To be precise, Halimbawa ay isesend ko lng yung Bitcoin ko sa wallet address nila tapos ibibigay nila sakin ang cash na hindi na dumadaan sa mga bank or money remittance. Recently, sobrang higpit na ng bank ko dahil need ko na iexplain lahat ng mga transaction ko at malamang dahil ito sa capital gain tax na balak nila icharge sakin once mag continuous ako na magpasok ng high amount galing sa crypto.
Pwede din yung online ko isesend yung Bitcoin ko from non custodial wallet tapos cash pick up. Ang mahalaga lang ay hindi dadaan sa bank or any cash app kagaya ng gcash.
Dati kasi sa localbitcoins may mga physical P2P meetup. Hindi ko lang alam now kung saan platform may ganito.
Not sure sa lugar mo kabayan kung meron man. Pero dito sa amin may iilang tao not actually na merong pwesto kumbaga tao tao lang na pwede ka magpalit sa kanila ng bitcoin into cash.
Pero try mo e check to bitcoin atm kung meron ba sya sa lugar mo https://coinatmradar.com/country/169/bitcoin-atm-philippines/ kung meron swerte siguro dahil madali nalang ang pag cashout.
Tsaka ito na rin https://www.worldvision.org.ph/wp-content/uploads/2018/07/ECPay-List-of-Loading-Outlets-for-WV.pdf check kung andyan ba may malapit sayo.
- Merong nakapagsabi sa akin merong Bitcoin ATM dito sa parteng makati daw, hindi ko lang alam kung active parin ba itong nagagamit ng mga bitcoin enthusiast dito sa bansa natin.
Medyo nacucurious nga ako, kaya lang parang konti lang ang gumagamit nito dahil konti lang ang mga crypto fanatic sa bansa natin.
Though malayo ang makati sa lugar na kinalalagyan ko at hindi rin naman ako ganun kapamilyar sa lugar na yan, saka parang nag-iisa lang din ito sa ngayon dito sa luzon, diba?
Kaya sa tingin ko maganda parin yung makipagmeet-up basta sigurado at mapagkakatiwalaan yung kausap na ka-transaction.