Author

Topic: Paano mgprogram ng tokens???? (Read 188 times)

sr. member
Activity: 518
Merit: 278
January 15, 2018, 11:08:26 AM
#8
Kung sa Waves platform ka gagawa, madali lang. Hindi mo kailangan na may alam ka sa coding para makagawa ng sarili mong token. Sundan mo lang yung steps na tinuro sa link sa ibaba.

How to Issue a Token on the Waves Platform


Kailangan nga lang dapat may at least 1 Waves ka para makagawa ka. Yun kasi yung parang fee na sisingilin sa'yo para maging eligible at viewable yung token mo sa portfolio ng Waves.

Ngayon kung balak mo naman gumawa ng token gamit ang Ethereum network, diyan na papasok yung importansya ng kaalaman mo sa pag-code pero di naman required. Kung paano yun gagawin, pwede mong sundan yung tutorial ni Alex Van de Sande sa ibaba.

Ethereum in practice part 1: how to build your own cryptocurrency without touching a line of code


Madali lang din naman siya basta susundan mo lang. Kapag sa NEM platform mo naman gusto gumawa ng sarili mong token, katulad sa itaas, sundan mo lang din yung mga steps na nakalagay sa mga link sa ibaba. Pero kumpara sa Waves at Ethereum platforms, medyo may kaibahan itong NEM pero maganda din naman yan gamitin kung sakali.

Creating a token on the NEM platform


Sana makatulong sa'yo 'tong mga ito.
full member
Activity: 658
Merit: 126
January 06, 2018, 01:43:04 PM
#7
mga bossing meron po ba kayong mga how to para mgprogram at gumawa ng sariling token

Madali lang naman, ang need mo lang ay funds syempre at sariling specifications ng token lang symbol ticker decimals atbp kung sa erc20 gagawan ng token.
full member
Activity: 476
Merit: 100
January 06, 2018, 06:15:42 AM
#6
mga bossing meron po ba kayong mga how to para mgprogram at gumawa ng sariling token

Pwede mong gamitin yung minereum token creation service, madali lang at hindi required ang coding skills.

https://bitcointalksearch.org/topic/ann-minereum-token-creation-service-create-your-own-erc20-ethereum-token-1975550
http://tokenservice.minereum.com/

Thank you sir, pagaralan ko po, malaking tulong para sa akin at sa iba pang mga nagtatanong kung paano.
full member
Activity: 476
Merit: 100
January 02, 2018, 11:42:18 PM
#5
mga bossing meron po ba kayong mga how to para mgprogram at gumawa ng sariling token
anong klaseng token, ethereum erc20 token? first dapat may ipapangalan ka sa token mo, dapat may symbol, kung ilan decimal places, at kung ilan yung total supply ng token na gagawin mo. Yung contract code pwede ka makakuha ng copy nun tapos edit mo na lang yung mga token name,symbol,supply,decimal places at kung may gusto ka pang baguhin or kung may alam ka sa programming. Tapos gawa ka ng wallet kung saan ito ang magiging owner ng contract, pwedeng sa myetherwallet, mist, or metamask. Tapos kailangan mo ito i-compile para ma-publish ito sa blockchain (hindi ko alam kung paano ito ginagawa, search mo nalang haha). Tapos pag okay na lahat pwede mo na iconnect sa mainnet (kailangan mo ng funds para dito using Ethereum). And lastly ipa-verify mo ito sa etherscan but not required kung for fun lang naman. O kaya basahin mo nalang to https://www.ethereum.org/token nandyan na din example ng contract code.

Thank you sir, maraming salamat pagaaralan ko possible kasi na mangyare na ang mga companies natin dito sa pilipinas ay yakapin na din ang etheruem, kaya gusto ko pong pagaralan maraming salamat po
full member
Activity: 280
Merit: 100
January 02, 2018, 07:40:08 AM
#4
pwedi naman ata halos lahat naman ng token ginagawa sir kaya walang dahilan na hindi tayo maka gawa ng sariling token natin soon pa ata lalabas yung sariling token natin.
full member
Activity: 154
Merit: 101
January 02, 2018, 04:33:32 AM
#3
mga bossing meron po ba kayong mga how to para mgprogram at gumawa ng sariling token

Pwede mong gamitin yung minereum token creation service, madali lang at hindi required ang coding skills.

https://bitcointalksearch.org/topic/ann-minereum-token-creation-service-create-your-own-erc20-ethereum-token-1975550
http://tokenservice.minereum.com/
full member
Activity: 490
Merit: 106
January 02, 2018, 03:30:54 AM
#2
mga bossing meron po ba kayong mga how to para mgprogram at gumawa ng sariling token
anong klaseng token, ethereum erc20 token? first dapat may ipapangalan ka sa token mo, dapat may symbol, kung ilan decimal places, at kung ilan yung total supply ng token na gagawin mo. Yung contract code pwede ka makakuha ng copy nun tapos edit mo na lang yung mga token name,symbol,supply,decimal places at kung may gusto ka pang baguhin or kung may alam ka sa programming. Tapos gawa ka ng wallet kung saan ito ang magiging owner ng contract, pwedeng sa myetherwallet, mist, or metamask. Tapos kailangan mo ito i-compile para ma-publish ito sa blockchain (hindi ko alam kung paano ito ginagawa, search mo nalang haha). Tapos pag okay na lahat pwede mo na iconnect sa mainnet (kailangan mo ng funds para dito using Ethereum). And lastly ipa-verify mo ito sa etherscan but not required kung for fun lang naman. O kaya basahin mo nalang to https://www.ethereum.org/token nandyan na din example ng contract code.
full member
Activity: 476
Merit: 100
January 01, 2018, 09:44:43 PM
#1
mga bossing meron po ba kayong mga how to para mgprogram at gumawa ng sariling token
Jump to: