Author

Topic: Posibleng epekto ng mga ibang batas sa crypto/blockchain (Read 85 times)

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Habang hinihintay natin ang mga mas klarong regulation sa crypto transactions, bakit hindi muna natin tignan ang mga bagong batas na pwede magpalawak ng crypto adoption sa ating bansa.


I. Public Service Act (PSA) Amendment

Nabalitaan niyo naman siguro ito nung mga nakaraang buwan. Kung hindi pa, eto yung maikling paliwanag:

Under the amended PSA, the telecommunications, railways, expressways, airports, and shipping industries will be considered public services, allowing up to 100 percent foreign ownership in these sectors.
^ Dati kasi sakop pa yung mga industriyang yan ng 60:40 ownership kung saan hanggang 40% lang ang share ng mga foreigners.


Ano naman epekto sa publiko?

Dahil pwede na sila sa 100% ownership, mas gaganahan na sila pumasok sa Pinas > Magkakaroon ngayon ng kumpetisyon ang mga kumpanyang may monopoly/duopoly sa mga industriyang nabanggit > Pagandahan sila ng service para makakuha ng customers > Mas mabilis (pwede din mas mura) na serbisyo.

Sa telecommunications na lamang halimbawa, aprubado na ng NTC yung pagpasok ng Starlink ni Elon Musk sa bansa. Naalarma ngayon ang PLDT kaya naki-partner naman sila sa AST SpaceMobile para mas mapalawak ang kanilang coverage. Dahil dito, asahan na din natin ang pagtaas pa lalo ng internet penetration which is beneficial sa mga work from home, online freelancers, at sa mga kagaya natin na involve sa crypto.

II. Ease of Doing Business (Amendment to Anti-Red Tape Act)

Sa title pa lang, layunin nito mapabilis ang proseso ng mga applications. Sa ilalim ng batas, binibigyan lang ng 3 days, 7 days, o 20-working days (depende sa klase) yung Government officers.

Tingin ko malaking tulong na yan sa mga devs/team para magtayo ng blockchain start ups. Recently, may mga nababasa na akong mga bagong wallets (Pitaka at Paytaca) na pwedeng maging karibal ng Coins.ph. Tapos noong nakaraang mga araw, andito din sa Pinas si CZ at plano din kumuha ng VASP license para sa local operations ng Binance.


May mga iba pa ba kayong naisip idagdag sa listahan?
Jump to: