Author

Topic: Paano nga ba mag bottom fishing? (High reward trading strategy) (Read 87 times)

sr. member
Activity: 1820
Merit: 436
Dati nung active pa ako sa trading madalas ganito rin ang ginagawa ko since mastaas ang chance ng profit lalo na kapag may biglang pagdrop down ng presyo sa masket the n cutloss and set the profit i mean mataas talaga ang chance na magprofit and hindi ka din mauubos dahil may cutloss naman, Pero kahit anong plot pa rin naman ay hindi pa rin naten mapepredict accurately ang market so hindi pa rin talaga palaging panalo so set a limit parin sa itatrade mo. May winners at loserrs pa rin so may chance talaga na maubos mo kahit may cutloss.

Medjo nakakadrain nga lang ito since need mo bantayan talga ang market and news para mapredict ang galaw ng market usually kapag may news talaga magkakaroon ng malaking spike so pwding opportunity yun for profit. So siguro if hindi mo kaya bantayan ang market magtrade ka nalang paminsan-minsan kung saan sigurado ka na makakaprofit ka.
sr. member
Activity: 763
Merit: 252
bottom fishing pla tawag nito kakatuwa... working nga yung ganitong strategy kasi ganito din ginagawa ko.. pacensya at tyaga lang sa pag aantay at pag aababang timing at tamang pakiramdam 90% paldo yan.. dapat yung aabangan mo talaga yung malalimang bagsak madalas nang yayari yan sa 15 min tf..
sr. member
Activity: 588
Merit: 351
Palagi ko tong ginagawa noon at sa pagkakaalam ko short trading ang ito. Ito pala other term niya. Usually di ko na ginagawang komplikado yung trades ko kasi most of the time di ko nababantayan market. May isang beses nga na liquidate pa ako dahil nakalimutan kong mag stop loss, buti na nga lang at kaunti lang yung nilagay ko. Mula nun naglalagay na akong stop loss, pero most of the time delikado rin kung di mo nababantayan, maigi talaga kapag updated ka rin sa mga balita para matik alam mo susunod na papaldohin. Then again super risky nito, walang pinagkaiba sa pagsusugal sa mga laro.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
Sa tagal-tagal ko ng nagtitrade, ngayon ko lang nalaman na bottom fishing pala ang tawag dyan kaya nakakamangha Cheesy. Very useful yang strat na yan at talagang ginagamit ko rin yan.

Meron lang ang akong konting idagdag sa strategy na yan para mas profitable pa. Yan yung mga confluence, kung mas marami ang confluence, mas malaki chance.

Pagkaplot mo ng Fib sa 0.5 - 0.618 (golden zone) at ng key levels, pwede mong idagdag yung indicator na EMA 50, at RSI. Kailangan dito is yung ema 50 ay nasa golden zone at yung RSI ay nasa 50 rin kasi yung 50 will act as dynamic support and resistance. Wait nyo lang ang magkaroon ng sign of reversal sa area na yan din entry at SL sa area na palagay mo mainvalid na yung trend.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 281
Una sa lahat ano nga ba yung bottom fishing?

Ang bottom fishing ay isang trading strategy kung saan bibili ka or kukuha ng position kapag yung market nag crash or kapag nag retrace naman. Una sa lahat ang trading strategy na to ay mag pag ka risky
kasi against the trend yung ginagawa mo pero kapag nakuha mo yung bottom, matik na paldo ka dahil sa sobrang laki ng gain na pwede mong makuha o ma gain.

Nakita naman natin na nung mga nakaraang araw eh bumagsak yung BTC and other cryptocurrencies then kahapon naman nag si bawian yung market and madami naka bili sa bottom kasi nga naka pag bottom fish sila

Sana makatulong tong mga tips and steps para may chance din kayong makakuha sa bottom. Madami kasing natatakot na bumili sa bottom kasi nga yung market sentiment ay hindi maganda so yung ego nila sinsabi na wag silang bumili. Madaming opportunities
ang nasasayang so better na maging neutral tayo palagi para hindi natin ma miss ang mga ganitong klaseng opportunities. Isa to sa mga high profit strategy na pwede niyong gawin sa trading career niyo. Mas better if quickie trade ito pero pwede niyo din na
ihold for long term investments.

Steps kung paano mag bottom fishing

1. Mag hintay ka muna ng crash sa market or retracement
2. Use fibonnaci, i plot mo sa mga key levels. Bali swing low to swing high lang. Makikita mo kasi dito yung levels na pwedeng mag bounce yung price. Mataas yung possibility na yung price ay nabobounce between sa 50%-61.8% fibonacci levels.
3. Gumawa ka ng plan and yung mga nilalaman ay:
- entry
- stop loss (no excuses and mercy) wag na wag mong iaadjust yung stop loss mo
- trail stop
- margin
4. Ilagay mo yung orders mo with confidence. Wag kang mag hehesitate or matatakot dahil may plan ka naman
5. Hayaan mo yung market na gawin kung ano gusto niya. So ibig sabihin hintayin mo lng if macucutloss kaba or makakapag take profit ka
6. Enjoy the rest of the day!
Jump to: