Author

Topic: Paraan paano labanan ang Katamaran at maging ACTION TAKER (Read 46 times)

sr. member
Activity: 952
Merit: 303
VPN Friendly & Exclusive Bonuses!
Ito yung mga meron ako dati Smiley

TAMAD!

Marami akong naiisip na idea pero natatakot ako baka magFailed. buti nlng naisip ko na kahit di ko pa ginagawa si considered failed dahil wala naman execution. at failure ako para gawin yung gusjto ko.
Takot ang naghahadlang satin sa tagump[ay bukod sa puhunan.

Sipagan lang natin, tapangan. kung magkamali eh di gawin ulit at baguhin.
If malugi, magumpisa ulit sa ibang way naman.
Nananalo tayo kahit  failed ang attemp dahil may natutunan tayo.
at darating yung point nasa perfect way tayo with a timing na hindi perfect pero we make it na maging perpekto.
legendary
Activity: 1806
Merit: 1437
Wheel of Whales 🐳
Madalas kasi na tinanim sa ating mindset is yung pagiging play safe kaya yung iba is gusto na nila ung mga bagay na at least okay na sila or maka survive man lang, may ilang ang gusto naman is umangat talaga sa buhay at optimistic sila so nag grab sila talaga ng risk sa buhay at subok lang ng subok hanggang maging successful na sila, may ilan naman na biyaan na talaga sa buhay kundi gagalaw na lang para sila na mismo ang matuto sa sarili. Marami at ibat ibang klase ang mga pinag daanan ng tao sa buhay kung kaya as long as may opportunity kayo kahit maliit man yan pwede nyo sya gawing milestone sa buhay, ika nga nila subok lang ng subok darating din ang para sayo. Personally ako gusto ko din ma try lahat kaso ayun nga cons lang is di talaga lahat ng bagay kaya nating gawin ayon sa kakayahan pero at least nasubukan natin if magustuhan man ito what if ito pala talaga ang calling. Gusto ko lang din idagdag is ung Environment find a good environment para sayo na susuportahan ang gusto mo no matter what result kasi dito talaga nag sisimula lahat ng lakas ng loob eh tamang mga tao.
hero member
Activity: 1582
Merit: 549
Be nice!
Add ko lang kabayan itong dalawang na malaking tulong upang maging active at masagawa natin yung mga gusto nating gawin. Inspirasyon (Inspiration) at Paghihiganti (Revenge) ay dalawang bagay na maaring makatulong satin na gawin ang mga bagay na gusto nating gawin.

I-halimbawa nalang natin itong dalawa in terms of pagibig. Kapag inspired ka lalo't may mahal ka sa buhay, nabubuhayan ikaw na gawin ang lahat ng gusto mong gawin upang maibigay ang lahat. Halos kaparehas naman yung nadudulot nito sa paghihiganti (halimbawa niloko ka), mas pagiigihan mo pa lalo upang mapatunayan mo sa sarili mo o sa ibang tao na kaya mong maabot ang lahat ng gusto mong abutin.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
1. Do it Now - isa ito sa mga substance para maging action taker tayo, na kung saan dapat ang lahat ng bagay na gagawin mo ay Ngayon. Hindi bukas, hindi mamaya, hindi sa makalawa
                     at hindi sa susunod na buwan at mas lalong hindi sa susunod na taon kundi NGAYON Na. Ang mga salitang ito kasi nagpapahiwatig na Hindi Ko Gagawin or NEVER.
                     Madami kasi tayong mga pangarap sa buhay na hindi naman natutuloy, dahil sa pagsasabi natin ng salitang "Maguumpisa ako balang-araw"   sa halip na dapat ay
                     "Mag-uumpisa ako NGAYON" . Ang pagsabi o pagkilos natin NGAYON ay kasing kahulkugan ng salitang SUCCESS.

