Para dun sa mga eksperto, inuusisa nila yung code, tapos yung algorithm na ginamit, yung percentage ng premined coins, etc. Pang mga coding experts kumbaga. Naintindihan na nila yung mga technical programming aspects ng isang crypto project. At kung may napansin sila dun na kakaiba tapos itatanong sa dev at di sila nabilib sa sagot, ayan na... tatawagin na nilang scam.
Dun naman sa mga hindi kailangan intindihin ang programming language, dahil alam nilang may mga qualified na mag usisa tungkol dun, aalamin nila kung ang isang project ay may escrow dahil kung wala, malaki ang posibilidad na itatakbo lang nung developer yung mga ininvest ng mga taong nagtiwala sa project nya.
Tapos, aalamin din yung mga developer ng project. Kailangan properly identified hindi yung alias lang ang pangalan tapos hindi makita ang mukha at sino ba siya, mga qualifications nya, etc.
May hinahanap din na white paper, wallets, block explorer, bounties, road map, ano ang over all purpose and plan para dun sa crypto nila, mga activities para maging functional yung crypto, at kung saan exchange mai-trade yung crypto.
So far yan ang natutunan ko. Out of experience yan sa iilang araw ko pa lang dito sa bitcoin talk. May pinasukan akong ICO, drat, dun ko nalaman lahat ng palpak. Sumali ako sa signature campaign, nakuha ko yung bounty. Binalikan ko yung unang page ng post at napansin na ang ke gandang announcement, balak pala magkaron ng sariling exchange! Lech. Mukhang hindi makakarating ang crypto na yun sa popular exchanges. Kaya ang comment ko dito, galing lahat yan sa natutuan ko sa sinalihan kong ICO.
Btw, napansin nyo ba na karamihan ng mga bagong ICO na gawa ng isang newbie account ay gawa ng Indian? Di naman ako nagdi-discriminate kaya lang napansin ko lang. Tapos mga copy paste lang sila ng mga announcemnt. Correct me na lang po if I'm wrong. Cheers.
The problem kasi is ang ICO hindi nilalabas and source code. It will be given after ICO, very rare lang sa mga ICO and nilalabas ang source code bago pa matapos ang ICO nila.
In my opinion lahat ng ICO may possibility na maging scam. Pwede naman silang tumagal ng taon then after some years, scam pla sila. Talagang suntok sa buwan ang pagtaya sa ICO, the best is makiride na lang sa profitabilty but holding it for the long run is a no for me. Pagnakakita ng chance na kumita benta na agad kesa maiwang bagholder ng isang shitcoin worst scamcoin.