Noong around 2017 naaalala ko pa ay kakaunte lamang talaga ang mga Filipino na mayroon kaalaman sa Cryptocurrency or Bitcoin, o mga bumili at naghohold ng Cryptocurrency as a investment, kahit noong bago pa lamang ako dito sa Forum ay kakaunte lang talaga at bilang lang ang mga members dito sa Local Pilipinas, bilang lang talaga halos ang mga active dito sa forum.
Isa talaga sa mga dahilan kung bakit lumakas ang impluwensiya ng Cryptocurrency at maraming mga kababayan naten ang nagkaroon ng interest dito sa cryptocurrency ay dahil noong nauso ang Axie Infinity dito sa ating bansa lalo na at ito ang panahon kung saan nagtataasan ang presyo ng mga NFT o Bull Market. Sobrang laking impluwensiya dahil na rin sa sobrang daming mga advertisement or promotion ang nangyayari to the point na kahit sa TV ay maraming nafefeature na mga Axie player since bigla nga daw silang yumayaman lalo na at maraming mga kababayan naten ang nasilaw sa kitaan, kapag nalaman na malaki o nakita ang figures ng kitaan ay papasukin agad, which is naging dahilan din na maraming mga kababayan naten ang nawalan o naluge ng malaking halaga dito sa Axie.
Why Pinoys Remain Top Owners of Crypto Globally Remittances Isa siguro ang Cryptocurrency sa pinakamadaling paraan upang tayo ay makapagpadala ng pero halimbawa na lamang ay kung abroad, marami dito sa ating bansa ang OFW kaya hindi na rin bago sa kanila ang mga problema sa pagpapadala ng pera, naging popular na ang cryptocurrency dito sa bansa dahil na rin ginagamit din ito bilang paraan upang makapagpadala tayo ng pera ng mabilis at mababang fees lamang.
PlatformsKumpara noon ay sobrang daming mga platform o mga kompanya ang nagadapt at ginamit na ang Cryptocurrency, Kahit sa mga digital banks ay available na rin ito at madaling maaccess ng mga users kumpara dati na sobrang hirap, at kelangan ng malalim na research baka ka makabili, kahit sa Gcash or Payma ay pwede kana maginvest or maghold ng Cryptocurrency.
Proyekto/StartupSobrang dami na ngayong mga proyekto na naka base na rin sa Blockchain kaya marami ding nabibigyan ng trabaho ang Crypto dito sa bansa, na nagbibigay din sa atin ng ibat ibang mga serbisyo na dahilan din ng masmalawak na paggamit ng Cryptocurrency sa Pinas.