Limitado ang option sa mismong application ng Ledger o ang Ledger live pagdating sa iba pang teknikal na bagay na nais natin gawin sa ating wallet address. Isa na dito ay ang pag sisign ng message. Ngunit paano nga ba ito maisakatuparan? Kinakailangan mong mag download ng Electrum sa
https://electrum.org/#home. Susubukan kong gawing mas simple ang bawat steps para madaling sundan. Simulan na natin
Unang gagawin:I-connect muna nag ledger sa PC or laptop at siguraduhing nasa "Use Wallets to view accounts" ka na matatagpuan sa bitcoin app sa iyong Ledger.
Next na gagawin: I open ang Electrum App at palitan ang default name ng Wallet sa iyong nais. Sa akin "Hardware" ang nilagay ko
Sunod na gagawin: Panatilihing nasa "Standard Wallet" and radio selection at i click ang "Next".
Sunod na gagawin: Piliin ang "Use a Hardware Device" at i click ang "Next", ang kasunod na step ay isa lang naman ang choice kaya "Next" ulit.
Next na gagawin: Pumili ng wallet na gusto mong i import sa electrum. Sa akin halimbawa ay yung Legacy Wallet at i-click ang "Next".
Kasunod: I check ang "Encrypt Wallet file" para masiguradong kailangan ang Hardware (Ledger) sa tuwing bubuksan ang wallet.
Ilagay lamang ang Address, Message, at Signature ng iyong signed message na makikita sa ibaba.
Next na gagawin: Magtungo sa tab ng "Addresses" at pumili ng Address na nais mong i sign.
Next: Magsulat ng message na nais mong ilagay, then click "Sign". Note* na kailangan mong i click ang yes sa iyong Leger Hardware.
Successful ka nang nakapag Sign ng Message gamit ang iyong Ledger Hardware at Electrum!Maraming website at tools na maaaring gamitin upang ma verify ang signed message na iyong ginawa, isa na dito ay gamit ang
brainwalletx.github.io/#verifyMaraming salamat sa pag babasa, sana ay napahatid ko ng maayos ang tutorial na ito.