Author

Topic: Pagusapan natin ang FATF Travel Rule at ang epekto nito sa Pinas (Read 177 times)

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~ Hindi naman tayo miembro ng FATF pero sa tingin ko susunod at susunod tayo otherwise mapapasama tayo sa blacklist, although napasama na tayo dati dito.
Hmmm, tingin ko sapat naman na ang mga anti-money laundering measures ng BSP para hindi masama sa non-cooperative countries. There is no way na mag-convert ang isang user gamit ang centralized exchange at custodial wallets na hindi nalalaman ang pangalan niya (except yung below threshold).

Maganda rin sigurong makati ang mga sagot ng mga top exchanges tungkol sa guidelines na to. Hindi ko matandaan kung may mga sumagot na sa kanila.
Kung exchanges dito sa Pinas, alam ko wala pa. Kapag international exchanges, may tatlo na yata. Isa na dyan ang Binance - Binance Partners with Coinfirm to Protect the Global Cryptocurrency Economy and Ensure Compliance with FATF AML Rules

~ Wala naman problema kung may BTC ka sa wallet mo, ang magiging problema lang nito eh pag pinalitan mo na sa Peso. Maraming tanong tanong na karamihan satin ay ayaw nito. Tiyak magulo to sa umpisa,  Grin
Ayun na nga, marami pa din sa atin ang hindi kumportable magbigay ng identification dahil na din natuto tayo magpahalaga ng privacy. Imagine kung  yung papadalhan mo sana ay ayaw din maibigay ang info niya, labo-labo na Grin (may workaround naman pero dagdag trabaho at extra gastos).

Wala siguro problema kung tratuhin yung pagpapadala ng crypto as parang nagpapadala lang ng pera gamit ang LBC o Palawan gaya ng nabanggit ko sa OP.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Antayin na lang natin kung ano ang mangyayari sa darating na Hunyo. Binigyan ng 1 taon para sundan tong mga guidelines at itong Hunyo ang susunod na review. Hindi naman tayo miembro ng FATF pero sa tingin ko susunod at susunod tayo otherwise mapapasama tayo sa blacklist, although napasama na tayo dati dito.

Maganda rin sigurong makati ang mga sagot ng mga top exchanges tungkol sa guidelines na to. Hindi ko matandaan kung may mga sumagot na sa kanila.

Hindi lang sa Pilipinas to makaka apekto, pero sa ating mga crypto enthusiast, madaming adjustments nga, daming information na dapat ibibigay. Wala naman problema kung may BTC ka sa wallet mo, ang magiging problema lang nito eh pag pinalitan mo na sa Peso. Maraming tanong tanong na karamihan satin ay ayaw nito. Tiyak magulo to sa umpisa,  Grin
legendary
Activity: 3416
Merit: 1912
The Concierge of Crypto
The correct answer to such questions is always "I do not own bitcoin." ... You have control of them, but you don't "own" them. If you want to get technical, send them to some other site or custodial wallet, then at least, not your keys, not your coins talaga. (at the risk of losing them if the exchange or wallet dies on you.)

For sending to other people, eh, at least, with the two exchanges I use (rebit and coins), you really have to put that info or else paano nila babayaran yung account. They don't really ask much except, I think tinanong ako, bakit ka nag send sa ganitong tao. Ang sagot ko, may binayad lang ako sa kanya for services.

Nag tanong, anong services, ang sagot ko, online. Siguro na buwiset na, hindi na nag tanong pa kung ano yun. I think I may have also said "personal service o transaction". Kasi sa totoo lang, none of their business naman. I'm paying someone to send them money.

Siguro rin, kaya makulit itong mga exchanges, eh, wala din sila ibang magawa, kasi maliit sila in terms of volume compared to the major banks. They don't handle millions or billions of pesos, they don't have real physical brick and mortar branches inside the malls, they don't have the sheer number of deposit accounts ... so ano ginagawa nila, eh, mag hanap ng kukulitin...

Anyway, sanay na ako dyan, at alam ko ang sagot sa bawat tanong, trying to be as vague as possible without attracting attention. I'm just ranting kasi nakakainis na.

Again, I deal with the big banks, I do online and offline transactions, I handled payroll, and they're all over ten times whatever I do with the crypto exchanges. No questions. No interviews. No video calls. Sure, I deal with the bank managers and tellers face to face, baka pwede na yun.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~
Ang isyu ko is yung mga crypto exchanges that like to ask too many questions. Comply lang naman ako, pero nakakainis. BDO, BPI, Metrobank, they do not ask questions.
In fairness to them, bago pa sila compared to well established banks. Kumbaga, mas tinututukan sila ng regulators kaya palaging may extra precaution sila gaya ng pabalik-balik na verification.

For many of us na sanay na magbigay ng personal info, wala siguro problema. The other thing here is yung recipient. Kung sakaling hindi natin wallet yung papadalhan (babayaran ng utang halimbawa), kailangan din disclose pangalan niya. What if ayaw niya or what if hindi talaga natin sila kilala? We'll probably have to reroute from custodial exchanges/wallets to our own non-custodial wallets then saka tayo magpapadala.



If ever ma mag-greenlight toh sana yung burden ng pag verify ng ating mga data ay mangagaling sa VASPs and not on the user itself, kasi malaking sakit sa ulo nito at hassle lalo na kung mag-tratravel ka sa ibang bansa. Ano yun? Pag nagtratravel tayo tatagal tayo ng ilang oras sa immigration para lamang i-disclose yung crypto assets na dinala natin at ma-verify ito? Sana hindi ganito yung mangyayari kasi lahat tayo maapektuhan. If ever na ipatupad nila ito dapat gumawa sila ng isang system na mako-connect yung KYC data natin together with our passport to ensure that no added delays will happen when it comes to us travelling in other countries. Siguro magiging benefit na din ito ng mga bansa with a smooth and running system to ensure that no dissatisfaction will happen on both sides.
If ever you are going to declare na meron ka nga, I'm not exactly sure how that will work but I believe verification will have to come from our regulators (BSP). Sila din naman mangungulekta ng mga exchange data eh at sila lang din naman authorize makipag-communicate sa gov't authorities ng ibang bansa.

Naalala ko tuloy yung nabasa kong post way back 2017 or 2018 (not sure) kung saan binigyan sila ng form to declare yung assets na dala nila. Kasama sa listahan yung tanong na "do you own bitcoin?".
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
If ever ma mag-greenlight toh sana yung burden ng pag verify ng ating mga data ay mangagaling sa VASPs and not on the user itself, kasi malaking sakit sa ulo nito at hassle lalo na kung mag-tratravel ka sa ibang bansa. Ano yun? Pag nagtratravel tayo tatagal tayo ng ilang oras sa immigration para lamang i-disclose yung crypto assets na dinala natin at ma-verify ito? Sana hindi ganito yung mangyayari kasi lahat tayo maapektuhan. If ever na ipatupad nila ito dapat gumawa sila ng isang system na mako-connect yung KYC data natin together with our passport to ensure that no added delays will happen when it comes to us travelling in other countries. Siguro magiging benefit na din ito ng mga bansa with a smooth and running system to ensure that no dissatisfaction will happen on both sides.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1912
The Concierge of Crypto
Ok lang sana kung basic information lang ang hinihingi, kagaya ng totoong banko, like any of the top banks, ang hinihingi lang naman address mo and contact info You normally don't need to do any video calls or talk to anyone but the teller; minsan manager ng banko.

Other than that, wala naman sila lahat tanong tanong sa milyon piso na gumagalaw from one account to another. Ang isyu ko is yung mga crypto exchanges that like to ask too many questions. Comply lang naman ako, pero nakakainis. BDO, BPI, Metrobank, they do not ask questions.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Kung matatandaan natin, naglabas sila ng final recommendation noong 2019 sa mga kasapi nitong bansa para labanan ang money laundering. Isa na dyan ang Travel Rule - yung policies na dati ay para lang sa mga financial institutions (kagaya ng bangko) ay gagamitin na din sa mga palitan ng crypto. 

Bago tayo tumuloy, bigyan linaw muna natin ang ibang terms:
  • FATF (Financial Action Task Force) - an intergovernmental organization founded in 1989 on the initiative of the G7 to develop policies to combat money laundering. In 2001 its mandate expanded to include terrorism financing. Source
  • VASPs (Virtual Asset Providers) - Includes crypto exchanges and custodial wallet providers


Ano nga ba ang layunin ng Travel Rule?

Ayon sa FATF guideline (paragrap 7b), ang bawat VASPs ay kinakailangan kolektahin at ipagalam sa kinauukulan ang iba't ibang mga datos ng mga magpapadala at yung papadalhan ng virtual assets. Kabilang na dyan ang mga sumusunod
  • Pangalan, address, account number/wallet address, ID at iba pang pagkakakilanlan ng nagpapadala
  • Pangalan at account number/wallet address ng papadalhan

Kung mapapansin ninyo, hindi na ito KYC-level data gathering lang. Kung sakaling ibang tao ang papadalhan mo, kailangan mo din i-disclose kung sino ito. Hindi ko makita sa mismong guidelines pero may nababasa akong articles na ang threshold ay $1,000 pataas.


Kelan ipapatupad ang Travel Rule?

Naatasan ang mga 37 countries na kasapi ng FATF na sumunod sa alituntunin isang taon mula noong ito ay malathala. Bale halos walong buwan na ang nakakalipas at meron na lang silang apat na buwan para mag-set ng kani-kanilang policies na naayon sa travel rule.


Ano ang epekto nito sa atin?

Sa kasalukuyan, bawat palitan at custodial wallets (i.e. coinsph) na alam ko dito ay may kanya-kanyang KYC policy na pero dahil hindi pa naman kasali ang Pinas sa mga bansang bumubuo sa FATF, hindi na kailangan sumunod. Ibig sabihin, hindi na kailangan ipaalam pa kung kanino tayo magpapadala.

Hindi ko nga lang masabi kung mananatiling ganito dahil nagkaroon ng pagpupulong ang IMF at ang ating Bangko Sentral noong nakaraang taon kung saan iminungkahi na mangolekta ng exchange data ang BSP. (Para sa hindi nakakaalam, ang G7 na siyang nagpalabas ng travel rule ay kasapi din ng IMF)

Quote
The data should indicate both the country of origin and destination of the funds transacted, it noted and would be most useful if it were broken down to reveal the parties involved in transactions between individuals, financial and non-financial corporations.


Labanan na ito ng privacy/anonymity at regulation pero mukhang wala tayong magagawa kung sakaling sumunod ang BSP sa mungkahi ng IMF dahil maliban sa peer-to-peer, wala ng ibang palitan dito na pwede ang crypto-fiat or vice versa at hindi kokolektahin ang personal info mo. Naisip ko din na parang nagpapadala ka lang ng pera gamit ang traditional remittance centers gaya ng WU, LBC, at iba pa.

 

References:
https://cointelegraph.com/news/governments-begin-to-roll-out-fatfs-travel-rule-around-the-globe
https://cointelegraph.com/news/imf-urges-philippines-central-bank-to-collect-crypto-exchange-data
http://www.fatf-gafi.org/media/fatf/documents/recommendations/RBA-VA-VASPs.pdf
http://www.fatf-gafi.org/about/membersandobservers/
https://en.wikipedia.org/wiki/Financial_Action_Task_Force_on_Money_Laundering
Jump to: