Author

Topic: Palaguin ang ating Skills (Read 9 times)

hero member
Activity: 1932
Merit: 546
February 02, 2025, 11:34:46 PM
#1
Hello ulit sa mga ka lokal ko dito, alam ko madami sa atin dito ay naghahangad na magtagumpay itong bull run na ating kinakaharap sa ngayon, at sana nga ay karamihan sa atin dito ay pumaldo sa mga hawak nating mga crypto assets. Kung kaya naman magkaroon lang tayo ng konting brainstorming ika nga para magbigayan tayo at magpalakasan ng loob sa isa't-isa para maging maayos at tama ang ating ginagawang desisyon sa mga hinohold nating mga assets.

Dahil para magtagumpay tayo dito sa crypto space dapat lang na pag-ibayuhin nating mapalago, ang ating skills sa field na ito. Lahat tayo merong skills dito sa industry na ito, kailangan lang aralin at alamin natin ng tama yung mga bagay na dapat ay alam talaga natin. Kasi tayo ang Driver dito at itong crypto space ang sasakyan natin.

So bilang driver, dapat alamin muna natin yung kondisyon ng ating sasakyan, icondition natin, at ayusin yung makikita natin na may problema, sapagkat kung nasa tamang condition ay for sure na mararating natin ng maayos yung destination natin. So kapag may nakita kang mali sa hinohold mo na crypto assets palitan mo ng ibang assets na mas tama at may higit na potential sa dati mong hold. Dahil ang pagpasok natin dito sa crypto industry ay hindi katulad ng pagtama sa lotto na nanalo ng wala kang pinaghirapan sa napanalunan, kaya karamihan sa mga nanalo sa lotto ay nauwi rin sa wala dahil yung dating mindset nila nung mahirap pa sila ay ganun parin naman nung nanalo sila at hindi nila ito pinalitan, hindi katulad ng meron kang SKILLS kapag napractice natin ito ng tama ay for sure na pakikinabangan talaga natin ito passively.

Happy SUCCESS to all...
Jump to: