Salin sa Filipino mula sa orihinal na thread na nasa link na ito:
https://bitcointalksearch.org/topic/ann-ico-live-wwam-decentralized-messaging-protocol-2048418TUNGKOL SAAN ANG WWAM ?
Ang WWAM ay naglalayong maging isang anonymous, desentralisado at ligtas na protocol na magbibigay-daan sa mabilisan at naantalang komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tagatangkilik. Nais naming ang mga tagatangkilik ay magkaroon ng pagkakataong makipagtalastasan sa isa’t isa, na hindi na kailangang irehistro ang kanilang mga pribadong impormasyon.
.
Sinipi mula sa whitepaper :
"Ang pagiging pribado (Privacy) sa paggamit ng internet ay isang lumalaking problema, higit pa sa ilang mga taon na nakalipas. Ang mga Search engines gaya ng Google, Internet Service Providers (ISP), ang mga websites na iyong binibisita at ang mga mobile applications na iyong idina-download ay sinusundan ang iyong mga galaw habang ikaw ay naka- online.
Hindi isang sikreto na mayroong malaking halaga ng salaping kinikita sa paggambala sa ating pagiging pribado o privacy.
Ang malalaking mga kumpanya ng internet ay nagbabayad ng malaking halaga ng salapi upang malaman ang maraming mga bagay-bagay ukol sa mga gawain ng kanilang mga kliyente. Sa kabila ng mga pag-iingat na ginagawa ng mga users upang hindi sila masubaybayan, ang mga Internet Service Providers (ISP) ay patuloy pa ring magagawang ma-monitor sila.
Ito ay tila walang masamang magagawa sa ilang mga tao, ngunit ang karamihan sa mga users ay umaayaw dito, at tinatanggap na ito ay bagay na talagang masama kaugnay ng kasalukuyang modernong mundo.
Para sa karamihan ng mga kumpanya, ang mga users ay higit lamang sa mga istatistika na kailangang mailantad. Kahit pa hindi sila nakatayo sa iyong likuran, at pinanonood ang bawat click na iyong gagawin, ang iyong browsing history ay naiimbak sa kanilang mga servers sa kung saan.
Ito ay maaaring maging daan sa isang seryosong problema at sa kalaunan ay magkaroon ng panghihimasok sa iyong mga datos.
Ang karamihan sa mga gumagamit ng internet ay walang ideya kung paanong nagagamit o naipo-proseso ang kanilang mga datos. Kung ano ang naiimbak (encrypted), na-saved o nabura. Naka-pokus lamang silang mabuti sa komunikasyon, ngunit dito nakukuha ang pinakasensitibong mga impormasyon.
Ang mga kliyente sa e-mail, mga chat applications at mga software para sa mensahe ay nakikilala ka sa pamamagitan paggamit mo ng remote server. Sa maraming mga kaso, bawat pakikipagkomunikasyon sa pagitan ng mga users ay dumadaan sa isang central server.
Maaring ayos lamang ito sa isang karaniwang user, ngunit ikaw? Matatanggap mo ba na ang paggamit mo ng internet ay nasusubaybayan ng iyong Internet service provider (ISP) at service providers?
Interesado ka ba sa isang anonymous na komunikasyon, walang anumang central authority na mag-iimbak ng iyong mga datos, mga contacts at mga mensahe?
Ipinakikilala namin sa inyo ang WWAM. Isang anonymous, desentralisado at ligtas na protocol na magbibigay-daan sa mabilisan at naantalang komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga users."
ROADMAP
Ang aming inaasahang roadmap sa ngayon. Ito ay maaaring mabago sa patuloy na pag-usad ng proyekto.
TUNGKOL SA AMIN
Ang aming team sa ngayon.Inaasahan namin na marami pang mga tao ang sasali sa amin sa mga hinaharap na yugto ng proyekto.
Kami ay magigiliw na mga software engineers at mga interesado sa crypto-currencies, na naniniwala sa desntralisadong kinabukasan ng Internet.
