Author

Topic: [PH] ANN] [VLS] VALUS–Koneksyon sa pagitan ng Trademarks, Retailers at Customers (Read 278 times)

sr. member
Activity: 338
Merit: 250
What have you done. meh meh
Malapit na pala magumpisa ico nito! Sana maging successful ang magiging ICO nya. Maganda din ung concept na naisip nila. Tatlong araw na lang at maguumpisa na po ito.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Salin sa Filipino mula sa orihinal na thread na nasa link na ito: https://bitcointalksearch.org/topic/ann-vls-valus-connection-between-trademarks-retailers-and-customers-2108140

VALUS CROWDSALE  |  WHITEPAPER  |  SLACK  |  FACEBOOK  |  TWITTER  |  REDDIT |  MEDIUM





ANO ANG  VALUS?
▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Ang VALUS ay isang blockchain platform na ibabase sa Ethereum platform. Ang VALUS ay magpapahintulot sa mga customers na iberipika ang mga items sa pamamagitan ng QR code at sila ay makakakuha ng mga kailangang impormasyon ukol sa na-scanned na mga items (VALUS Verify). Sa kaso ng pagbili ng isang bagay, maaari nilang irehistro ang pagmamay-ari ng bagay na iyon at para sa kostumer na iyon na magantimpalaan ng  VLS tokens (VALUS Ownership). Kung lagi siyang bumibili ng bagay na iyon online, maaari niyang masuri kung ang website kung saan siya bumibili ay mapagkakatiwalaan. Ang mga nakaraang mga customer ay maaaring magbigay ng kanilang karanasan at ang mga trademark ay maaaring magpatotoo sa nasabing website (VALUS Websites). Makakatulong din ang mga customer sa mga trademark upang mabawasan ang bilang ng mga manufacturers at mga tindahan na nagbebenta ng hindi orihinal na mga item. Para sa mga pagkilos na iyon, ang mga customer ay gagantimpalaan ng mga token ng VLS (VALUS Stores).
Pinapayagan ng VALUS ang mga trademark upang magdagdag ng mga item sa blockchain. Sa pamamagitan nito nakagagawawa sila ng mga item mas ligtas, at ang mga kustomer ay maaaring iberipika ang mga item na ito. Ang mga trademark ay maaaring lumikha ng isang mas ligtas na pagbili para sa mga customer sa pamamagitan ng pag-verify ng mga website o retailers na nagbebenta ng kanilang mga tunay na item.Malalaman ng mga retailers kung ang mga bagay na ibinebenta nila ay tunay at maaaring patunayan ng trademark ang mga nagtitingi na nagbebenta ng mga tunay na items.



PROBLEMA SA PAMILIHAN
▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Ang pinakamalaking problema sa pamilihan ay pagkakaroon ng maraming mga pekeng item sa merkado. Ang mga item na ito ay maaaring mga pekeng mamahaling relo, mamahaling handbag, alahas at marami pang mga item na ginagamit natin sa ating pang-araw- araw na buhay tulad ng sports item.
Gayundin, ang ilang mga website ay nagpapanggap na nagbebenta sila ng mga tunay na item ngunit hindi naman. Ang ibang mga website ay nang-i-scam ng mga tao sa paraang kinukuha nila ang pera ng mga customer ngunit hindi idini-deliver ang nasabing item sa mga customer.

PANANAW
▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Ang aming hangarin ay maging isang platform para sa pag-beberipika ng mga item, mga website at mga tindahan. Nais naming hadlangan ang lahat ng mga nagbebenta ng mga pekeng item at mga taong nang-i-scam ng mga customer gamit ang mga pekeng website.

PAANO ITO GAGANA?
▂▂▂▂▂▂▂▂▂


      


MGA KOSTUMER
▂▂▂▂▂▂▂▂▂





Ang pinakabuod ng VALUS ay upang, masiyasat ng mga kostumer ang mga item sa pamamagitan ng QR code. Nakukuha ng mga kostumer ang mga pangunahing impormasyon tulad ng imahe o larawan ng item, pangalan, kung sino ang gumawa ng item, kailan ginawa ang item, serial number, pinagmulan, dating may-ari (kung aplikable), kung ang item ay ninakaw o hindi at iba pang kasaysayan ng item na ito(VALUS Verify).

Kapag sila ay bumili ng isang item, ang mga kostumer ay may pagkakataon na irehistro ang pagmamay-ari ng item na talagang pagmamay-ari nila. Kung ang isang nakarehistrong item ay ninakaw, ang isang kostumer ay maaaring mag-ulat ng item at markahan ito bilang ninakaw. Nangangahulugan iyon na kung nais ng isang tao na suriin ang katayuan ng naturang item, makikita ito sa VALUS platform na ang item na ito ay ninakaw (VALUS Ownership).

Ang mga customer ay magkakaroon ng isang opsyon upang masuri kung ang website kung saan sila bumibili ay mapagkakatiwalaan o hindi. Maaaring i-verify ng mga trademark ang mga website na nagbebenta ng mga tunay na item at ang mga nakaraang kostumer ay maaaring magbigay ng mga review / karanasan ukol sa mga website (VALUS Websites).

Maaari ring i-verify ng mga trademark ang mga tindahan na nagbebenta ng mga tunay na item. Kung alam ng mga customer kung saan ibinebenta ang mga pekeng item, maaari nilang iulat ang naturang tindahan at para sa bagay na iyon, sila ay gagantimpalaan (VALUS Stores).


