Kailangan pa ba uli ng tools sa pag-unroot or pwede na yung factory reset lang? Saka nasubukan nyo na ba mag-merge ng ng sd dun sa internal? Magiging accessible pa ba yung sd or hindi na? Bale kasi may mga books akong nakastore sa Calibre, nililipat ko lang sa phone yung mga babasahin ko, and then kapag natapos ko na dinedelete ko na sa sd.
Di ako expert sa rooting eh dahil ayaw kong gawin yan sa phone ko, alam ko ang risk pero sa pagkakaalam ko kung mag un-root ka syempre kailangan yun ng tool o software parin. At doon sa merging, oo accessible parin yung parang pinagsanib mo lang yung total memory ng phone storage at memory card mo. Maraming tutorial sa youtube ganyan lang yung ginagawa ko.
Ako din nga eh, di ko na nga maalala kung paano ko naayos to. Na-soft brick ko din to ng ilang araw. Wala pa naman akong PC noon, kailangan pa manghiram ng laptop.
Pero don't fill it up. Try to use half of it only.
Ang masakit sir Dabs eh parang wala siyang pakialam dun sa sd, basta makita nya na crowded na yung internal (na di naman pwede ma-access para magbura kung sakali) eh magpapaulit-ulit na siya ng notification. Namention ko nga na ni hindi man napuno yung sd eh ginalaw pa rin, as if naman makarelieve yun sa internal.
Sa lagay na yan 8k yung bili ko dito dati. Tumagal naman siya at yan lang naging problema. Magkano na ba ngayon yung mga phone na more than 2gb yun internal? Mukhang yun lang ang way para maiwasan tong ganito sa susunod na phone na bibilhin ko (kung kailan magka-budget).