Natawa naman ako sa hitsura ng NFT na ginawa ng PAL
seryoso ba sila sa pinaggagawa nilang ito? Sa palagay ko yung artist nyan at PAL lang talaga ang makikinabang dyan.
Naalala ko tuloy 2 years ago meron akong kaibigan na isang artist, matagal na kaming hindi nagkaroon ng kamustahan
tapos all of a sudden bigla siyang nagpm sa akin sa messenger at tumawag via videokol at tinatanung nya ako tungkol
dito sa Bitcoin o cryptocurrency.
And to cut the story short gusto nyang pakinabangan yung knowledge ko sa crypto space para imarket yung kanyang master piece
na ikonek sa NFT, binigyan ko siya ng mga link kung ano yung mga guidelines na dapat nyang gawin, pero ang gusto nyang mangyari ay imarket
ko yung kanyang master piece na iconvert sa NFT. Siyempre tinanung ko siya, ano ang magiging benepisyo ko sa gusto nyang mangyari?
Ang sagot nya lang sa aking ibibigay nya daw sa aking yung list of breakdown tapos ako na bahala kung magkano gusto kung ipatong sa NFT nya.
Nung pagkasabi nya na ganun, napailing nalang ako at natawa sa kanya, then sabi ko sa kanya ang crypto space ay hindi katulad ng
direct selling na merong fix amount. Sinabi ko rin sa kanya na nandito ako sa crypto space hindi para maging retailer ng NFT, isa lang ako sa mga indibidwal traders sa community dito. Hirap talaga pag walang alam sa industriyang ganito, gaya nalang dyan sa PAL na yan.