Well, honestly, sa tingin ko naman ay ayos lang na magkaroon ng stablecoins dito sa bansa natin, yun ay kung tayo mismo ang gumawa nito. Para kasing lumalabas na kung ibang bansa ang gagawa ng stablecoins para dito sa bansa natin ay hindi parang pinapakita nilang tayong mga pinoy ay walang kakayanan na gumawa ng ganitong konsepto? Tanung ko lang naman ito.
Sa tingin ko, marami namang Pilipino ang may kakayahang gumawa ng ganitong proyekto. Marami ding mga magagaling na developers sa bansa natin, kaya lang yung iba ay nag-aabroad para sa malakihang sahod. Siguro kaya hindi sila makagawa ng ganito ay sa kadahilanang walang sapat na pera para dito. Alam naman natin na ang ganitong proyekto ay talagang gagastos ng milyon² kaya talagang mahihirapan ang mga pinoy.
Hindi ba natin kayang mga pinoy na gumawa nito na tayo mismo ang mangangasiwa kesa ibang dayuhan pa ang gagawa at pagkatapos ay dito naman sa bansa natin nais nilang gamitin natin, hindi ba parang ang awkward naman tignan?
Alam talaga nila na maraming magiging interesado sa kanilang ginawang proyekto kung ilulunsad nila ito satin. Nakikita kasi nila na napakabagal ng transactions dito satin kaya yan ang naisipan nilang paraan. So para sakin naman, medyo may risk pa rin naman kaya ingat pa din kung sagaling gagamit nito, pero maraming tao pa talaga dito satin ang walang alam sa crypto kaya kung malalaman nila ang proyektong ito na ilulunsad satin na nakakatulong upang mapabilis ang transaction ay siguradong mahahype.