Ito si prinsesa Anastasia, opisyal na tinatawag na Grand Duchess Anastasia Nikolaevna Romanova, ang bunsong anak na babae ng huling Rusong Czar, litrato kuha c. 1910:
Noong 17 July 1918, Pinaslang ng mga komunista si Anastasia, kasama ng kanyang magulang at mga kapatid. Si Anastasia at 17 taon gulang pa lamang. Siya at ang katawan ng kanyang pamilya ay pinag-piraso para itago ang pagkakalinlan ng maigi at ito lamang ay na natuklasan ng taong 1991 at 2007, sa dalawang makahiwalay na lugar.
May mga maling balita na kumalat, na sinasabing nakaligtas at buhay si Anastasia. Pero pinabulaanan ito ng agham. Ang resulta ng pagsusuri ng DNA ay nabilang lahat ang mga nawawalang katawan. Namatay si Anastasia noong 1918.
Noong 1920s hanggang 1990s, maraming naglabasang mga impostor na sinasabing sila si Anastasia. Maraming napaniwala sa kasinungalingan ng mga impostor na ito. Isa sa mga pinaka sikat na impostor, na may mahabang kasaysayan ng sakit sa pag-iisip, ay nakuhang mapaniwala ang isa sa mga buhay na kamag-anak ni Anastasia na siya ang tunay na Anastasia. Hindi ko ito uulitin ang buong kwento; ito ay walang kaugnayan, at nagdulot ng kahihiyan sa pamilya.
Ang mga impostor na to ay
magnanakaw ng pagkakakilanlan. Nanakawin nila ang pagkakakilanlan ng isang sikat na tao na bigla na lang naglaho. Ginagawa nila ito para sa katanyagan o upang subukan makapangloko ng pera mula sa mayamang kamag-anak ni Anastasia, o dahil wala sila sa tamang pag-iisip—
o lahat ng mga nabanggit. Ang ginawa nila ay mali; at lubhang nakakasakit sa mga taong nagmamalasakit kay Anastasia.
Ang pagkakakilanlan ng hindi nagpapakilalang tagapagtatag ng Bitcoin ay ninakaw ng isang impostor.Si Craig Wright ay isang magnanakaw ng pagkakakilanlan: Inaangkin niya ang pangalan at reputasyon ng isang tao na hindi siya. Ang kanyang mga pag-angkin ay walang katotohanan, may isang dahilan lamang kung bakit sinuman ang maniwala: Tanging isang matinding sinungaling lamang ang
maglakas-loob na gumawa ng mga kamangha-manghang mga pag-angkin! Karamihan sa mga tao ay nakikita kung ano siya: Isang matinding sinungaling.
Hindi siya ang una na nagsasabing siya si Satoshi Nakamoto, pero siya ang pinaka-matindi. At hindi siya ang magiging huli. Tandaan nyo tong sinabi ko. Mayroong isang malaking insentibo para sa mga kriminal na impostor na magpanggap na sila ay si Satoshi Nakamoto. Noong Ikadalawampu Siglo, ang mga tao ang nagkibit-balikat na lamang kapag may naririnig silang isang
isang impostor na naman ni Anastasia.
Inaasahan ko na sa loob ng susunod na 50-70 taon, habang lumalaki ang halaga at katanyagan ng Bitcoin, ang mga tao ay tutugon na katulad ng
isang pang impostor ni Satoshi.
Ngunit hindi iyon dahilan upang huwag pansinin ang mga impostor!
Hindi tama ang pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Ito ay mapanlinlang, at ito ay isang krimen. Sa kaso ng pagnanakaw ng isang tanyag na pagkakakilanlan, ang impostor ay maaaring makasakit sa maraming tao. At dapat itong itigil.
Kaya nanawagan ako sa mga Bitcoiners na magkaisa sa pagsalungat sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Pansinin kapag nakita mo ito. Tawagin ito kung ano ito,
pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Wag natin itong palampasan. Labanan natin ito, maliit man o malaki ang pagnanakaw. At kung sinusubukan ng magnanakaw ng pagkakakilanlan ang isang sikat na pangalan upang makapang-loko ng maraming tao para kumita ng malaking pera, siguraduhin na alam ng lahat na ito ay pagnanakaw ng pagkakakilanlan na malakihan.
Gawin ito dahil tama ito. Gawin ito upang maprotektahan ang Bitcoin. At gawin ito bilang pag-alaala sa Anastasia, isang inosenteng biktima ng sikat na pagnanakaw ng pagkakakilanlan sa loob ng pitong dekada matapos na siya ay mamatay.
Orihinal na may akda: @
nulliusThread:
Project Anastasia: Bitcoiners Against Identity Theft [re: Craig Wright scam]