snip
Saturday, sobrang payapa like the usual scene kapag nakamasid ka sa mga view deck. Kalma ang bulkan at di mo aakalain na the next day magwawala ito. Nakakalungkot lang na di na kami ulit makakabalik dito ng matagal kasi maraming buwan or taon pa ang bibilangin bago bumalik sa dati ang Tagaytay or lahatin na natin mula Batangas at malapit na province. Nanghihinayang ako na iyong usual na pinupuntahan namin gaya ng Peoples Park at Picnic Grove eh talagang nilamon na ng abo. Wala akong makitang latest photo sa Calaruega Church at sana di nasira ang ganda ng Simbahan. Sa Nasugbu, Batangas yan katabi lang din ng Tagaytay. Matagal ang proseso para mawala ang abo at pag tumagal pa titigas ang mga ito kaya iyong mga puno dun wala ng pag-asa. Nakakapanghinayang at talagang napalapit na sa amin ang lugar. Sira ang business. Wala nag-anticipate in 40 years sasabog ulit ang bulkan kaya marami ang nag-invest sa lugar at isa na ako doon pero di natuloy kasi sinabi ko na dati na baka kawawa kami pag sumabog ang bulkan.
6:00pm nakapark na ung sasakyan (wala bubong parkingan ko and wala rin cover kasi sinira ng mga pusa), napansin ko na may parang buhangin bumabagsak sa sasakyan pero di ko pinapansin. Then nag bike kami ng tropa sa malapit. Tapos yan na may ashfall na pala and nakakapuwing talaga lalo kapag pababa ang daan dahil sa hangin. Sobrang kati pag tumagal sa balat and namula talaga.
Di ko talaga ma-explain panghihinayang ko sa nangyari. Last na akyat namin sa crater 2018 pa. Di namin inulit kasi andyan lang naman yan. Iyon pala di na makakaulit. Ibang hitsura na ang madadatnan ko in the future pero kailan pa kaya yan.
-sigh-
Sorry to hear this case kababayan. Although malayo ako sa pangyayari pero feel na feel ko 'yong delubyo na inabot nung tagaytay dahil sa pagsabog nung bulkan. Never pa akong naka-visit sa Tagaytay, nakadaan lang once nung pumunta kaming Batangas but 'yong mag-stay at mag-wander doon 'di ko pa na-try, and may plan pa naman kami ng family ko na sa bakasyon ay bibisita kami pero parang mauudlot pa since matagal ulit bago ma-restore 'yong dating Tagaytay. Didn't expect to happen this sooner, keep safe mga kababayan.
snip
Naka base ako sa Metro Manila although hindi siya gaano kadama dito sa lugar ko, very alarming parin sya. Kasi medyo makulimlim ang langit atsaka pati ang local government ay binabalaan ang lahat na mag ingat. Kaya mag ingat kayo guys especially dun sa malalapit sa bulkan!
Nakakainis lang na sa ganitong panahon, yung mga capitalist ginagawa itong opportunity para sa business nila. Imbes na tulungan ang mga nangangailangan, pinagkakakitaan pa. Eto yung mga nakakainis sa iba.
I'm also somewhere in MM pero kagabi medyo dusty nga rin. Not too bad to get inside pero medyo makati sa mata kapag nasa labas. Sinong "capitalists" pala yung tinutukoy mo?
Nabalita na ata to somewhere or nabasa ko sa facebook. Iyong nangyari kasi 'yong mga LGU ata roon sa affected sites ay mag-ooffer ng loan para sa mga affected farmers which is bad kasi habang nanghihingi sila ng monetary donations sa mga private sectors tas sila gagawin pang loan 'yong dapat na itulong nila sa mga affected farmers (not sure if sa mga farmers lang or may iba pang kabilang). Iyong isa pa 'yong mga nagho-hoard nong facemask then ibebenta nila nang double sa original price, kawawa naman 'yong affected na then kapos-palad pa, dami na nila sacrifices, right? Maraming individual 'yong ganon mayroon pa nagbebenta sa facebook at ang titibay.