details na alam natin.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!


WORTH READING TO, LALO NA SA NEWBIES

If you are asking me kung professional ako, Nope. Pero i have many experiences. Grin 80-90% ng sinabi ko diyan legit at wala namang mawawala sayo kung hindi ka maniniwala sa opinyon ko.

Sawang sawa ka na ba ma-S C A M sa bounty?
Sawang sawa ka na ba sa INVESTMENT S C A M?

Ito na yung thread na maaring maligtas ang sarili at ang pera mo.

May dalawa kasing generation ng bounty hunters ngayon dito sa forum na ito, Old and the new ones.
Sa ngayon, syempre dahil new generation na, sandamakmak ang mga members dito sa forum at syempre sandamakmak na din ang S C A M project na kumakalat dito.

Dati kasi mafefeel mo pang ligtas yung sinalihan mong bounty without looking or checking any information about the project.
Sa ngayon hindi mo na mafefeel, minsan kahit SIKAT at MATAAS NA RANK na B O U N T Y MANAGER naghohold na din ng scam project just for money.


Mga bagay na kailangang tignan para makaiwas kung S C A M ba ang isang project.

1. B O U N T Y ~ M A N A G E R S

Importante ito lalo na sa mga bounty hunters, Siguro naman may kilala na kayo at common niyong sinasalihan sa bounty, katulad nila needmoney atbp,. Bakit ko nasabing bounty managers samantalang kakasabi ko lang kanina na naghohold din sila ng scam project. Well, dagdag factor din kasi 'to sa paghahanap ng bounty campaign since kung scam man yung hinahawakan nila, reputation naman madadale sa kanila at pwedeng masira yung career nila as bounty manager.

Ang mga DT Members, binabantayin nila yang mga bounty managers na yan kaya no worries din. If ever na sinusuportahan nila ang isang scam project for money, at napatunayan yon, red trust ang abot nila.

Regarding naman sa mga sumusuporta sa scam projects, SOBRANG DAMI. Well, katulad nalang sa Tokensuite.io dahil gumawa kami ng isang scam accusation sa isang project before private sale nila, andami na din kaming proofs based sa observation namin pero tuloy pa din ang bounty campaign. Tinigil lang nila nung marami ng nakaalam, Odiba sayang efforts.

2. W H I T E P A P E R S

Nata-try niyo din bang magbasa nito? Saludo ako sa mga taong nagbabasa nito hindi yung sali lang sali sa campaign. Important factor din ito lalo na kapag investor ka, dapat alam mo kung para saan nga ba at nag conduct sila ng ICO, para saan nga ba ang plataporma nila, ROADMAP nila dapat alam mo din.

Dito mo makikita kung lehitimong project ba 'to at makikita mo rin kung POSIBLE ba yung ganitong project. Oo, tanong mo muna sarili mo kung POSIBLE yung proect bago ka sumali. Andyan si google para malaman mo ang lahat ng information na need mo kung POSIBLE ba na magawa yon at wag kakalimutan na member ka ng forum na 'to, pwede kang magtanong.

3. T E R M S ~ O F ~ U S E

Nagtataka ka ba bakit ko sinali 'to? Minsan ito yung pinaka simpleng paraan para malaman mong fake project yung sinalihan mo. Minsan kinokopya lang nila yung ToS, although may chances talaga na same ang ToS pero hindi dapat same usage of words diba? Magtataka ka, different projects pero same mind kayo pati count of letters parehas na parehas sa iba? Sandamakmak na words na pwede mong magamit, parehas pa? Nagkataon? IMPOSIBLE DIBA.

I think Hashcard is good at rephrasing ToS Grin
HashCard ToS --> https://www.hashcard.io/pages/TermsAndConditions/   Last Revised: March 5, 2018

Simplex ToS --> https://www.simplex.com/terms-of-use/ Last Revised: January 16th, 2018



So ayan may malupet ka ng idea, madami pa yan pero ito lang i-ququote ko. Kung gusto mong mabasa ng buo, click mo to: LINK 1 at LINK 2

4. D E V E L O P E R ~ T E A M / P R O J E C T ~ T E A M

Ito ang pinakamahalagang factor na need mo ding malaman, try mong i-check kung sino ba sila. Mamaya gawa gawa lang nila yung mga information nila at names nila.

LinkedIn account? Wag kayo maniniwala don, try niyong manghingi lagi sa telegram group ng Information about sa kanila. Don't trust the online information, pwede yang dayain. Try niyong i-check ang Social Media accounts nila dapat andon yung mga pagmumukha nila, laging tandaan LEGITIMACY is VERY IMPORTANT. Kung gusto nila at desidido talaga sila sa project nila ipakita nila mukha nila, hindi yung same picture sa lahat ng social media accounts, LMAO.

5. R A T I N G ~ S I T E S

DONT TRUST SOME RATING SITES.

Start palang ng project makikita mo 4.5 out of 5 agad ratings nila mga brother. Solid diba? Yung tipong biglang sulpot may ratings agad? Desperado sa pera pag ganon. Magtaka ka kung bakit mataas ang ratings nila, maganda ba talaga? unique? dun palang malalaman mo na kung magsasayang ka ng panahon or hindi. Minsan hindi nakasaad yung agreement between sa company sa sites, kulang kulan sa demo pero naka 4.5? Wow magic.

ICO Bench - https://icobench.com/
Itong website na 'to? sus, bayaran mga tao dyan. Some projects na naka-list maybe legit pero risky pa din right?
Better use ICO ratings -https://www.icorating.com/

6. D E M O & T U T O R I A L S

Importanteng factor din lalo na sa mga investors, magiinvest ka sa project nila dapat alam mo kung paano gumagana yung platform nila, uses and advantages. Minsan nga nauuna pa yung private sale before releasing a demo tapos ang demo napakabasura. Di ko nilalahat pero kadalasan ganon.
If Got Talent have magicians well developers have baby magicians too.

Katulad nito -- https://www.youtube.com/watch?v=gGOmZ10cu3Q
Well, crypto related debit card project then di naman pinakita ng maayos, pwedeng dayain lalo na yung text message. Napaka-fake.
Too good to be true.
(Proven na po yang hashcard scam, no worries)



Kung sa tutuusin madami pang iba or ways para tuklasin kung fake/S C A M project yung sinasalihan mo. Minsan common sense nalang pwede ka ng maligtas non. If this helps, wag kakalimutan i-like and share mga kaibigan, joke Hahahah.

Thank you for reading  Cool Cool



posting extraordinary contents for my "road to 250M campaign!" ~ Thanks for reading  Grin
Jump to: