Author

Topic: PARA SA NEWBIES: PAANO MAGPARAMI NG FOLLOWERS SA TWITTER (Read 87 times)

member
Activity: 98
Merit: 16
Magandang araw sa lahat! Alam kong maraming baguhan dito ang gustong sumali sa mga social media campaigns para sa income. At malamang naman ay alam niyo na, pero nakadepende lagi sa followers mo sa TWITTER at friends mo sa FACEBOOK kung gaano karaming stakes ang maibabahagi sayo.

In short, dito nakadepende ang kikitain mo.  Wink Wink


Alam nating hindi ganoon kadali magkaroon ng followers at friends, lalo na kung baguhan ka na walang kilala o kapit sa mundo ng cryptocurrency. Ang ibabahagi ko ngayon ay mga natutunan ko rin sa aking mga kapwa cryptocurrency-enthusiasts na siyang ginawa ko rin. Ilang araw lamang ay aabot na ng THOUSANDS ang inyong followers at friends.

Ang maibabahagi ko sa ngayon ay mga TIPS KUNG PAANO MAGPARAMI NG FOLLOWERS SA TWITTER:

1. Syempre, may alternate account akong ginawa para sa pagpasok ko sa mundo ng bitcoin. Kapag gumawa ka ng account, siguraduhin mong halatang isa ka ring bitcoin enthusiast. Paano? Maaari mong gawing related sa bitcoin ang iyong username, halimbawa: Bitcoinlover123, Cryptomaniac24/7. Pwede rin namang ang pangalan mo ay sinasabi mong magffollowback ka para sure na maraming magfollow sayo. Halimbawa: I FOLLOWBACK 101%.

2. Napakahalaga ng bio, dahil ito agad ang makikita ng mga tao bukod sa picture at username mo. Ang bio mo dapat pinapakitang isa kang user na sure na magfo-followback AT may mga hashtags tungkol sa cryptocurrency. Halimbawa:
 
FOLLOW ME I FOLLOW BACK 100% 😃🧡#crypto #BTC #bitcoin #cryptocurrency $BTC $ETH $LTC #Crypto

#взаимныйфолловинг #bitcoin #cryptocurrency #follow2follow #followback #bounty #btc #eth #crypto #взаимнофолловлю #Follow100 #FOLLOWFAST #ICO


Pwede mong i-copy paste ang mga ito para mapadali sayo, pero mas maganda kung dadagdagan mo o iibahin mo kahit onti.  Grin

3. Ang profile picture at cover picture mo ay gawin mong related sa bitcoin. Halimbawa: picture ng bitcoin o anumang cryptocurrency. (Tingnan ang mga account sa baba).

4. Bago pa ako pumasok sa mundo ng bitcoin, mayroon na akong mga kakilalang matagal na sa industriyang to. Ngayon, ganito magkaroon ng followers: Pumunta sa account ng isang bitcoin/crypto enthusiast > pumunta sa kanyang FOLLOWERS o FOLLOWING > I-follow lahat ng makikitang accounts doon, lalo na yung mga halata mong nagbi-bitcoin din (yung ang mga bio ay katulad ng sinabi ko sa taas).

Para makapagsimula ka, maaari mong isearch yung mga hashtag na nakalagay doon sa examples ng bio sa taas. Pili ka ng account at gawim ang step 4.

(I-follow niyo na rin itong mga ito kung gusto niyo, sure na ifo-followback kayo niyan)

5. Maging masipag. Oo, nakakatamad pumindot ng pumindot ng follow, pero sinisigurado ko sa inyo, sulit naman ito kung talagang desidido kayo magparami ng followers at pasukin ang mundong ito. WAG RIN KAYO TAMARIN MAGFOLLOWBACK. Hindi porket may nagfollow na sa inyo ay okay na. Lahat tayong nandito ay hindi naman magkakakumpetisyon. Magtulungan tayo!  Cool Cool

Ayun lamang, sana makatulong ang mga tips na binahagi ko sa inyo!  Grin
Jump to: