Author

Topic: PCSO Discussion thread (Read 88 times)

full member
Activity: 532
Merit: 125
Defend Bitcoin and its PoW: bitcoincleanup.com
March 24, 2024, 10:34:03 PM
#11
Matagal na nila iyang ginagawa hindi lang nyo siguro napapansin, madami silang kuskos balungos na ginagawa matagal na, may isa pa nga ako kakilala na nagsabi, iyong balato sa mga nanalo talagang garapalan din, mula baba hanggang taas, hindi lang siguro natin nalalaman pero hindi malabo na meron talaga kahit dati pa, ngaun kasi hindi na makakatakas ang ganyan kalakaran, siguro kasi dati takot pa ngayon hindi na medyo natatakot ang mga nanalo kasi may platform nadin sila.
copper member
Activity: 2758
Merit: 1163
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
March 14, 2024, 07:34:26 AM
#10
Dati pa wala na akong tiwala jan although paminsan minsan tumataya pa ako. Pero noong meron nanalo ng lagpas 400 ka tao sa iisang draw ay isang katangahan na yata yun kung maniniwala pa tayo jan sa PCSO. Napakabulok talaga ng gobyerno ng Pilipinas. Kahit pa siguro isang napakatapang ang maging president ay di pa rin basta-basta mabago dahil napakalalim na ng bulok na sistema. Halos lahat simula itaas hanggang sa janitor ay kung pwede mag-exploit kung ano ang pwede nila makorakot. Sana dumami mga mananalong tulad ni Tulfo sa next elections.

Agreed. Mas tumindi lalo ngayon sa administration ni BBM dahil sobrang garapalan na yata yung pag cashout sa lotto. May balita na lumilikom ng funds ang current administration para sa mga confidential funds at maharlika funds. Sobrang daming kinukuhang funds ng current government pero halos wala namang improvement.

Sobrang hirap baguhin ng sistema talaga kung ayung mismong mag iimbestiga ay may connection din sa mga sangkot kayo halos takot sila gumawa ng batas anti corruption kasi sila din ang tatamaan. Goodluck talaga dito sa PCSO dati sureball na madaming madidiscover dito unless bumitaw si Tulfo sa dami ng makakalaban nya.  Cheesy
hero member
Activity: 1694
Merit: 592
The Martian Child
March 14, 2024, 04:34:09 AM
#9
Dati pa wala na akong tiwala jan although paminsan minsan tumataya pa ako. Pero noong meron nanalo ng lagpas 400 ka tao sa iisang draw ay isang katangahan na yata yun kung maniniwala pa tayo jan sa PCSO. Napakabulok talaga ng gobyerno ng Pilipinas. Kahit pa siguro isang napakatapang ang maging president ay di pa rin basta-basta mabago dahil napakalalim na ng bulok na sistema. Halos lahat simula itaas hanggang sa janitor ay kung pwede mag-exploit kung ano ang pwede nila makorakot. Sana dumami mga mananalong tulad ni Tulfo sa next elections.
hero member
Activity: 1204
Merit: 596
When life gets hard BUY Bitcoin!
March 13, 2024, 09:17:22 AM
#8
Palusot ng PCSO ngayon ay digit number lang dw naman ito at hindi jackpot lotto pero sobrang laki pa dn ng premyo sa mga digit number games kagaya ng 2D, 3D at 4D lotto na halos umaabot dn ng million per day ang prize.

Isa pa sa palusot.com ay agent daw yung kumuha ng prize para lotto outlet winners kaya iisang tao lang ang nagcla2im pero napaka lupit naman ng outlet na ito dahil sa knila palagi may nananalo samantalang sobrang daming outlet sa pinas.  Cheesy

Sobrang daming palusot at maang maangan pa yung chairman ng PCSO na hindi dw nila chinecheck yung mga winners.  Grin Grin Grin
hero member
Activity: 2912
Merit: 674
March 13, 2024, 08:07:15 AM
#7
Galing sa news from OP.

Quote
Ang tinutukoy ng senador at radio-TV host ay ang bettor na paulit-ulit na nanalo sa four-digit draw at two-digit draw sa loob ng isang buwan.
Maaring possible naman kasi pwedeng yung outlet lang ang mag claim using the same name. Hindi naman siguro malaki yan, saka hindi rin sinabi kung magkano talaga ang total na napapanalunan. Sabi nga, "transferrable" naman daw ang lotto tickets kaya kahit sino pwedeng mag claim.

Pero mabuti kung ma imbestigahan din, baka hindi lang yan ang nakikita. Pero sometimes itong si Tulfo kahit hindi pa gaano ka solid ang findings, nilalabas na sa publiko, yung sinisira nya is government agency rin which will impact the sales sa lotto business.

hindi naman sa kumakampi ako, pero mas mabuti talaga merong solid evidence para hindi maging malicious ang labas. Alam mo naman ang public, madaling mag conclude.
sr. member
Activity: 966
Merit: 276
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
March 13, 2024, 06:53:54 AM
#6
Alam ko na alam nyo na din itong balita na ito tungkol sa anumalyo ngayon sa PCSO. Madami ng mga speculation sa cheating against sa PCSO pero itong recent issue ay mukhang magpapatunay na may nangyayari talagang kababalaghan sa loob ng PCSO.

