Parang naalala ko eh nag require ang pi ng KYC para makapag withdraw sila ng pi coin?
Kaya para sa akin data farming ang ginawa nila noon kaya parang scam sa akin.
Tama ka. Parang yan di pagkaalala ko sa coin na yan. Parang ginawa lang nilang way yung sa pagmimina through phones para makakuha ng mga data ng mga interesado sa project nila. Mukhang wala rin namang nangyayari at ang kawawa yung mga nagsayang lang oras tapos wala rin namang reward na natanggap o kung meron man, parang wala namang malinaw na market para sa coin na yan. Wala nga rin atang distribution para sa mga nagmina kaya total waste of time lang.
Nasubukan kong mag mine nito, matagal na. Siguro inakala ko lang na legit ang proyektong dahil sa Twitter account nilang merong (√). Naging patok lang naman ito sa socmed lalo na sa FB dahil sa kanilang referral system, pag build up ng network para mas tumaas yung rate pag mine ng Pi.
Pero nawalan na ako ng interes dito dahil sa mahina nilang support, hindi mabigyan ng sagot yung mga querries.
Oo, ang alam ko may KYC verification rin sila at naka-link sa iyong FB account. Meron ding phone verification na dapat daw makumpirma ito para makuha ang iyong na-mine sa distribution phase.
Kung sa queries hindi sila makasagot, lalo pa siguro sa progress ng project. Kaya tama nga na wag nalang sayangin oras sa project na yan.