1. Kunwari po ay nagpareserve ka para sa isang translation, Pano niyo po maittranslate ang ANN Thread at Whitepaper? Ibibigay po ba sayo ng OP ang Template niya para sa Whitepaper at ANN? o Sariling sikap po ito?
2. Kung sakaling mang matangap, Ang Whitepaper ay naka PDF Kadalasan pano niyo po ito ma eedit? May application po ba na ginagamit para dito? at pano rin po ito maiuupload sa para magkaron ng link ito?
Maraming Maraming salamat sa lahat po ng tutulong sakin.
Genia
Make a reservation sa gusto mo na bounty campaign.
Simple lang, Post/Reply ka lang at sabihin mo na gusto mo na i-translate yung project nila mapa ANN thread man yan, bounty thread o whitepaper. Kailangan muna ng proper authorization o permission mula sa mga campaign managers para mai-translate yung proyekto nila. Without it, kung basta-basta ka lang mag-tatranslate, mauuwi lang sa wala yan kung hindi ka rin naman babayaran.
Usually, sariling sikap ang pagsasalin-wika dito sa bitcointalk.
Minsan naman mayroong mga resources na ibibigay ang mga campaign managers para mapabilis ang pagsasalin-wika mo.
Halimbawa: PSD file ng boung announcement thread.
Sa Announcement thread, swerte mo kung puro texts lamang ang laman ng thread nila, madali lang yan,
Sa right part ng screen mo, may "Quote" Function jan, Pindutin mo yun at i-copy lahat ng nilalaman nun.
Pumunta ka dito sa local section natin ay gumawa ng bagong thread, paste the copied texts, then alisin mo yung "Quote" (nasa first and last line yan palagi)
Then, simulan mo nang i-translate.
Kung Puro images naman ang Announcement thread nila. You may need an Image editing software.
Much better na gamitin dito is Adobe Photoshop.
(Google mo nalang at i-download mo, o bumili ka ng copy )
Ang mga nai-translate mo na images, i-upload mo sa isang free image hosting sites.
Halimbawa: imgur.com
Sa Whitepaper naman, Usually PDF File ang mga yan, madalang nalang ang .doc o kahit anong MS word related files.
Kaya kailangan mo yan PDF Editor din.
Pwede jan ang Nitro PDF Editor o Adobe Acrobat DC.
(Google ka nalang din, marami pang katulad na ganyan na mga applications.)
Tandaan na hindi po dapat WORD by WORD ang pagta-translate, ang importante ay nakuha mo ang nilalaman ng bawat sentence/paragraph o kung ano ang ipinahihiwatig ng author sa mga readers. Mas nagiging magulo kasi at mahirap intindihin kung bawat salita ay ita-translate mo.
It would help kung may kasama/kaibigan ka na mauutusan mo para basahin ang natapos mo na pagsasalin-wika.
Basta, Just always keep in mind na dapat ang end results mo ay maiintindihan ng kahit na sinong Filipino reader.