                     Isipin mo nalang ang mga salitang Mamaya, bukas, sa makalawa, sa susunod na buwan o taon ay katumbas ng FAILURE. Tandaan lamang natin na malaki ang diperensya ng
                     mga Taong kikilos ngayon patungo sa kanilang pangarap, kumpara sa mga taong kikilos palang bukas o sa mga darating pa.

2. Don't wait on the Perfect time-Ito kung iisipin natin na may mga bagay sa mundo na sinasabi na pwede lang mangyari sa tamang panahon, pero kung lagi nating aantayin na maging
                     tama ang panahon ay for sure hindi ka kailanman kikilos at walang mangyayari na aksyon sayo. Kaya kung halimbawa dito sa crypto space na ginagalawan natin, kung meron ka
                     naman pambili ng cryptocurrency na alam mong potential talaga at meron ka naman na pambili pero iniisip mo pang mas babagsak pa ito dapat huwag mo ng hintayin yung
                     iniisip mong tamang timing o perfect time kundi gawin muna ngayon. Hindi na dapat tayong gumawa pa ng mga excuses para hindi natin ito magawa huwag na nating hintayin
                     na maging perfect yung time para makapagsimula na tayo. Huwag na nating hintayin na dumating ang dalawang halving bago pa tayo magdecide na bumili ng crypto assets.

3. Be active -  Halimbawa si Pedro active na magkaroon ng negosyo so ginawan nya ito ng paraan para makapagsimula siya ng negosyo at si Pedro naman na Passive ay gusto ko ring
                     magka-magkanegosyo pero may naisip siyang dahilan para hindi na nya ito masimulan. Si Pedro Active naisip nyang magkaroon ng skills sa photo at nagawa nya nga itong
                     ienhance, Samantalang si Pedro Passive naman sumagi din sa isipan nya ito pero pinagdudahan naman nya ang sarili nya. Saka ang isa pa sa pinagkaiba ng taong active at
                     Passive ay yung kanilang mga mindset at behavior.

4. Don't Just have idea only - Sa lahat ng bagay na nakikita natin ngayon sa buong mundo ay lahat ng ito ay nagsimula lamang yan sa isang idea o imahinasyon ng tao. Sabi nga diba
                    ang idea ay mahalaga at ito ay kinakailangan para makagawa tayo ng isang bagay na dapat nating gawin para mag-improve tayo sa buhay. Pero ang idea na pagkakaroon ng
                    business, pagkakaroon ng mga potential na cryptocurrency man yan o bitcoin o idea na magtagumpay ay hindi mangyayari kung hindi tayo gagawa naman ng action para sa mga
                    bagay na ito. Huwag tayong tumulad sa iba na madaming idea sa buhay pero binabaon naman nila sa limot. Tapos paglipas ng madaming taon ay para tayong minumulto na sana
                    ay ginawa pala natin ito. Diba? Kaya mas mainam na may idea ka na kahit average lang pero nagawan mo naman ng action. Kumpara naman sa meron ka ngang malupit na
                    idea pero wala namang action na nangyari sa huli. Dahil nga diba kapag ginawa natin ang idea na meron tayo magkakaroon tayo ng Mental satisfaction na tinatawag.

5. Fight Fear - Kaya madaming mga tao sa field industry na ito ang hindi nagtatagumpay ay dahil sa takot silang sumubok pero gusto naman nilang kumita ng malaki in the near future.
                     At ang ilang siguro sa mga dahilan kung bakit takot yung iba ay dahil sa takot magkamali, takot malugi, at takot mag-umpisa. At ang gamot sa mga ito ay ang Take action now.
                     Kasi kapag hindi tayo kumilos ay mas lalong hindi natin magagawa ang isang bagay na dapat ay magawa natin. Basta simple lang kabayan, ganito ang gawin mo, labanan mo
                     takot then kumilos ka.

So sana nakapagbigay ito ng tulong sa ibang mga kababayan natin dito, magandang araw sa inyo. Smiley
                    

Jump to: