Parang walang pinagkaiba yan sa mga investors na walang ideya sa Forex trading, pero dahil trending ay sasakay at sasabay sila sa trend kung kaya ang gagawin nila ay ipagkakatiwala nila sa isang broker ang kanilang pera na ilalagay sa trading at bibigyan nila ng porsyento na dedepende kung magkanong tubo ang magagawa sa kanilang kapital. Pero ganun pa man meron pa ding risk both party Forex man yan o Cryptocurrency.
Magkaiba ang broker sa fund manager. Forex is more on leveraging kaya sobrang risky nito while fund manager kagaya ng BDO, Sun Life, Prulife at iba pang financial instution is more on buy and sell lang ng stocks na sa topic na ito ay hold lang kagaya ng microstrategy at grayscale. Ang pinagkaiba lang ay mas diversified ang ganitong klaseng method dahil nga ito ay UITF. Mga license company lang ang pwedeng magoffer ng UITF probably iniisip mo dito ay yung mga scammas na pro trader na nagpapacorpo para sa trade.
Unit Investment Trust Fund ito meaning Trust Professional ang humahawak at hindi self-proclaimed pro trader. May insurance pati yung ganitong investment kung sakali man na magkakaroon ng tapang ang financial company dito sa ating bansa na ioffer ito. Pero gaya nga ng sabi ng iba sa taas. Medyo malabo pa ito sa ngayon dahil masyadong volatile asset ang crypto.
Heto rin naisip ko, "Trust Professional" and keyword, eh alam natin sa mundo na ginagalawan na very subjective ang word na "trust", so mahirap at dapat hindi tayo magtitiwala na lang, ikaw nga "don't trust, verify". And wala naman talagang so called expert sa field nito, alam naman natin ang risk involved at napaka volatile ng market.
So for me lang, kung sa Bitcoin lang, mas maganda siguro kung solo ulo lang ang investment. Hindi ka aasa at wala kang aasahan kundi sarili mo. At kung wala ka naman tiwala at ayaw mo nag trade, pwede ka naman mag invest mag-isa bili bili ka ng paunti unti, tago mo sa wallet na ikaw ang may control nito at aralin ang security practice, then most likely magiging OK ka naman in the long run at ma-realized mo rin ang profits mo in the future dun sa investments mo.