Ayon kay Sen.Tulfo ay mayroong nanalo na isang tao lang ng 20 times sa loob ng 1 month at mayroon din 10 times sa isang buwan. Sobrang baba ng chance na mangyari ito unless tinatayaan ng taong ito ang lahat ng posibleng winning combination pero duda ako na mayroon gagawa nito ng 20 times sa isang buwan dahil sobrang laking pera ang kailangan dito.

Source:
https://bandera.inquirer.net/379707/tulfo-sa-taong-20-beses-nanalo-sa-lotto-sa-loob-ng-1-buwan-nakakataas-ng-kilay

Ito na ang gawin nating official discussion thread para sa mga topic na related sa PCSO since mas marami pang mauuncover on the following day kapag naglabas na ng result ang investigation.

Possible inside job yung ganito, or malaki ang connection nito sa mga tao sa PCSO, Di na nakakapagtaka pero madaming speculations kung sino at kung saang angkan galing 'yong taong sinasabi nila. Napaka unfair na harap harapan nalang tayong niloloko at pinag nanakawan, kaya hindi din ako naniniwala doon sa mga announcement na may nakakakuha daw ng mega lotto jackpot prize. If i know, binabayaran lang naman nila yung taong gaganap as "winner" but the truth is, wala naman talaga, Automatic mapupunta lang sa bulsa ng mga magnanakaw.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
March 13, 2024, 06:53:02 AM
#5
Dati pa talaga yan, nakapag comment na ako dyan sa post sa gambling tungkol sa pinekeng o edit na picture ng nanalo. At katulad ng sabi ko mga 80's-90's pa yan nung nanalo si Alfredo Lim, kung meron pang nakakakala sa kanya. Dating pulis maynila yan tapos naging mayor ng Manila, nanalo sa lotto na sa dinami dami eh sya ang napili.

Tapos kung hindi ako nagkakamali si Manoling Morato na naging chairman eh dami din daw kinurapt dyan.

Quote
Posibleng si dating PCSO Chair Manoling Morato ang tumipak sa P785-M kontrata ng lease-purchase ng online lottery draw machines.

Ito ang lumilitaw sa Senate investigation ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) scam.

https://www.philstar.com/bansa/2011/07/20/707618/p785-m-tinipak-ni-morato-sa-pcso-deal

So marami talagang hokus pokus sa ahensya na yan simula pa nung una. So wag ka magtaka at nakaugalian na yata ng ahensyang yan ang mga ganyang diskarte.
hero member
Activity: 2352
Merit: 588
Bitcoin Casino Est. 2013
March 13, 2024, 03:34:22 AM
#4
Talagang nakakabahala ang mga anomalya na lumalabas, ang dami ng tanong at spekulasyon isipin mo na lang yung mga tumataya ng araw-araw tapos malalaman nilang may nangyayari palang dayaan. Dati tumataya rin ako dyan sa lotto eh pero nung nagsimula na yung mga isyu tungkol sa kanila, tinigil ko na. Hindi na kasi talaga pangkaraniwan yung nangyayari dahil sa matematika, ang posibilidad na mangyari ito ay napakababa. Dapat hamunin ang PCSO para sa transparency at integridad.
hero member
Activity: 2632
Merit: 833
March 13, 2024, 01:41:35 AM
#3
Nabasa ko nga tong kaninang umaga at nag trending to sa mga social media outlets. Kakapagtaka lang talaga, I mean ano ang odds na ang halos tumama ka ng ganyan katabi in a month sa lotto? Napaka swerte mo naman, tapos ang nakakatawa pa na paliwanag ng PCSO dyan sa ganyang kaso. Wala na sigurong ginawa yang tao na yan kundi magsugal na lang araw araw dahil nga napaswerte na nilalang. Pero kung titingnan mo talaga, may kababalaghan sa loob ng PCSO matagal na rin siguro tong nangyayari na to at hindi lang first time to. Laki na rin ng perang inuwi nitong Chairman siguro itong nakaraang buwan pa lang. Ang masasabi na lang natin eh sana-ol.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
March 13, 2024, 01:01:36 AM
#2
Kung sa 6-digit to nangyari ay ang laking kababalaghan talaga nito, sa limang taon kung tumaya sa 6-digit lotto ay mabibilang lang sa daliri na may sumakay na apat na digit sa aking number, how come na iisang tao ay nanalo ng 20 beses sa isang buwan, akala ko noong una ay sa 3-digit or di kaya sa 2-digit siya nanalo hehe.

Dapat lang talagang maimbistigahan ito dahil kadalasan na tumataya sa lotto ay yong mga mahirap nating kababayan na nagbakasakali na manalo pero may daya palang nangyayari dito.
copper member
Activity: 2758
Merit: 1163
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
March 13, 2024, 12:30:10 AM
#1

Jump to: