Magandang obserbasyon nga yang nakita mo dahil nga sa maagang pagkabangon ng Tsina sa Covid crisis. Nagkaroon sila ng pagkakataong buksan agad ang industriya nila at malaki nga ang tsansang hindi magkakaroon ng kahit anong problems ang currency nila. Lalo na sa mga balita ngayon karamihan sa mga ginagamit na test kits sa Pilipinas (at malamang din sa ibang bansa) ay galing din sa Tsina. Feeling ko lang may ibang rason na magaangat sa bitcoin, which I can't wait to see how that one plays out.
Kung meron kang proof na "illusion" lamang itong ng gobyerno ns China I would happily accept na mali yung sinabi ko pero kung wala we can say na bumalik na din sa dati yung normal life sa China. Makikita mo naman sa balita lately na aside sa ongoing production ng mga factories sa bansa nila makikita mo na tuloy na din yung gulo sa Hong Kong as well sa South China Sea with their "9-dash Line" claim na lahat ng ito hindi nila ginawa nuong pag-usbong palang ng COVID-19 sa bansa nila, dun palang alam mo ng wala na silang problemang kinakaharap sa pandemic kaya nakakagawa na sila ng ganito.
Kaya nga sa post ko sinabi ko na wag na natin masyadong palakihin yung news na ito dahil this one is more like a speculation rather than a real news. Dapat masanay na tayo sa mga news sources natin na halos lahat ng bagay na pwede nila i-connect sa movement ng Bitcoin ay palagi nilang gagawan ng balita even if wala namang strong evidence na nag-coconnect sa dalawang events dahil sa kada intriguing topic na magawa nila ay makakapag-generate ng traffic para sa website nila. Kaya dapat palaging wag basta basta maniwala sa mga news at dapat talagang mag-background research sa ating mga binabasa.