TRADEMARKS
▂▂▂▂▂▂▂▂▂




Ang mga trademark ay magdaragdag ng mga item sa blockchain. Sa gayong paraan ginagawa nilang mas ligtas ang mga item at maaari rin iyong i-verify ng mga kostumer. Tinutulungan ng mga trademark ang mga customer na gawing mas ligtas at mas mahusay ang pagbili sa pamamagitan ng pag-verify ng mga website at mga tindahan na nagbebenta ng mga tunay na item. Ang mga trademark ay nakakakuha rin ng mga ulat mula sa mga customer tungkol sa mga kahina-hinalang website at mga tindahan. Kung mapatunayan ng mga trademark na ang mga iniulat na website o tindahan ay nakasasakit ng mga customer, maaaring mai-shutdown ang mga website o tindahan na ito.


RETAILERS
▂▂▂▂▂▂▂▂▂




Ang isang retailer ay maaaring makakuha ng reputasyon sa merkado mula sa trademark batay sa pagpapatotoo. Ang mga kostumer ay mas ligtas kapag bumili sila dahil alam nila na ang isang na-verify na retailer ay nagbebenta ng mga tunay na item.

SISTEMA NG PAGBIBIGAY-GANTIMPALA PARA SA MGA KOSTUMER
▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Maaaring makakuha ang mga customer ng mga token ng VLS para sa pagrerehistro ng mga item (VALUS Ownership), para sa pagrereport ng mga kahina-hinalang website (VALUS Website) at para sa pag-uulat ng mga brick at mortar shop (VALUS Store).

ROADMAP
▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Ang VALUS platform ay maisasakatuparan sa Q1 2018. Ito ay magpapahintulot sa mga customer na i-scan ang mga item sa pamamagitan ng iOS, isang Android application. Maaari lamang i-scan ng isang kostumer ang mga item mula sa mga trademark na gumagamit ng aming platform.Ang VALUS Ownership ay magagamit sa Q3 2018. Pagkatapos ng pagmamay-ari, magsisimula kami sa VALUS Website.
Ang unang function ng VALUS Website (sa Q4 2018) ay maaaring patunayan ng isang customer kung ang website ay mapagkakatiwalaan. Ang pagrerepaso at pagbibigay ng rate ng mga website ay magagamit sa Q1 2019, habang ang huling function para sa Blacklisting ng mga website ay magagamit sa katapusan ng Q1 2019.Pagkatapos nito, magsisimula kami sa pagbuo ng mga function para sa pag-verify at pag-uulat ng mga brick at mortar store.

    


CROWDSALE
▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Ang Crowdsale ay MAGSISIMULA sa ika-13 ng Oktubre,  2017 12.00 UTC; MATATAPOS sa ika-10 ng Nobyembre,  2017 20.00 UTC.


Distribusyon ng Token at Distribusyon ng Pondo
▂▂▂▂▂▂▂▂▂


    


Ang bilang ng VLS tokens ay malalaman pagkatapos ng Crowdsale. Ang bilang ng VLS tokens ay ibabase sa pinuhunang pondo ng mga contributors.




Ang presyo ng token sa crowdsale ay $0.10 para sa 1 VLS. Ang VLS Tokens ay isang Ethereum ERC20.
Soft cap: 1.000.000 USD
Hard cap: 10.000.000 USD
Token supply: Base sa malilikom na pondo


Ang presyo ng 1 VLS in ETH/USD ay kakalkulahin batay sa exchange at mananatili hanggang sa pagsisimula ng crowdsale (1. Oktubre 2017 12.00 UTC). Ang presyong ito ay balido sa kabuuan ng crowdsale.
Ang presyo ng  token sa pre-sale price ay $0.10 para sa 1 VLS. Ang VLS Tokens ay magiging Ethereum ERC20.
Lahat ng tokens ay ipamamahagi pagkatapos ng Crowdsale sa loob ng 30 araw.

Tinatanggap na crypto-currency: Ethereum (ETH)


BONUS
▂▂▂▂▂▂▂▂▂


    


Sa loob ng  unang  48 oras ng simula ng Crowdsale ay magkakaroon ng 15% bonus (hanggang ika-3 ng Oktubre 12:00 UTC) 1 VLS = 0,085 USD.
Sa Unang linggo mula  15.10.2017 12:00 UTC hanggang 20.10.2017 23:59 UTC ay mayroong 10% bonus (1 VLS = 0,09 USD).
Sa Ikalawang linggo mula  21.10.2017 00:00 UTC – 27.10.2017 23:59 UTC ay mayroong 6% bonus (1 VLS = 0,094 USD).
Sa Ikatlong linggo mula 28.10.2017 00:00 UTC – 3.11.2017 23:59 UTC ay mayroong 3% bonus (1 VLS = 0,097 USD).
At sa huling linggo, ay wala ng anumang bonus (1 VLS = 0,10 USD).


Ang TEAM
▂▂▂▂▂▂▂▂▂


Nik Klemenc - Tagapagtatag at CEO
Uroš Hrastar - Developer
Rok Kapušin - Marketing
Primož Hrastar - Developer
Davor Muc - Developer
Žan Kozlevčar – Design

Para sa detalyadong Team descriptions mangyaring tingnan dito valus.one


OFFICIAL LINKS
▂▂▂▂▂▂▂▂▂

CROWDSALE WEBSITE: https://www.crowdsale.valus.one
WEBSITE: https://www.valus.one
MEDIUM: https://medium.com/valus
WHITEPAPER: https://valus.one/whitepaper.pdf



MGA PABUYA (BOUNTIES)
▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Nag-aalok din kami ng pabuya para sa Facebook, Twitter, Signature campaign at Avatar, ANN Translation at Blog, Articles at Media campaign bounty.

Mangyaring bisitahin ang link na ito: https://bitcointalksearch.org/topic/bounty-valus-bounty-campaign-2108153


VALUS CROWDSALE  |  WHITEPAPER  |  SLACK  |  FACEBOOK  |  TWITTER  |  REDDIT |  MEDIUM
Jump to: