since sumali ako sa altcoin campaign deposit address sa poloniex ng coin ang ginamit ko at rekta na napupunta doon mas madali na kasi i trade at maging btc para iwas fee sa transaction kung may sarili kang wallet ng mga coin at gagawin mong btc magdodoble doble tlga kung ang interest mo lng ay i convert sa btc mauubos lng kaka fee mo sa manual transaction
Kung sumali ka po sir sa bounty campaign na token ang bayad ay kailangan mo po ng wallet na tumatanggap nito, halimbawa, kung yung ICO project po ay naka-integrate sa Ethereum platform ay Ethereum wallet po ang dapat gamitin mo para mareceive mo iyong token na ibabayad sa'yo. Ang pinaka-advisable po diyan na gamitin na wallet ay MyEtherWallet, pero pwede din ang Mist, MetaMask, Parity, at kung mobile ang gamit mo, imToken.
Once na matapos na po ang ICO na sinalihan mo at na-distribute na po nila iyong tokens sa mga participants, itong token ngayon ay magiging opisyal na altcoin na. At dito muna po siya pwedeng i-trade sa mga exchange sites na naka-i-enlist ito. Pero kailangan mo po syempre ng gas para maipasa po iyan sa exchange site.
Ngayon maliban po sa Ethereum platform, may mga ICO project na ang ginagamit po ay ang platform ng Waves kasi mas stable at secure ito kumpara sa ETH platform na ngayon ay nagkakaproblema sa network. Ang ilang halimbawa po ng gumamit nito ay Augur, Monkey.Capital, ZrCoin, EncryptoTel, MobileGo, Starta, etc. Kung dito ka po sumali sa mga ICOs na ito ay dapat may Waves wallet ka po at doon nils ipapadala iyong tokens mo kapag distribution na. May feature po ang Waves na pwede munang i-trade o i-exchange ang token mo sa BTC at pwede ka din po mag-create doon ng token. Mayroon din na mga exchange site na pwede mo pong pag-transfer-an niyan kapag na-i-enlist na sila.
Thank you po sa pagsagot mga sir, malaking tulong yan para sa katulad kong baguhan sa altcoin. sana mas marami pa yung makabasa neto para atleast nasummarize na yung kaylangan nila kapag sasali sila sa bounty campaign ng altcoin.