TINGNAN ANG MARAMI PANG MGA IMPORMASYON UKOL SA PROYEKTO SA AMING WEBSITE PROGRAMA UKOL SA PABUYA
Mayroon kaming isinasagawang kampanya para sa pabuya upang maipalaganap ang tungkol sa WWAM. Maari kang maging bahagi nito ngayon din! Maari mong tingnan ang bawat posisyon na available sa aming website http://wwam.io/bounty.
Ang signature campaign ay kasalukuyang nagaganap sa bitcointalk, makikita mo iyon dito : https://bitcointalksearch.org/topic/--2046710.
Para sa iba pang mga posisyon gaya ng sa salin-wika, mga artikulo, patalastas at iba pa, mangyaring bisitahin ng direkta ang aming website para sa terms at conditions.
Matatagpuan ang bounty tracking spreadsheets links sa "Links" section ng post na ito.CROWDSALE (ICO)
Ang WWAM ay isang ERC20 token based system.Lahat ng mga tokens ay lilikhain sa panahon crowdsale at ipamamahagi sa mga mamumuhunan (investors).
Ang kabuuang supply ng 500,000 ETH na halaga ng tokens ay magiging available. Ang Development, maintenance at marketing ng pryektong ito ay gagastusan.
Inaanyayahan naming kayo upang maging bahagi ng proyektong ito, at bilang gantimpala ay tatanggap kayo ng bahagi ng limitadong tokens.
Naniniwala kami na ang proyektong ito ay may malaking potensyal at malaking saklaw para sa paglago at pagkita ng tubo.
Nagtakda kami ng pinakamababang target na 500 ETH para sa crowdsale. Ang proyekto na may ganitong saklaw ay nangangailangan ng pondo, at naniniwala kami na hindi makatwirang sumuong sa ganitong proyekto ng walang sapat na pondo.
Kung kaya, kapag ang pinakamababang target ay hindi naabot, ang Ethereum contract ay magpapatupad ng isang paraan ng pagre-refund sa bawat investor at kakanselahin ang proyekto.
Ito rin ay nagbibigay-garantiya para sa inyo na mamuhunan sa proyekto na mabubuhay at may sapat na token supply upang maabot ang komportableng market cap.
Ang ICO ay iaalok sa tatlong yugto at makikita ninyo ang mga kaugnay na petsa para sa lahat ng mga yugto sa Roadmap section.
Ang mga unang mamumuhunan ay gagantimpalaan ng higt na mga tokens dahil nangangailangan ito ng pakikipagsapalaran para sa hinaharap, lakas ng loob at determinasyon upang mamuhunan ng maaga sa ganitong uri ng proyekto.
Iginagalang naming ang kanilang paniniwala sa aming proyekto at development team, at bibigyan ng nararapat na gantimpala sa ginawa nilang matapang na pagpapasya.
- Mga mamumuhunan sa unang yugto (Naunang mga mamumuhunan) ay tatanggap ng 15% bonus sa kanilang pinuhunan (investment).
- Mga mamumuhunan sa ikalawang yugto ay tatanggap ng 10% bonus sa kanilang investment.
- Mga mamumuhunan sa ikatlong yugto (Huling yugto) ay hindi makatatanggap ng bonus.
Ang crowdsale ay gagawin sa pamamagitan ng isang Ethereum contract. Maaari ninyong siyasatin ang source code sa github at etherscan.
Maaari kayong mamuhunan sa proyekto sa pamamagitan ng simpleng pagpapadala ng ETH sa contract address 0x59a048d31d72b98dfb10f91a8905aecda7639f13 at kaagad ninyong matatanggap ang inyong tokens.
Ang “live status” ng ICO at ang pagsubaybay sa tinatarget na pondo kasama ng iba pang mga kailangan ninyong impormasyon ukol sa ICO ay makikita sa aming website sa sumusunod na address : http://wwam.io/ico MGA LINKS
[/quote]